Welcome to
Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us    
15 Dec. 01 - 14 Jan. 02
The longest running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Inspirations
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines
INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Special features
Balitaan
Search the site

Search for Filipino Sites:
browse by category

Monthly Update
Email Address:


Bahay Kubo Research

BACK TO TOP

Malungkot na Showbiz Balita

Hindi pa naka-recover ang showbiz industry sa sunod-sunod na pagkamatay nina Ricky Belmonte, Eddie Rodriguez, Jun Encarnacion, Larry Mumar (ex-husband ni Coney Reyes), Artemio Marquez (ama nina Melanie and Joey Marquez) at Ray Ventura (isang batikang character aktor) nung mga nakaraang buwan ay eto na naman at may malungkot na namang balita kaming ihahatid. Ito ay tungkol sa pagkapatay kay Nida Blanca, ang pag-suicide ni Ma. Theresa Carlson at ang pagka-aksidente ni Vandolph. Narito ang mga detalye:

 

NIDA BLANCA PINASLANG

Nagimbal ang buong Pilipinas, hindi lamang ang showbiz, sa balitang pinatay ang respetadong aktres na si Ms. Nida Blanca noong Nobyembre 7. Karumal-dumal ang krimen na nangyari kung kaya ganun na lang ang pagsabog ng balita.

Natagpuang patay si Nida ng alas ocho kinse ng umaga sa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa 6th floor ng Atlanta Center building sa may Annapolis Street sa Greenhills. Siya ay tumamo ng labingtatlong saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Ayon sa Medico Legal ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Dr. Maximo Reyes, ang pagkamatay ng aktres ay nangyari ng mga alas tres ng madaling araw ng Nobyembre 7 hanggang alas singko. Kung natagpuan lamang ito ng ma-aga-aga, marahil ay nailigtas pa ang buhay nito.

As of presstime, walang linaw pa rin ang kaso ng aktres dahil kasalukuyang iniimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) sa ilalim ni Interior and Local Government Secretary at Napolcom Chairman na si Jose Lina Jr. ang tungkol sa alegasyon ng "self-confessed killer" na si Philip "Jun" Medel Jr. na dinukot lang daw siya, tinorture at puwersahang pinaamin ng krimen. Maaalalang sumuko sa Philippine National Police (PNP) -Task Force Marsha si Medel nung Nobyembre 19 at itinuro ang asawa ni Nida sa si Rod Strunk bilang "utak" ng lahat. Binawi niya ang lahat ng ito na nakasaad sa kanyang sinumpaang affidavit nang gumawa ito ng eksena sa Department of Justice nung Nobyembre 23 at inakusahan ng torture ang mga pulis na humuli sa kanya. Dawit dito ang spokesman ng Task Force Marsha na si PNP Senior Superintendent Leonardo Espina na hinamon si Medel na mag-polygraph test para mapalinis ang kanyang pangalan.

Samantala, pormal na ni-request ng anak ni Nida na si Katherine "Kay" Torres na NBI na ang humawak ng kaso na dating hawak ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Inaasahang mapabilis ang paglutas ng kaso ngayong nasa NBI na ito para mabigyan ng hustisya ang walang saysay na pagkamatay ni Nida.

back to top

 

MA. THERESA CARLSON, NAG-SUICIDE

Dalawang linggo matapos ang nangyari kay Nida Blanca ay ang pag-suicide naman ni Ma. Theresa Carlson ang laman ng mga pahayagan. Si Theresa ay natagpuang wala ng buhay ng mga 12:15 nung Nobyember 23 sa third floor ng tinitirhang condo unit sa Platinum 2000 sa Greenhills matapos tumalon ito mula sa 23rd floor.

Si Theresa ay nakilala sa sitcom na Chicks to Chicks kung saan siya sumikat dahil sa baluktot niyang Tagalog (si ako at si ikaw). Kasama niya sa nasabing sitcom sina Freddie Webb,Nova Villa at Carmi Martin.

Huminto siya sa pag-aartista nung makilala nito at napangasawa ang dating Ilocos Norte Governor na si Rodolfo "Rudy" Farinas. Naging kontrobersiyal silang mag-asawa nung nagpayahag minsan si Theresa na "battered wife" daw siya sa isang talk show, pagkatapos nitong humiwalay sa asawa. Pero nagkabalikan din sila at binawi naman ni Theresa ang kanyang sinabi.

As of presstime, kahit sinabi na ng San Juan Chief of Police na si Supt. Rodrigo Degracia na walang indikasyon ng "foul play" ay hindi pa rin nila lubusang masasabing suicide nga ang nangyari hangga't hindi tapos ang kanilang imbestigasyon. Inaasahang malulutas din ang kaso na ito para malagay na rin sa tahimik si Theresa at ang pamilyang naiwan nito.

back to top

 

VANDOLPH, NAAKSIDENTE

Nabangga ang minamanehong Ford F-150 ni Vandolph, ang 17 year old na anak ni Dolphy kay Alma Moreno, ng isang eight-wheeler na truck sa Pangasinan ng pabalik na ito galing Baguio nung Nobyember 19 kasama ang girlfriend nitong si Desiree Raquiza at dalawang driver. Para masuri kaagad ang kondisyon ay inilipad ito sa isang helicopter patungong Villamor Airbase at dinala sa Makati Medical Center.

As of presstime, okay na ang kalagayan ni Vandolph matapos itong sumailalim ng dose oras na operasyon sa pelvic bone, paa at kamay. Samantala, okay na ang kondisyon ng dalawang driver at ang tatlong taong nakabangga ni Vandolph na lulan ng truck pero ang girlfriend nito ay balitang 50-50 ang sitwasyon.

back to top

 
SITE SEARCH

Advance Search
 
OTHER STORIES

Malungkot na showbiz balita:
Nida Blanca pinaslang
Ma. Theresa Carlson, nag-suicide
Vandolp, naaksidente

Philippine family day

Troy Montero at Nikki Valdez: break na!

News bits

Blind items

Koizumi's Presley collection, the latest hit!

 

 
 
 
 
 


Philippines Today
©Copyright 2001, All Rights Reserved