|

Sa anibersaryo ng People Power 2
SA ARAW ng mga Puso. Sa Pebrero pumapatak ang araw
ng mga puso sa buong mundo. Sa Japan naman ang mga babae ang
magbibigay ng regalo (kalimitan ay chocolates) sa mga lalaking
napupusuan (honmei) at di napupusuan (giri). Dito naman, ang
mga mag-steady ay magbibigayan din ng regalo pagdating ng
Valentine's Day. Sa mga araw na malapit sa Valentine's Day,
maaaring lalong dumami ang PDA o Public Display of Affection.
Kapansin-pansin ngayon ito sa Metro Manila. Hindi yata lalampas
ang isang buwan na hindi makikita ang isang couple (puedeng
kasal o di kasal) na halos maghalikan na ang lapit ng labi
sa isa't isa o lapit ng labi sa leeg ng kasama kung mag-usap,
kung sila man ay nag-uusap u (Para sa mga di pa nakakaalam,
ibig sabihin ng letter "u" na may dalawang tuldok
sa itaas ay mukha ng isang tao na nakatawa).
Mga Paputok sa Bagong Taon. Napakaingay daw ng Bagong
Taon sa Pilipinas para sa mga Nihonjin. Noong New Year's Eve,
maingay pa rin daw ayon sa kaibigan kong Haponesa. Pero konti
na lang ang maririnig o makikitang hanabi at kung anu-ano
pang paputok. Konti o walang pe-rang pambili ang karamihan
sa ating mga kababayan dahil sa pagsama ng ekonomiya ng Pilipinas
at mundo. Dati, kahit 4 a.m. ng January 1 sa amin meron pa
ring iilan na maririnig na putok. Nung 2:30 ng January 1,
2002 tigil na ang paputok. Noon, ilang araw na ang nakalipas,
meron pa rin ilang malalakas na putok ang maririnig. Ngayong
taon, ito wala na.
 |
|
Last year's People Power 2 at the EDSA
Shrine. BNT photo
|
|
Anibersaryo ni Aling Gloria o People Power 2. Ang
Bayan at Sanlakas, mga militanteng grupo na sumali last year
sa mga grupong nagpatalsik sa dating pangulong Erap. Ngayon
laban pa rin sila kay Erap ngunit di rin sila sang-ayon kay
Gloria. Wala rin daw ginagawang matino si Gloria.
In fairness to President Gloria, higit na mas magaling siya
kay Erap sa pamamalakad ng pamahalaan. Nariyan ang mga masasamang
paratang sa asawa niyang si Mike Arroyo ay hindi magtagumpay
at isa-isa nang nangawala ang mga taong nag-aakusa ng graft
laban kay Mike. Kay Erap, halata ang pag gamit niya ng yaman
ng bayan para sa iba't iba niyang pamilya. Inaakusa si Gloria
nang pamumulitika dahil sa paggala niya sa iba't ibang lugar
sa Pilipinas. Sagot ni Gloria, kailangan niyang maglibot para
makita ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap. Para makita mismo
ng mahihirap na alam talaga ng pamahalaan ang sitwasyon nila.
Tama nga ang sinasabi ng Catholic Bishop's Conference of the
Philippines, isang taon pa lang si Gloria nakaupo. Dapat bigyan
ng chance ang kanyang administrasyon magtagumpay. Madarama
pa lang ang mga epekto ng pagbabago matapos ang 4 o 5 taon.
Ang Popularity ng mga game shows. Tuloy ang popularity
ng mga game shows tulad nang "The Weakest Link (TWL)".
Nariyang ginagamit na ng mga politiko at government officials
ang expression na "the weakest link." Sa mga bumabatikos
kay Mike Arroyo, "The First Genetlemen is the weakest
link." Sinulat naman ng isang columnist-priest na, "(I)n
any temptation situation, you are the weakest link. So pray!
Otherwise, goodbye!". Ginaya na rin ng ilang game shows
sa T.V. ang trend na pinasimulan nang TWL: ang pang-aasar
sa mga natalo o matatanggal na contestant sa game shows. Meron
gumagamit ng "T.Y. Tanggal You!" at "Alis dyan!".
Dinudumog na Foreign Movies. Noong December ipinalabas ang
Harry Potter and the Sorcerer's Stone at noong January naman
ang "The Lord of the Rings: The Fellowship of the Ring".
Sa Ayala Malls tulad ng Alabang Town Center, 3 or 4 out of
5 moviehouses nila ang nagpalabas ng mga foreign movies na
'to. Sa SM Megamall cinemas naman, 3 or 4 out of 8 ang nakuha
ng dalawa sine. Mahaba ang pila ng manonood sa unang linggo
ng pagpapalabas ng 2 ito. Ikumpara naman ang mga sineng gawang
Pilipino. Hindi na kasing lakas ang hatak sa manood. Ayon
sa isang movie critic, dahil daw ito sa pagmahal ng movie
tickets. Ang mga kayang bumili ng movie tickets ngayon ay
mga galing sa upper at middle class na lang ng lipunan. Mga
foreign movies na ang mas patok sa mga kayang bumili ng movie
tickets.
WOW Philippines at credit cards. Noong January 15-31,
nag-lunsad ang mga shopping malls sa buong bansa at Department
of Tourism ng "WOW Philippines Grand Fiesta Sale"
para i-promote ang bansa bilang "shopping paradise"
sa Asia. Habang sinusulat ito, hindi pa gaano dumarami ang
shoppers. Sana dumami ang shoppers pero dapat hinay lang sa
credit card use. Sa bagay konting Pilipino lang ang gumagamit
ng credit card. Ayon sa isang year 2000 survey, mga 90% ng
populasyon ang bumibili using cash. Pero mukhang tataas ang
bilang ng credit card users. Agresibo ang credit card departments
ng mga bangko sa pagkuha ng mga kliyente. Nagtayo sila ng
mga kiosks o small booths sa loob ng mga malls tapos ang kanilang
marketing people, ngingiti sa 'yo (kung ikaw ay taong mukhang
makakabayad) habang aabutan ka ng application form nila. *
|