|

Manila happenings, atbp...
DECEMBER na! Sa mga department stores ng SM tulad ng Megamall, SM
Davao (kabubukas lang nito), Shangri-la, Ayala Center, Alabang Town
Center at iba pang malls, nariyan na ang mga Christmas trees, Christmas
lights, ang mga kung anu-anong bagay na kulay silver, red, gold,
green na nakalagay sa display windows ng mga shops.
Sa Ayala Avenue, equivalent ng Ginza sa Tokyo, at ng Wallstreet
sa New York, nakasabit na sa mga posteng ilaw ang magagarang parol
na kung saan sikat ang Ayala Avenue. Masarap magpunta sa gabi sa
Ayala. Maglakad ka lang sa Ayala Avenue o mag-window shopping sa
Ayala Center, damang-dama na ang Pasko. Pati sa C-5 Circumferential
Road, meron na ring mga parol na nakasabit sa mga posteng ilaw.
Paid for nga lang ng isang shampoo company pero kahit paano meron
na ring decorations at nakakatulong para madama ang Christmas spirit.
 |
|
Christmas shopping at the Ayala Center in Makati
(BNT photo)
|
|
Sa loob ng mga malls, ang dami ng mga tao! Simula nang November,
dumagsa ang mga tao sa mga malls kahit hindi sale! Ibig sabihin
kaya nito, walang effect ang nangyari noong September 11 sa New
York? Sa unang tingin parang walang epekto ang insidenteng 'yon.
Pero mukha yatang meron na. Sabi ng kaibigan kong may-ari ng kompanyang
nagbebenta ng perfume na gawang Pilipinas, bagsak daw ang total
sales mula sa mga outlets nya sa iba't ibang malls for October and
November. 'Yon daw ang pinakamababang total sales n'ya simula nang
maitayo ang kanyang perfume business noong 1999. Ang kapitbahay
niyang tindahan sa SM Sucat, Paranaque (kabubukas lang ng SM Sucat
ngayong taon) na nagbebenta ng mga abubot, mga belt, damit, etc.
ay nagsara. Pati raw ang kakilala n'ya na nagbebenta ng cellphone
at accessories. Dati ang return rate ng customers ng cellphone store
ay 75% ngayon nasa level ng 10%.
Sa hirap ng panahon ngayon mas maraming ang naghihirap at mas darami
siguro ang mga matutuksong maging holdaper at snatcher. Sa mga uuwi
galing Japan, huwag masyadong maging obvious na galing Japan paglabas
ng airport. Alisin o bawasan ang mga senyales na magpapa-obvious.
Ilan na ang mga istorya nang mga holdap na nagaganap kalalabas pa
lang ng airport.
Kung bibili ng appliances, huwag lang palagi sa Duty Free. Malapit
ito sa airport. Mahirap nang abangan ng mga magnanakaw na may armalite
at nakasakay pa sa van kalalabas pa lang sa Duty Free.
Kung magpapadala ng pera, kilatising mabuti ang taong magdadala
nito. Mas mabuti siguro kung sa mga kumpanyang kilala o bangkong
Pinoy na lang. Baka matukso pa si Pare o Mare dahil naghihirap din
ang pamilya nya...mahirap na.
Sa Japan maraming mga tao, lalo na sa wakamono, ang nagkukulay ng
buhok. Sa Pilipinas, noong mangyari ang tinatawag na "EDSA
Tres", kumalat sa e-mail at cellphone text jokes na ang dumalo
sa rally para kay Erap ay 'yung mga bungi, may tatoo, at may kulay
ang buhok. Pawang mga katangian ng mahihirap. Pero ilang buwan pa
lang ang nakalipas, meron na ring ilan sa middle class o burgis
ang nagkukulay ng buhok. Sa opisina ko, may 2 o 3 babae na akong
nakikita. Sa isang bangkong napuntahan ko, kulay blonde ang buhok
n'ya kahit medyo lang s'ya maputi.
Magkano na ba ngayon?
