Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Aug - 14 Sept 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Mula sa mambabasa
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Monthly update
Email Address:

Nagsalita na si Angelu, pero...

Dalawang beses lumabas sa showbiz-oriented shows si Angelu de Leon para bigyan ng linaw ang kontrobersiya tungkol sa ama ng pangalawang anak niya. Pero imbes na maklaro ang lahat, lalong nagulo ang mga tao kung sino ba talaga kina Edilberto Marcos o Jojo Manlongat ang totoong nakabuntis sa kanya. Sa unang talkshow, kinuwento ni Angelu ang buhay niya sa New York kasama si Marcos. Akala ng lahat ay parang pag-amin na iyun na si Marcos nga ang ama ng kanyang anak. Nagulat na lang ang lahat ng mag-guest siya kinabukasan sa isang talkshow at sinabi na iba at hindi si Marcos ang nakabuntis sa kanya. Dito lumabas ang pangalan ni Jojo Manlongat pero hanggang ngayon wala pa ring pag-amin mula sa kampo ni Angelu kung sino ba talaga.

Parehong kontrobersiyal ang dalawang lalaking ito sa buhay ni Angelu. Si Edilberto Marcos, na nag-claim na anak siya ng dating presidente na si Ferdinand Marcos, ay kasalukuyang nakakulong sa New York dahil sa pag-benta sa isang undercover FBI agent ng pekeng share certificate na $ 20 milyon para sa gintong nagkakahalagang $ 800 milyon na nakadeposito sa isang Swiss bank. Wanted din si Marcos ng Hongkong International Commission Against Corruption (ICAC) dahil sa paggamit nito ng pekeng US Federal Reserve notes na nagkahalagang $ 148 bilyon para sa isang credit transaction. Si Jojo Manlongat naman ay kabilang sa Valle Verde Gang na inaresto nung nakaraang taon sa kasong carnapping, illegal possession of firearms, at drug possession. Temporaryo siyang nakalaya pagkatapos magbayad ng piyansya. Kabilang sa mga na-link sa kanyang mga taga-showbiz ay sina Ruffa Gutierrez, Kris Aquino, Joyce Jimenez, Ruffa Mae Quinto. Si Jojo ay hiwalay sa kanyang asawa.

NEWS BITS

- Triple platinum (120,000 +) ang unang album ni Aiza Seguerra dahil sa popular na carrier single na "Pagdating ng Panahon".
- Hiwalay na si Kuh Ledesma sa asawang Louie Gonzales (pangalawang beses na).
- Boy and girl ang kambal nina Aga at Charlene base sa ultrasound.
- Buntis si Mikee Cojuangco sa pangalawang anak.
- Nagsampa ng kaso si Rey Malonzo, acting Mayor ng Caloocan, laban sa isang reporter na nagbalita na may relasyon siya kay Michelle Aldana na nagpatalo daw ng P 11 M sa isang casino sa Cebu
- Si Assunta de Rossi ang pinakabagong bold star pagkatapos ni Rica Peralejo.
- Vina Morales, na-li-link kay Juan Elizalde, binatang anak ng may-ari ng Manila Broadcasting Corporation*

Page 1 2 3

Home


OTHER STORIES

Ang bagong kinababaliwang hunks

Ang love triangle ni Piolo, Judy Ann at Pops

Dalawang linggong pag-ibig ni Lara at Raymond

Nagsalita na si Angelu, pero...

NEWS BITS

 





ADVERTISE WITH US

AVAIL OF OUR VERY SPECIAL PROMO FOR ONLINE ADVERTISEMENTS

THIS SPACE CAN BE YOURS!

For more details, CLICK HERE.

back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved