|

Yaman ng simbahang Katoliko
NITONG nakaraang ilang araw, ang atensiyon ng pitak na ito ay napukaw
nang lumabas ang balita tungkol sa isang panukala na gawing obligasyon
ng bawa't kotoliko ang ibigay sa simbahan ang sampung porsiyento
(10%) ng kanilang kinikita. Ang usaping ito ay batay sa isinagawang
pagtantiya (survey) ng isang estasyon ng telebisyon kung dapat nga
kayang gawin ito ng lahat ng katoliko sa bansa. Sa ngayon ay tinatayang
82% ng mga Filipino ay katoliko.
Si Msgr. Hernando Coronel, ang tagapagsalita ng maimpluwensiyang
Catholic Bishops' Conference of the Philipppines (CBCP), ay napabalitang
"payag" sa ganitong panukala --- bagay na kaagad namang
pinabulaanan ni Jaime Kardinal Sin, ang Obispo ng Maynila, ang tinatayang
pinakamayamang bishopric sa buong Pilipinas.
"The debate on the issue," pahayag ni Sin, "is
irreverant in these times when the poor are already suffering....I
do not favor obligatory tithing. It offends me because it hurts
the poor. I do not even favor discussing the issue at this time....All
debates on tithing are desecrating the Church of the poor,"
dugtong pa nito.
Ang tithing o "ikapu" ay isang obligasyon ng bawat kasapi
ng simbahan na nag-ugat sa bibliya (Bagong Tipan). Ito ay binigyan
ng malawakang paliwanag sa mga sulat ni San Pablo bilang panawagan
sa mga naunang Kristiyano matapos ang pagkamatay at muling pagkabuhay
ng Panginoong Hesus.
"The Church was strongest when Francis of Assisi, Teresa
of Jesus and Mother Teresa taught us the power of being poor children
of God. What the Church needs now is more piety not tithing. What
the Church needs now is more simplicity not more debates,"
dugtong na paliwanag ni Sin.
Sangayon kami ng buong-buo sa mga paliwanag na ito ng butihing
Kardinal. Bakit nga ba natin dadagdagan pa ang paghihirap ng maraming
kababayan natin para lamang lalo pang palakihin ang yaman ng Simbahang
Katoliko?
Ang Simbahan, kung tutuusin lamang ang yaman nito: mga malalawak
at piling-piling mga lupain na kinamkam ng mga Prayleng Kastila
sa panahon ng kanilang pananakop sa bansa, mga naglalakihang paaralan
(tulad ng UST, La Salle at Ateneo), bilyon bilyong investments at
deposito sa mga malalaking bangko (napabalita ang bilyong deposito
nito sa Bank of Philippines Islands), balor o halaga ng mga yamang
nasa loob ng mga simbahan at katedral, salaping donasyon sa simbahan
taon-taon ng PCSO at Pagcor (mga ahensiya ng pamahalaan) sa mga
proyektong pangkawang-gawa, ay isa sa mga pinakamayamang institusyon,
kundi man pinakamayaman, sa buong Pilipinas sa ngayon.
Ang buong Kaparian, ang lahat buhat sa mga Kardinal, Obispo at
Pari, ay di nagbabayad ng buwis (tulad ng real property tax) o dili
kaya'y tumutubos ng sedula buhat sa pamahalaan. Ang kinikita nito
buhat sa mga negosyo kung saan nakalagak ang bilyon bilyon nitong
kayamanan, ay libre rin sa buwis. Ilang bahagdan ng nasabing salapi
ay ipinadadala sa Roma, sa pangangailangan ng Santo Papa at ng mga
alipores nito, na siya namang ginagawang puhunan o investment ni
Financial Minister ng Batikano upang lalo pa itong palaguin at padamihin.
Ito marahil ang ibig sabihin ni Kardinal Sin ng "Church of
the poor." Pero sadya kayang mahirap o naghihirap ang Simbahang
Katoliko sa Pilipinas? Tuwing may itatayong bagong simbahan, karaniwang
ginagastos dito ay donasyon ng mga mamamayang kotoliko --- a capital
investment --- like the construction of the now famous EDSA Shrine.
But once the church is constructed, it becomes the property of the
Church, such as what the parish priest of EDSA Shrine said as he
derided the mostly poor pro-Erap protesters who once occupied the
Shrine at the height of EDSA-3.
Samantala, kapag ang isang kotoliko ang nangailangan sa simbahan
tulad ng pakasal, pabinyag, misa sa patay, kumpil at iba pang pangrelihiyong
paniniwala ng mga kristiyano, dito ay di puwede ang utang o hulugan
--- money down, wika nga, ang karaniwan nang isinasagot ng Kaparian.
Ibinabandera ng mga matataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ang
kaning pakikialam --- tungkulin daw nila ito at misyon ng simbahan
--- batay sa itinatadhana at panawagan ng Vatican II Council, sa
buhay pulitika ng bansa. Ito ay sa kabila ng malinaw na nakasaad
sa Saligang Batas na prinsipyo ng "separation of Church and
State." Kung sakali naman na manghimasok ang gobyerno sa mga
panloob na gawain ng Simbahan ---halimbawa'y ang kunan ng buwis
ang kayamanan at mga negosyo nito o dili kaya'y manghimasok sa mga
appointments at promotion ng mga tauhan nito---karaniwan na nating
naririnig ang reklamo ng mga pinuno ng Simbahan.
Hindi katwiran na kailangan ng mga Pari ang salapi upang sila ay
mabuhay sa mundong ito. Siyempre bilang tao, kailangan din nila
ang kumain ng tatlong beses sa loob ng maghapon. Katunayan, masuwerte
pa sila dahil marami nang Filipino ang di kumakain ng tatlong beses
ngayon sa maghapon. Pero ang pangangailangan ng Kaparian ay para
lamang sila ay mabuhay at tupdin ang kanilang "vocation"
na pinili sa buhay. Di nila kailangan ang magkamal ng bilyon bilyong
salapi just for the glory of the institution. Tulad ng mga Pariseo
at Sacerdote noong panahon ng Panginoong Hesus, ang makabagong pamunuan
ng Simbahan ay dapat magtika at tupdin ang sinasabi sa Banal na
Aklat --- hindi para mamuhay na parang Hari at patuloy na managana
sa kabila ng di maikakatwang kahirapan ng maraming mamamayan.
Marahil ang palasyong tinitirahan sa Mandaluyong ng Kardinal Sin,
ang mga magagara at air-conditioned nitong sasakyan, kuwarto at
maraming alalay na sa bawat ingot ng Kardinal ay laging nakahanda
--- sa ngalan ng relihiyon ---ay dapat nang ibalik ng Simbahan sa
mga mamamayang naghihirap sa ngayon. Sa ganitong paraan, mapatutunayan
kung sadyang ang Simbahanag Katoliko ay tunay ngang Simbahang ng
mga mahihirap....batay sa mga sinasabi ng butihing Kardinal.
(Reprinted with permission from Kabayan Publishing Co.)
<React
to this article> <Read
other reactions>
You may email the author at ernie@philippinestoday.net
|