WELCOME to Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us     
15 Feb - 14 Mar 2002
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Poetry
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Press releases
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan

Bagong taon, mga bandang Pinoy, at mga pagmumuni-muni

 

MAGINAW ang paligid. Maginaw na nakakainis. Lalo na kung baguhan ka sa bansang ipinagmamayabang ang kagandahang dulot ng niyeble o 'snow'. Pero actually, kalagitnaan na ng Enero ay wala pang masasabing "snow" talaga na bumulaga dito sa Estado ng Nweba York o New York. Sa walong taon na pamamalagi ko rito ay ito na yata ang pinakamainit na pambungat ng winter. Maginaw na maliwanag ang paligid. Kahit nga ang mga mismong taga-rito ay nakikikanta na rin ng "I'm dreaming of a White Christmas". Para bang tayo nung nasa Pilipinas pa, kinakanta ang ganitong awitin...hehehe... udyok talaga ng ating isipang kolonyal. But in another case, baka nga naman totoong malala na talaga ang global warming at hindi na gumagana ng normal ang kalikasan.

Ang nangyari, very pathetic tuloy ang mga Christmas decors, lights at mga borloloys na ikinakabit at dini-display nila dito. Merong mga Frosty the Snowman (synthetic), Santa Claus, at iilang Belen o Nativity Scene na hindi gaanong marami. Sa tingin ko ay kapos sa kabuluhan ang mensahe ng nakaraang Pasko. Ang Pasko dito ay "party!party!party!" at hindi sentro ang pagdiriwang sa kapanganakan ng Poon.

Siguro ay katulad ninyo, nasasabik lang ako sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas. Di ba naman at walastik talaga tayong mga Pinoy sa pagdiriwang nito. Nandiyan yung Simbang Gabi, Puto Bumbong, 13th month pay at Christmas Bonus, at ang mga paputok ng Bagong Taon (let's not dwell much na sa Pasko dahil matagal na tapos na ito).

New Year in New York. Hindi allowed ang paputok dito sa Bagong Taon.

Bagay na pinuputok naman ng butsi ng mga Asyano, kabilang na ng mga Pinoy. Dito ay normal na pagdiriwang lamang. May palabas sa telebisyon ng paglaglag ng "malaking bolang salamin", mula sa tuktok ng isang building sa Times Square sa Manhattan. Ganyan lang taon-taon. Malalaglag ang bola kasabay ng countdown. As in yun lang. Hindi naman nababasag ang bola. Hindi naman pinapalo na parang malaking "pinata" (yun bang parang hit-the-palayok). Wala lang. Sa pagdating ng Bagong Taon ay magbabatian lang ng "Happy New Year" at mag-iinuman at sayawan na. Celebrating NewYear here is very commercialized and less in essence.

Pati sa Chinese New Year ay bawal magpaputok. Ipinagbawal kasi ng dating mayor. Quality of Life campaign daw. Ipinagbawal ito bago pa man mangyari ang World Trade Center incident. Bakit hindi pwede eh integral na part ito ng Asian Culture. And personally, it really pisses me off.

Pinoy Rocks! Nanood kami nung isang gabing tumugtog dito sa Nweba York si Melody del Mundo (ng dating banda sa Pilipinas na SUGAR HICCUP ). Very ethereal pa rin ang boses. Though sa tingin ko ay hindi masyadong nasakyan ng crowd ang tugtog. Dream pop kasi, bordering to new wave/goth. While ang crowd ay dig naman ang mga neo-metal tulad ng Linkin Park, Korn, etc. Nung mga taong 1999-2000 ay tumugtog din dito sa NY ang mga Philippine-based Pinoy bands tulad ng ERASERHEADS, WOLFGANG at THE DAWN.

Pinoy Rock is much alive and making waves here in New York and New Jersey area kung ihahambing sa West Coast o California. Dito kasi ay maraming mga kabataang Pinoy na bagong dagsa mula Pilipinas. Sa West Coast naman ang karamihan ay Fil-Ams o mga ipinanganak na sa US. So dito, talagang dala pa ang kaisipang Pinoy kahit sa sub-culture man lang. Maraming mga Pinoy na banda rito na syempre ay underground. Kung may mga gigs at tugtog ay maririnig mong kino-cover nila ang mga kanta ng mga Pinas-based bands tulad ng Eraserheads, River Maya, Wolfgang, The Dawn, pati na ang Asin, Juan dela Cruz, Philippine Violators at The Youth. Naka-based nga pala dito sa New York si Mike Hanopol ng dating 70's Pinoy Rock band Juan dela Cruz. At talagang super sa performance at talent ang mga ito. Though na-notice ko lately na talagang "in" na sa mga baguhang Pinoy na banda ang rap-metal na tinatawag.

Naging involved ako, mga dalawang taon na ang nakaraan, sa pag-promote ng mga Pinoy band gigs dito sa New York City. Ito ay ilan lamang sa mga underground na bandang Noypi na naka-tsokaran ko - KADENA (punk band), CORRUPTED, MIDNITE NOVEMBER, RUBBERBAND, BLOK-BLOK, MANIAKOL, MODESS (female riot gurlz!!), SONS OF BRANDO, SPLIT ENDZ, DAISY CHAIN, NO DISCO, NEARBY CRIES at marami pang iba. May mga bagong banda din tulad ng RED SIOPAO, ZIGBIN, HYDRANT, at iba pa. Nagawang makapag-produce din ng mga demo tapes at CDs ang ilan sa mga bandang ito kung saan underground ang distribution syempre.

In other states ay umuusbong din ang mga Pinoy at Fil-Am bands sa underground scene. Kabilang na rito ang SILVERSCENE (Virginia), BROWNODDS at SOULFIX (Chicago, Illinois) at KAYUMANGGI (Texas). Sa California, marami tulad ng LOVE DARIA, FALL OUT, NARRA, MELANCHOLICS, PEACH FANTASTIC, SKYFLAKES, BOBBY BANDURIA, ESKAPO, etc. Paborito ko syempre ang Los Angeles-based skinhead working class Oi band na SIGNAL 3 at ang new wave inspired Fil-Am band na naswerteng napa-major label na MOONPOOLS AND CATERPILLARS, at ang Indie band na VERSUS who recently fronted to 80's retro band MISSION TO BURMA.

So when we say na kilala ang mga Pinoy sa dating broadway show na MISS SAIGON, marami ang napapataas ang noo. Syempre, world class nga daw ang ating "entertainment" ... kaya pala kung saan-saan ay napapadako ang Pinoy in terms of OCWs, entertainers, etc. But that is another matter. Pero ang point is, though hindi world renown ang performances ng mga bandang ito, they deserve a worthy credit dahil mas nakaka-relate ang mga bagong kabataang migranteng Pinoy dito sa New York at New Jersey sa music sub-culture na inilatha ko.

Patuloy tayo sa ating pakikinayam. Patuloy tayo sa pagkabuhay. Patuloy tayo sa pagkatuto, saan man tayo dalhin ng apat na hangin ng daigdig.

I end this column with lines lifted from SIGNAL 3:

Tayo'y mga pahirapan
Sa landas ng kawalan
Aliping nakaluhod
Bata't matanda'y nilulunod
Isang bangka tayong aahon
Sasagupa sa malakas na alon
Kapit kamay, kapit kamay
Manggagawang Pilipino!!! *


<React to this article> <Read other reactions>



A medical-surgical nurse in New York, PT poet Rey Agudana has been writing poetry for almost a decade now. He is also a strong believer in the liberation of the arts and literature from the clutches of commerce. He recently helped organize the Bacolod-based poetry-reading group -- Rhymes of Resistance. You may email the author at tubao@philippinestoday.net.



Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Caveat on retirement funds

FINESSE
Hair color 101

DATELINE: MANILA
Sa anibersaryo ng People Power 2

DATELINE: NEW YORK
Bagong taon, mga bandang Pinoy, at mga pagmumuni-muni

VALENTINE SPECIAL
24 ways to strengthen your marriage

For those who have loved