WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 Feb - 14 Mar 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Press releases
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

JOEY AND ALMA MARQUEZ - HIWALAY NA


Pagkatapos ng labingdalawang taong pagsasama, kompirmadong hiwalay na si Mayor Joey Marquez at ang maybahay nitong si Alma Moreno. Umalis na si Alma sa kanilang tahanan sa Paranaque at kasalukuyang naninirahan sa isang bahay na nirerentahan niya ng P40,000 a month. Ang tatlong anak nilang sina Yeoj, 11, Win-win, 9 at Vittorio Joe, 5 ay nagdesisyong manatili sa poder ng ama nila (si Vandolph na anak ni Alma kay Dolphy ay nasa kay Joey din dahil nagpapagaling pa ito samantalang si Mark Anthony naman na anak ni Alma kay Rudy Fernandez ay nakatira naman sa ama nito kasama ang step-mom nito na si Lorna Tolentino).

Maraming haka-haka tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa. Isa dito ay ang balitang na-in-love si Alma sa isang 31 years old na mayamang businessman na taga-Cebu (mas bata kay Alma ng sampung taon). Meron namang nagsabi na isang radio commentator naman na taga-Cebu pa rin ang boyfriend ni Alma. Ayaw naman magsalita ni Joey tungkol sa anggulo na to. Sinabi niya na lang na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magkabalikan silang mag-asawa dahil sa dami at haba ng pinagsamahan nila. May balita ring lumalabas na gumaganti lang daw si Alma dahil sawa na raw ito sa pananakit at pambabae ni Joey. Kung maalala niyo pa ay dating na-link ng matagal si Joey kay Sharmaine Arnaiz at ni minsan ay di man lang nagsalita si Alma. Balita ring may alam ang tatlong anak nila ukol sa totoong dahilan ng break-up kaya nanatili sila sa piling ni Joey.

Parang wrong timing ang hiwalayan ng dalawa dahil pareho silang may karamdaman sa kasalukuyan. Si Alma ay may multiple sclerosis samantalang si Joey ay may hypertension. May nakapuna rin na parang "cycle" sa buhay ni Alma ang makipaghiwalay pag matagal na siyang may kinakasama (8 years siyang nakipag-live-in kay Rudy Fernandez at 12 years naman kay Dolphy).

Final na raw ang hiwalayang Joey at Alma dahil magfi-file na raw si Alma ng annulment ng kasal nila (kinasal sila sa Las Vegas nung 1989 at sa Pilipinas ng 1990).



Back to top

Page 1 2 3 4 5


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

Joey and Alma Marquez - hiwalay na

Pops Fernandez, French-Filipino ang boyfriend

Kambal ni Charlene at Aga - bininyagan

Pinatawad na ni Jinggoy Estrada si Bong Revilla"

Mga handang maghubad

John Rendez, magsasampa ng kaso laban sa mga anak ni Nora Aunor

Newsbits

The constantly changing Jose Mari Chan