WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 Jan - 14 Feb 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Press releases
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Kung Ano Ang Puno Ay Siyang Bunga - Part 2

 

NAKATAPOS nang maluwalhati ang kaniyang anak sa mababang paaralan at mabait naman daw ang mga pulis na hindi ipinaalam kahit kanino ang ginawa ng kaniyang anak. Lumipas din ang isang taon niyon sa junior high school na walang nangyaring masama kaya inakala niyang nagpapakatino na ang kaniyang anak. Doon siya nagkamali!

Isang araw ay tinawagan siya ng mga pulis. Tamang-tama naman na noon ay kababalik lang niya mula sa Maynila. Nasa himpilan ng pulis si Divina at hinuli sa kaso na tinatawag na "enjo kosai"dahil ang ikinakatwiran ng mga katulad niya na hindi naman para sa kanilang ikabubuhay ang ginagawa nila kundi humahanap lang sila ng pagkukuhanan ng pambili nila ng kapritso sa kanilang mga katawan. Halos kasing-edad daw ng asawa niya ang kasama niyon sa loob ng isang otel. Matagal na raw na minamanmanan ng mga pulis si Divine na madalas na nag-aabang sa may istasyon ng tren hanggang sundan daw nila ang bata na kasama ng isang matandang Hapon. Nang makita nilang papasok si Divine at ang Hapon sa otel ay sinundan daw nila hanggang sa tanggapin daw nila ang susi para sa silid na kanilang pagtatalikan. Kusangloob naman daw na sumama si Divine dahil inakala niyon na pauuwiin ulit siya na hindi na siya kakasuhan. Nagkamali siya ng akala.

Dahil sa pangalawang opensa na iyon ni Divine ay ipinadala ang kaniyang kaso sa tanggapan ng taga-usig na ipinadala naman ang kaniyang kaso sa Pangtahanang Hukuman gawa nang siya ay wala pang labinglimang taon gulang at menor de edad. Nang ipatawag si Ann ay sinabihan siyang aalisan ng karapatang manuluyan sa Hapon ang kaniyang anak. Pinapili siya sa dalawang opsyon. Kung ipapangako niyang sasamahan niya ang kaniyang anak sa Pilipinas ay ibibigay na lamang si Divine sa Kagawaran ng Imigrasyon, at kung hindi siya makakapangako ay ipapadala sa isang repormatoryo ang bata bago pauwiin ng sapilitan sa Pilipinas. Sinabi rin sa kaniya ng mga nag-iimbestiga na nagkaroon ng ugnayan sekswal ang kaniyang asawa at anak dahil sa pirmi siyang wala.

Doon na nagwala si Ann na umamin na hindi naman niya natutunang mahalin ang kaniyang asawa kaya siya madalas na umuuwi sa Pilipinas. Sa narinig niya ay lalo siyang nawalan ng gana kay Sato-san, at sinabi niya sa mga pulis na nais niyang magsampa ng kaso laban doon. Sa totoo lang ay iyon ang hinihintay ng mga pulis para makahingi ng utos mula sa hukuman sa paghuli ng kaniyang asawa sa kasong tinatawag sa ingles na "statutory rape" na "miseinen nitaisuru kyosei waisetsu" naman sa wikang hapon.

Nang tanungin si Ann ng hukom kung ano ang balak niyang gawin para matulungan niya ang kaniyang naliligaw ng landas na anak, ay napahagulhol siya at halos hindi nakapagsalita. Sa naninikip na dibdib ay sinabi niyang parusa sa kaniya ang nangyari sa kaniyang anak dahil sa marumi niyang nakaraan. Sinabi niyang napakalaki ng kaniyang pagkukulang sa kaniyang mga anak at siya ay nagsisisi. Sinabi niya na sana ay hindi pa huli na matulungan niya na si Divine ay magbago. Sinabi niya sa hukuman na uuwi na lang sila sa Pilipinas. May kaunti na rin naman siyang naiipon kaya makakapagsimula silang muli nang maayos. Gagawin daw niya ang lahat upang magabayan daw niya ang kaniyang anak na hindi na kailanmang mapapayagang manuluyan sa Hapon.

Ang totoo ay mahigpit ang hukuman sa Hapon tungkol sa kasalanang pagpo-prostituta. Kahit asawa ng mga Hapon o may permanenteng pahintulot na makapanuluyan sa Hapon, kapag nahuli sa akto ng pagbebenta ng aliw ay inaalisan ng karapatang manuluyan sa Hapon at pinauuwi ng sapilitan ng Kawanihan ng Imigrasyon.

Sana ay maging leksyon ang nangyari kay Ann at sa kaniyang anak sa mga Pilipinang nagpapakasal sa mga Hapones at dinadala ang kanilang mga anak mula sa Pilipinas upang ipaampon sa kanilang mga asawa. Alalahanin natin na maging nga sa Pilipinas ay naging uso na hinahalay at inaabuso ang mga anak na babae at kahit na lalaki ng kanilang sariling mga ama, kaya mas lalong kinakailangan ang pag-iingat sa mga hindi nila tunay na ama. Napapanahon na siguro na pag-isipan nila at ng lahat na Pilipino kung ano talaga ang mahalaga: pera o kalinisan sa mga mata ng lahat lalo na ng Panginoong Maykapal! *

Back to top



Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Back to business

FINESSE
Happy new hair!

BUSINESS IDEAS
The fascinating rewards of fiberglass fabrication

POLICE BLOTTER
Kung anong puno ay siyang bunga - Part 2

DADDY BILL'S RECIPES
Kentucky corned beef hash deluxe

LIGHT AND SHADOW
X-posure

New year special