Minimum fare sa MRT (lahat ng tren ay aircon) - P9.50
Maximum fare sa MRT - P15.00
Minimum & maximum fare sa LRT - P12.00 (kahit saan
sumakay at bumaba, aircon o non- aircon)
Minimum fare sa aircon bus - P9.00, minsan P10.00
(depende sa bus co.) sa unang 4 km tapos P1.00/ km
Minimum fare sa ordinary bus - P4.00
Minimum fare sa jeepney - P4.00
LPG (household use) - P255-270
Gas Unleaded - P17.54-17.93
Gas Premium - P18
Gas Regular- P17+
Baboy- from P115 to 140/kilo depende sa cut
Beef- P150 to P240/kilo depende sa cut
Chicken (dressed)- P90 to 110
Bigas (primero clase)- P24/kilo
Bigas (average-wagwag/sinandomeng variety)- P20
Bigas (old-wagwag) - P18
Itlog (Sml,Med,Large)- P40 P42 /dozen
Tanigue - P200/ kilo
Galunggong - P80-100/ kilo
Tilapia - P80-100/ kilo
Lapu-lapu - P180/ kilo
Softdrinks - McDo (L) P 19; Jollibee (L) P 18
Spaghetti - McDo (L) P 32; Jollibee (L) P 29
1 pc chicken meal - McDo (L) P 49; Jollibee (L) P 49
Large fries - McDo (L) P 26; Jollibee (L) P 26
Regular burger- McDo (L) P 18; Jollibee (L) P 18
|
|
Usung-uso na rin dito ang mga game shows sa gabi. Dati sa mga noon-time
shows lang tulad nang Eat Bulaga at Magandang Tanghali Bayan. Sa
ABS-CBN ang Game K N B (short for Game Ka na Ba), sa GMA Korek na
Korek ka Dyan! Palakihan nang premyo ang mga game shows. Pa-simplehan
sila ng mga rules para mas madaling maintindihan ng mga tao, maging
popular sa kanila at nang sa ganun ay makaakit ng advertisers. Nagpasimuno
ng trend na 'to nang gumawa ng licensed local version ng "Who
wants to be a Millionaire?" game show ang Viva Films at ipalabas
sa IBC channel. Tapos sinundan pa nila ito nang "The Weakest
Link".
Kitang-kita ang popularity ng isang trend pag ito'y nagiging laman
ng mga text messages o text jokes sa cellphone. Nauso ang mag-joke
ng "Can I call a friend?" kung di mo gusto ang sitwasyon
o ang mga choices na dapat pagpilian o kundi mo alam ang sagot.
Sa mga opisina, nagkaroon din ng computer game na "Who wants
to be a Millionaire?" Nilalaro ito ng mga office workers tuwing
lunch o pag wala silang ginagawa. Noong una, ang mga tanong ay halos
may kinalaman sa U.S. Pero di nagtagal nagkaroon na din ng local
version ng computer game na eto. Ang mga tanong ay sa wikang
Filipino at related na sa Pilipinas!
Pagkatapos ng ilang buwan, nagkaroon na rin ng local version ng
"The Weakest Link" sa TV. Ang "The Weakest Link"
ay di tulad ng "Who wants..." na friendly ang host na
si Christopher de Leon sa mga game participants at minsan ay tila
nagbibigay ng clue sa tamang sagot. Si Edu Manzano na host ng The
Weakest Link ay seryoso at minsan ay pa-sarcastic ang dating pag
nagkamali ang contestant.
Magbobotohan ang mga contestants kung sino sa palagay nila ang dapat
matanggal matapos ang isang round of questions. Dyahe sa contestant
na voted out as "The Weakest Link." Tapos tatanungin pa
kung bakit siya ang ibinotong "Weakest Link." Kumalat
din ang text jokes na nagtatapos sa mga katagang palaging binibigkas
ni Edu "You are the weakest link, GOODBYE!"
Siguro dahil sa import liberalization o pagbukas ng Philippine market
sa gawang dayuhan, isang kumpanyang gumagawa nang refrigerators
at aircon ang nagpapalabas ng advertisement sa TV na "Buy Filipino".
Sa bagay mukha namang world class at export quality ang mga refs
at aircons nila. Kung pagpipiliin ka nang parehong produkto at pareho
naman ang quality, mas maganda na sigurong piliin ang produktong
nakakatulong lumikha ng trabaho sa Pilipinas.
Si Ate Gloria, tuwing mag-a-abroad, ang mga suot nyang damit gawa
ng Filipino designers. Ang mga sapatos niya at bag ay gawa ring
Pilipinas. Di tulad sa dating Unang Ginang Imelda Marcos na mahilig
magsuot ng imported. Sino pa nga ba ang dapat munang mag-advertise,
bumili at gumamit ng gawang atin kundi ang tayong mga Pilipino mismo?
Kaya tayong mga Pilipino di dapat ang Weakest Link- GOODBYE! *
|