WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 Feb - 14 Mar 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Press releases
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan



JOHN RENDEZ, MAGSASAMPA NG KASO LABAN SA MGA ANAK NI NORA AUNOR


As of presstime, hindi pa malinaw kung ano ang kasong isasampa ni John Rendez laban kina Matet, Ian at Kiko de Leon. Basta nagsalita na lang ito sa isang showbiz-oriented talk show na "see you in court". Meron daw matitinding sinabi si John laban kay Matet tungkol sa isyu ng harrasment pero hindi na pinalabas sa ere ang naturang interview. Ayon kay Matet ay hindi siya natatakot sa demanda. Mas gusto pa nga raw niyang matuloy para malaman daw talaga kung sino raw ang talagang may kasalanan.

Hindi rin malinaw kung kasama rin sa isasampang kaso ni John ang tungkol sa suntukan nila ni Ian de Leon na naganap nung nakaraang buwan. Hindi naging malinaw ang dahilan ng alitan nila dahil walang nagsalita sa dalawa. Mas gusto ni Ian na manahimik na lang at sila na lang daw ang mag-ayos ng gulo ng pamilya nila.

 

NEWSBITS

* Kompirmadong hindi buntis si Geneva Cruz.

* Engaged na si Ruffa Gutierrez sa Turkish boyfriend nitong si Yilmaz Bektas pero hindi naka-set ang kasal sa taong ito or 2003.

* Si Rob Chien, isang Chinese-Japanese ang bagong boyfriend ni Lea Salonga. Nakilala niyo ito dahil sa pinsan ni Rob na kasama ni Lea sa "The Flower Drum Song", isang musical na tinanghal sa Los Angeles nung nakaraang taon kung saan naging bida si Lea.

* Mga bago raw na mag-boyfriend: Ciara Sotto at John Lloyd Cruz, Assunta de Rossi at Jay Manalo (namuo ang relasyon nila ng magkasama sila sa pelikulang "Hubog"), Diether Ocampo at Andrea Bautista (kapatid ni Bong Revilla), Dingdong Dantes at Darlene Carbungco, Mutya ng Pilipinas 2001 at Donita Rose at Filipino boyfriend nito na naka-base sa San Francisco.

* Nagpadala na ng last subpoena si Kai Palomares kay Jericho Rosales para sumipot ito sa preliminary hearing ng kasong "Negllgence of Child Support" na sinampa nito laban sa aktor. Kung hindi pa raw sisipot si Jericho ay baka ma-isyuhan ito ng "warrant of arrest". Sustento lang daw sa anak nilang si Santing ang habol ni Kai kay Jericho.

* Nagpakasal na raw ng lihim sina Dino Guevarra at Kim de los Santos sa SanJuan Municipal Hall at mismong si San Juan Mayor JV Ejercito pa raw ang nagkasal sa dalawa. Witness raw si Bobby Andrews. Sa June 2003 daw gaganapin ang kanilang church wedding.

* Ang sikat na Japanese action star na si Jacky Woo ay gumawa ng pelikulang "The Hustler" dito sa Pilipinas. Leading-lady niya rito si Jo Canonizado, Muyta ng Pilipinas 2000. Na-release na rin ang kanyang debut album na kasalukuyan niyang pino-promote sa mga malls sa Metro Manila. Ang carrier single nito ay "Naroon Pa Rin".

* Nanalo si Jackielou Blanco bilang "Ms. Great Bodies 2001" ng Slimmers' World.

* Nakatakdang manganak si Bernadette Allyson sa March. Panganay nila ito ni Gary Estrada.

* Nagrecord si Martin Nievera ng kanta na kasama sa soundtrack ng "Austin Powers 3".

* Break na ang newscaster na si Bernadette Sembrano sa boyfriend nitong siNoynoy Aquino.

* Balik-showbiz na si Jao Mapa. Hindi raw totoo ang tsismis na kaya siya nag-quit sa showbiz noon ay dahil sa nalulong siya sa masamang bisyo. Ayon kay Jao, ay pinili niyang mag-concentrate muna siya sa pag-aaral kaya siya nagpahinga sa showbiz.

* Kasama sa ipapalabas na "The Exorcist" ang international popstar na si Billy Joe Crawford. Co-star niya rito si Liam Neeson (kilala bilang si "Schindler" sa "Schindler's List).

Back to top

Page 1 2 3 4 5


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

Joey and Alma Marquez - hiwalay na

Pops Fernandez, French-Filipino ang boyfriend

Kambal ni Charlene at Aga - bininyagan

Pinatawad na ni Jinggoy Estrada si Bong Revilla

Mga handang maghubad

John Rendez, magsasampa ng kaso laban sa mga anak ni Nora Aunor

Newsbits

The constantly changing Jose Mari Chan