Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Aug - 14 Sept 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Mula sa mambabasa
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Monthly update
Email Address:

Karahasan

MARAMING natatanggap na tawag ang POWAC nitong nakaraang mga buwan tungkol sa problemang violence.Tencho na nanuntok ng Performing Artist, staff na nagbuhat ng kamay at pinay sa kapwa pinay na inggit lamang ang naging dahilan. Tila sinasabayan pa yata ng init ng ulo ang init ng panahon ngayon dito sa Japan. Ano ba ang dapat gawin upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari?

Marahil ay alam ninyong lahat na napakahirap ngayon ang maghanap ng trabaho dito sa bansang Hapon. Lalong nagmamahal ang mga bilihin kung kaya't apektado rin ang negosyo sa mga clubs o omise. Kumokonti na ang customer na pumapasok dito at nanghihinayang na rin sa lapad-lapad na gagastusin kung kaya't laging aburido si Tencho na tagapamahala ng omise.

Napakahirap na trabaho ang maging TENCHO ng club. Kailangan nitong makisama sa lahat ng customer gaano man kasama ang ugali nito. May kasabihan ngang "customer is always right." Sila ang kalimitang nasisisi ng club owner kung hindi kumita ang club. Maaari pa silang matanggal sa trabaho kung hindi kayang palakihin ang kita sa loob ng isang buwan. Sa kagustuhang mapuri ng club owner, pini-pressure naman nito ang mga Performing Artists na magtawag ng customer. Nandiyan ang mga sistema sa quota at kung anu-ano pang sistema na kalimitan ay labag na sa mga kontratang pinirmahan ng mga PAs. Hindi na nila namamalayan na lumalampas na sila sa mga karapatang pantao ng huli. Kapag napapansin na hindi nagsisikap ang mga ito, andiyan ang murahin nila at minsan ay nakapagbubuhat pa ito ng kamay. Hindi naman lahat ay ganito. Marami rin naman akong kakilala na sa sobrang kabaitan ay inaabuso naman ng ibang PAs.

Ang kadalasan namang inirereklamo sa Inyong Lingkod ng iba nating kababayan ay ang mga STAFF ng club.Nang dahil sa pagkakaroon nito ng mga itinatangi o favoritism ay hindi nagkakaroon ng magandang samahan sa loob ng omise. Nagkakaroon tuloy ng madalas na alitan o inggitan sa mga ito. Dapat ay maging pantay ang inyong pagtingin sa bawat isa. Sabi nga ng marami, "trabaho lang at walang personalan."

Para naman sa ibang mga Performing Artists, iwasan naman ninyo ang magsiraan. Tayo ring mga Pilipino ang maaapektuhan. Mayroon kasing maninira sa customer na kesyo may asawa na si Ms.Ano sa Pilipinas at maraming anak o di kaya'y may boyfriend na ito at ikakasal na! Gagawin lamang ito para makuha ang atensiyon ni Mr. Customer.

Isipin sana ninyo kung bakit kayo naririto sa bansang ito. Kailangan ninyong magtrabaho para sa inyong mga mahal sa buhay.Gawin sana ninyo ito sa malinis at magandang paraan. Iwasan ninyo na makapanakit ng kapwa. Magdudulot lamang ito ng malaking problema sa huli. Kung kayo ay may mga katanungan, huwag mag-atubiling ako ay tawagan sa numerong ito:

Philippine Overseas Workers Assistance Center (POWAC)
Operated by Japan Performing Artists Association (JPAA)

FREE DIAL: 0120 - 738- 600 (reserved for Performing Artist only )
TEL. 03-3484-5551 FAX. 03-5561-6162 C.P.: 090-5491-8758

Home


OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Where to put your money (Part 2)

FINESSE
Sitting pretty

SUNNY SIDE-UP
The supreme shopping secret

LIGHT AND SHADOW
Point or I'll shoot

DADDY BILL'S RECIPES
Barbecue butterflies

POLICE BLOTTER
Dreams come true

LIWANAG SA DILIM
Dakilang pagtatalaga (Part 1) (Great Commitment)

TINIG NG MGA PERFORMING ARTISTS
Karahasan

 





ADVERTISE WITH US

AVAIL OF OUR VERY SPECIAL PROMO FOR ONLINE ADVERTISEMENTS

THIS SPACE CAN BE YOURS!

For more details, CLICK HERE.

back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved