|

Ang
bagong kinababaliwang "Hunks"
KILALA ang mga nag-gwa-gwapuhang sina Piolo Pascual, Jericho Rosales,
Carlos Agassi, Bernard Palanca at Diether Ocampo sa kanilang indibidwal
na mga tele-serye at commercials. Pero lalo silang naging mabango
sa masa ng mailunsad sila bilang "The Hunks", ang pinakabagong
grupo ng ABS-CBN Talent Center. Nagsimula ang lahat ng minsang kumanta
sila sa ASAP, ang Sunday variety show ng ABS-CBN. Kahit walang totoong
singer sa kanila (maliban kay Bernard Palanca na may sariling bandang
"Bizquit Factory" at Carlos Agassi na isang rap artist),
nagustuhan sila ng mga fans hanggang sa maging regular na ang kanilang
performances sa nasabing programa.
Napatunayan ang hatak sa masa ng "The Hunks" ng maging
matagumpay ang first concert nito sa Music Museum noon July 11.
Dinagsa ng kababaihan at bading ang naturang show at hindi naman
sila na-disappoint sa naging live performance ng grupo. Kabilang
sa mga artista na nanood ng show ay sina Pops Fernandez, Rica Peralejo,
Angelu de Leon, Cherry Pie Picache, Troy Montero, Nikki Valdez,
LJ Moreno, Victor Neri at marami pang iba.
Kilalanin natin ang mga binatang ito na may kanya-kanyang talento
at appeal:
PIOLO PASCUAL - Tinaguriang bagong "Drama Prince"
dahil sa ipinakitang gilas nito sa larangan ng pag-arte sa mga pelikulang
"Lagarista" (launching movie niya), "Kahit Isang
Saglit" at "Mila" (kung saan nakapareha niya si Maricel
Soriano). Unang nakilala sa ABS-CBN mini-series na "Sa Sandaling
Kailangan Mo Ako" at "Esperanza" (kung saan nabuo
ang loveteam nila ni Judy Ann). Kasama ngayon sa bagong teleseryeng
"Sa Puso Ko Iingatan Ka" (kapareha pa rin si Judy Ann).
Mapapanood sa mga sumusunod na pelikula: "Dekada '70"
(kasama si Ms. Vilma Santos) at "Girl Boxer: KO Ang TL Ko"
(kasama si Judy Ann).
JERICHO ROSALES - Siya ang sinasabing pinaka-mainit ngayon
sa "The Hunks". Marahil ito ay dahil sa epektibo na pagganap
niya bilang Rommel sa pelikulang "Tanging Yaman" at bilang
Angelo sa teleseryeng "Pangako sa 'Yo" kasama ang ka-loveteam
na si Kristine Hermosa. Napapanood din siya sa programang "Munting
Paraiso". Kasama siya sa mga ipapalabas na pelikulang "Mindanao"
(kasama si Cesar Montano) at "Trip". Siya din ang binakabagong
model ng Walker Briefs.
CARLOS AGASSI - "Prince of Rap" ang tawag sa kanya
dahil naging matagumpay ang unang rap album nito sa Star Records.
Kasalukuyang ding nag-re-record siya ngayon ng kanyang pangalawang
rap album. Nagpamalas din ng galing sa pag-arte sa telenobelang
"Saan Ka Man Naroroon" at ngayon ay kapareha niya si Claudine
Baretto sa teleseryeng "Sa Dulo ng Walang Hanggan". Mapapanood
din sa pelikulang "Dekada '70". Isa siya sa may pinakamaraming
product endorsements. Kabilang dito ay para sa Shakey's Pizza, Peewee,
Cheez It at Hanford.
 |
|
Diether Ocampo
|
BERNARD PALANCA - Ang "Bad Boy" ng grupo. Galing
sa angkan ng mga Revilla sisters na kilala bilang mga Camay girls.
Nakilala sa commercial ng San Miguel Beer. Naging mainstay din ng
mga programang "Labs Ko si Babes" at "Sa Dulo ng
Walang Hanggan". Huling napanood sa pelikulang "Sa Huling
Paghihintay" kasama ang girlfriend na si Rica Peralejo. May
sariling band - BIZQUIT FACTORY na nagpapatugtog ng pop-alternative
na music. Kasalukuyang ginagawa ang album under Viva Records.
DIETHER OCAMPO - Ang pinaka-senior at pinaka-well-established
sa grupo. Naging kapareha si Maricel Soriano sa "Soltera"
at ngayon ay si "Rosanna Roces" naman sa "La Vida
Rosa." Napapanood ngayon sa telenobelang "Recuerdo De
Amor". Kabilang sa mga product endorsements niya ay para sa
Pizza Hut, Bench at G-Shock Watches.
Page 1 2
3
|