
Ang
love triangle ni Piolo, Judy Ann at Pops
Mainit na mainit ngayon ang intriga na merong relasyon daw sina
Pops Fernandez at ang ka-loveteam ni Judy Ann Santos na si Piolo
Pascual. Lalong lumaki ang isyu ng umiyak ng dalawang beses si Pops
sa press con ng Larawan, ang drama anthology ng GMA, na kung saan
siya ang featured artist para sa buwan ng Agosto. Eto ay dahil sa
sinulat ni Ricky Lo sa kanyang column sa isang diyaryo tungkol sa
pagkapanood ni Pops ng concert ng "The Hunks" na kung
saan isa sa mga miyembro si Piolo. Nagmukha daw siyang "cheap
at desperada sa lalaki". Eto ang bahagi ng column ni Ricky
Lo na ikinasama ng loob ni Pops : "There was a reception after
the show which was watched by celebrities, among them Pops Fernandez
(how come many people say that she's a "late bloomer"?)
who very obviously enjoyed the show, her eyes glued to every inch
of Piolo's inviting anatomy..."
Ayon kay Pops, nanood daw siya ng show bilang pagsuporta sa mga
kaibigan niyang si Piolo, Carlos Agassi at Diether Ocampo na kasama
niya sa ASAP, ang Sunday variety show ng ABS-CBN. Pero bago pa itanghal
ang concert ng "The Hunks," meron ng bulung-bulongan tungkol
sa isyung Pops at Piolo. Isinama pa si Judy Ann sa intriga dahil
siya ang kinukulit ng mga showbiz writers na magpahayag ng kanyang
reaksiyon tungkol sa isyung kinasasangkutan ng ka-loveteam pero
ayaw patulan ng dalaga ang intriga.
Dalawang
linggong pag-ibig ni Lara at Raymond
 |
|
Lara Fabregas
|
Marami ang nagulat sa balitang ikinasal si Lara Fabregas at Raymond
Bagatsing sa huwes pagkatapos lamang ng dalawang linggong relasyong.
Kumalat ang intrigang kesyo buntis daw si Lara pero pinabulaanan
ng dalawa. Kahit silang dalawa mismo ay nagulat sa bilis ng pangyayari.
Nagkakilala lang sila ng maigi nang magkasama sila sa rehearsals
ng stage play na "The Lark" ng Actor's Actors Inc.. Doon
nila nalaman na compatible pala sila sa maraming bagay at pareho
sila ng mga interests. Simula noon ay palagi na silang lumalabas.
Ayon kay Raymond, nung pumunta siya sa bahay ni Lara nung June 24
para dalawin eto pagkatapos ng ilang linggong di pagkikita (sinadya
nila ito para masubok kung seryoso nga ang nararamdaman nila sa
isa't isa), wala sa isip niya na yayayain niyang magpakasal si Lara.
Nag-usap lang daw sila mula alas onse ng gabi hanggang alas dos
ng umaga. Pero dahil sa matinding emosyong naramdaman niya ng mga
sandaling iyun, namalayan na lang ni Raymond na nag-po-propose na
siya kay Lara. Hindi naman siya nabigo dahil hindi nagdalawang-isip
si Lara na sumagot ng "oo". Itinakda ang kasal nila sa
July 28 pero hindi na makapaghintay ang dalawa kaya nagpasya silang
magpakasal sa huwes nung July 5 sa Las Pinas Municipal Hall. Tuloy
pa rin ang kanilang pormal na kasal sa July 28.
Kaiba sa mga kasalang showbiz, ang garden wedding nina Lara at
Raymond sa Sonia's Garder sa Tagaytay ay isang Ananda Marga na seremonya
na idadaos sa harap ng isang "monk". Ayon kay Lara, ang
Ananda Marga ay isang paniniwala at hindi isang relihiyon. Si Raymond
ay isang firm believer ng movement na ito (marahil daw ay impluwensiya
ito ng Indian
blood niya). Imbes na wedding gown at tuxedo, mga tradisyonal na
Indian na damit pagkasal ang isususot ni Lara (gold at fuschia na
sarong na may veil) at Raymond (kurta). Imbes na singsing, sila
ay magpapalitan ng "bindis" sa kanilang mga noo.
Si Lara ay anak ng batikang character actor na si Jaime Fabregas
sa unang asawa nitong si Bing Caballero samantalang si Raymond naman
ay apo ng dating Mayor ng Maynila na si Ramon Bagatsing. Wala daw
muna sa plano ng mag-asawa na magka-anak dahil may instant family
na rin sila (si Raymond ay may dalawa ng anak na lalaki na nagkakaedad
ng onse at apat na taong gulang).
Page 1 2
3
|