WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 Jan - 14 Feb 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Press releases
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Malungkot na showbiz news...na naman!!!

 

Ayaw man naming maghatid ng patuloy na negatibong balita tungkol sa Philippine showbiz ay hindi talaga maiwasan dahil sa mga sunod-sunod na mga pangyayaring di inaasahan. Mukhang hindi talaga maganda ang naging pasok ng huling quarter ng taong 2001 dahil halos puro na lang kamatayan, aksidente at sakit ang nangyayari sa mga artista. Eto ang mga detalye:

EX-CHILDSTAR NA SI STRAWBERRY, NAMATAY SA CROSSFIRE

Ang dating child actress na si Strawberry (Noche Sumayao sa totoong buhay) na nakilala bilang anak ni Nova Villa sa TV show na "Chicks to Chicks", ay napagitna sa crossfire na nangyari sa pagitan ng nobyo nitong si John Mark Doromal at ang naka-away nitong pamilyang Picar (kasama dito ang ama ng pamilya na si Reynaldo Picar at tatlo nitong anak na lalaki) noong Disyembre 16. Dahil sa isang alitan sa kalye ng isang ekslusibong subdivision sa Las Pinas City, nagkabarilan ang dalawang grupo at tumamo ng tatlong tama ng bala sa ulo si Strawberry. Makalipas ang apat na araw sa Paranaque Medical Center ay namatay na rin ito.

Kasalukuyang iniimbestigahan si Doromal at ang pamilyang Picar dahil sa nangyari.

GIRLFRIEND NI VANDOLPH, SUMAKABILANG-BUHAY NA

Tuluyang binawian ng buhay si Desiree Raquiza, 17 anyos, noong Disyembre 04, matapos ng aksidenteng kinasangkutan nito kasama ang boyfriend na si Vandolph noong Nobyembre 19. Maalalang nakabangga ng minamanehong Ford F-150 ni Vandolph ang isang eight-wheeler Elf truck sa bayan ng Pozzorubio sa Pangasinan.

Si Vandolph ay dahan-dahang nag-re-recover sa kanyang mga operasyon pero balitang hindi pa rin sinasabi sa kanya na wala na si Desiree.

MARITONI FERNANDEZ, MAY BREAST CANCER

Taong 1999 pa may naramdamang lump si Maritoni Fernandez sa kanyang right breast pero negative sa cancer naman ang resulta nang ipa-check-up niya ito sa Makadi Medical Center. Nang pumunta ng Amerika nung Abril 2001 ang mommy nito para magpa-second opinion sa sakit nito ay sumama si Maritoni at nagpa-check-up uli. Doon niya nalaman na may breast cancer na pala siya.

Hindi makapaniwala si Maritoni na magka-kanser siya dahil bata pa siya (32 anyos) at alagang-alaga niya ang kanyang katawan dahil hindi siya naninigarilyo at regular siyang nag-e-exercise.

Sa ngayon ay nagpapahinga siya dito sa Pilipinas kasama ang asawang si Alex at ang anak nitong si Alexie matapos ang kanyang chemotherapy treatment. Dinadasal niya na hindi na sana bumalik ang cancer dahil natanggal na ang lump sa right breast niya.

Back to top

Page 1 2 3


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

Malungkot na showbiz news...na naman!!!

Kontrobersiya sa Metro Manila Filmfest

Piolo Pascual, wala raw utang na loob

Mark Anthony Fernandez, nireklamo dahil sa "pambabastos"

Showbiz tidbits

Assunta, maituturing isang aktres na

Voice of late Teresa Teng made into CD