|
Kris and Joey, tuloy ang
love affair
HINDI na itinatago sa publiko nina Kris Aquino at Joey Marquez
ang kanilang relasyon. Inamin na rin ni Joey na mahal niya
si Kris matapos nitong sagutin ang mga akusasyon ng asawang
si Alma Moreno na nagpahayag na hindi totoong wala na sina
Kris at Joey matapos magpa-interbyu ni Kris sa sarili nitong
showbiz talk show. Ayon kay Alma, kinagabihan matapos ang
interbiyew ay nadatnan pa niya si Kris sa condo na tinitirhan
ni Joey. Kung nung una ay medyo umaasa pa si Alma na magkakabalikan
sila ni Joey, tinanggap niya na raw sa sarili niya na wala
na itong pag-asa dahil na rin sa deklarasyon ni Joey sa publiko
ng pagmamahal nito kay Kris.
 |
|
Kris Aquino
|
|
Marami ang nagbabatikos sa relasyong Kris at Joey sa dahilang
hindi pa na-annull ang kasal ni Joey kay Alma. Ayaw ng mag-komento
ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero binawi na ni Kris
ang mga binitawang salita sa kanyang interbiyew na hindi pa
niya kayang iwan ang kanyang career dahil sa pag-ibig. Ngayon
ay nagsasabi na siya na kaya niya na raw talikuran ang kanyang
TV career para maging simpleng maybahay pero hindi pa raw
sa taong ito o sa susunod. Mag-aaral na lang daw siya ng abogasya
dahil matagal niya na raw ito gusto.
Lea Salonga, ikakasal na sa Dec 2003
 |
|
Lea Salonga
|
Naging engaged kamakailan ang international stage actress
na si Lea Salonga sa boyfriend nitong Japanese-Chinese na
si Robert Chien, isang businessman na naka-base sa Los Angeles,
California. Ang kasal ay gaganapin sa isang isla sa Hawaii
sa Disyembre ng susunod na taon.
Isang taon na ring magkasintahan sina Lea at Robert. Ipinakilala
sila sa isat-isa ng pinsan ni Robert na si Christine
Yasunaga na kasama ni Lea sa stage play na The Flower
Drum Song na tinanghal sa L.A.
Ayon sa ina ni Lea na si Ligaya Salonga ay nagpahayag si
Robert ng intensiyon nitong pakasalan ang aktres ng ikalawang
pagpunta nito sa Pilipinas. Ang unang punta niya ay nung Enero
para panoorin si Lea sa stage play nitong Proof.
Pumunta uli ito nung Hunyo para naman sa The Broadway
Concert ng kasintahan sa PICC.
Sa katapusan pa ng 2003 nakatakda ang kasal dahil na rin
sa dami ng commitments ni Lea. Sa ngayon ay nag-eensayo ito
para sa Flower Drum Song na itatanghal sa Broadway
sa New York ngayong Oktubre. Matatapos siya sa nasabing play
sa Agosto ng susunod na taon. Pagkatapos nito ay magkakaroon
naman ng US tour ang kanyang The Broadway Concert.
Ang Hawaii ang pinakahuling State kung saan mag-pe-perform
si Lea kaya nagdesisyon sila na doon na rin gaganapin ang
kasal.
Back to top
Page 1
2 3
|