
PINATAWAD NA NI JINGGOY ESTRADA SI BONG REVILLA
Personal
na pinahayag ni Jinggoy Estrada sa presscon ng kanyang pelikulang
"Walang Iwanan, Peksman" na pinatawad niya na si
Bong Revilla sa naging kasalanan nito sa kanya at sa kanyang
pamilya. Kung natatandaan niyo pa ay isa si Bong Revilla sa
mga bumitiw ng suporta sa ninong nitong si dating Pangulong
Joseph Estrada sa kalagitnaan ng Edsa Dos nung nakaraang taon.
Tuwang-tuwa naman si Bong Revilla ng malaman ang balitang
ito. Kahit alam daw niya na hindi basta-basta maibabalik ang
dati nilang samahan ay naniniwala siya na mawawala rin daw
"kung anoman yung sugat na naroon at magagamot ito sa
tamang panahon." Laking pasasalamat ni Bong kay Jinggoy
at maganda ang naging regalo nito kay Bong para sa taong 2002.
MGA HANDANG MAGHUBAD
Dahil
sa ehemplo ng mga batang artistang biglang sumikat dahil sa
paghuhubadkatulad nina Joyce Jimenez, Rica Peralejo at Assunta
de Rossi ay marami ring artistang sumubok sa rutang ito para
makilala ng husto. Kabilang dito ay sina Maricar de Mesa,
Isabel Granada at Wendell Ramos pero hindi sila naging masyadong
matunog sa masa. Pero kahit papano ay meron pa ring gustong
sumubok. Kabilang dito ay sina Onemig Bondoc, Bojo Molina
at Beth Tamayo. Balitang may butt exposure daw si Onemig sa
pelikula niya kasama si Assunta de Rossi. Samantala, si Bojo
at Beth ay handang makipagsabayan basta maganda raw ang istorya
ng pelikula, magaling ang direktor at malaking movie outfit
ang magpro-produce na may kasamang all-out na promotion.
Back to top
|