Advertise       Archive       Site Map       About Us       Contact Us
15 Aug - 14 Sept 2001 The longest-running, most widely-read newspaper for Filipinos in Japan
MAIN SECTION
Home
News Analysis
Opinion
Features/Lifestyle
Entertainment
Sports/Fitness
Literary
Laff Page
Community News
Philippine Headlines
Japan Headlines

INTERACTIVE
Liham sa editor
Talakayan
Mula sa mambabasa
Balitaan
Search the site


Bahay Kubo Research


Monthly update
Email Address:

Dakilang Pagtatalaga (Part 1)
(Great Commitment)

SINABI ng Panginooong Jesus sa kanyang mga alagad na ang pagkain Niya'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa kanya at ganapin ang ipinagagawa niya (Juan 4:31-34). Dito sa sinabi ng Panginoong Jesus ay ating nakita ang masidhing pagnanasa Niya na sumunod sa kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya at tuparin ang ipinagagawa Niya. Ang ginamit Niyang halimbawa ay pagkain dahil sa oras na takaw-na-takaw ang isang taong kumain dahil sa gutom ay maihahalintulad ito sa pagbibigay Niya ng urgency at importansiya sa pagsunod sa kalooban ng Dios at gawin ang ipinagagawa sa Kanya.

Ang puntos dito ay ang Panginoong Jesus ay talagang itinalaga ang sarili sa pagsunod at pagpapatupad ng ipinagagawa ng Ama sa Kanya.

Ang pagtatalaga ni Jesus sa gawain ng Ama ay kanya namang inaasahan na gayon din ang gagawing pagtatalaga sa gawain ng mga alagad Niya.

Pansinin ang v.35 ng Juan 4: "Hindi ba sinasabi ninyo, apat na buwan pa at anihan na? Sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid: hinog na at handa nang anihin."

Tunay na sagana ang aanihin ngunit kakaunti ang mag-aani. Sinabi ito ng Panginoon sa kanyang mga alagad mahigit dalawang libong taon na ang nakaraan. Kung ating iisipin at isa-alang-alang ang populasyon noon at ngayon ay higit na napakaraming aanihin ngayon ngunit kulang na kulang ang manggagawa. Mga alagad na tulad nina Pedo, Pablo, Esteban at marami pang iba na umibig sa Dios ng buong puso, ng buong kaluluwa, ng buong kalakasan at umibig sa kanilang kapwa tao kagaya ng pag-ibig nila sa kanilang mga sarili (Marcos 12:30, 31) hanggang sa kanilang kamatayan. Humayo sila't nangaral ng ebangelyo, nagbautismo at nagturo na sundin ang lahat ng ipinagu-utos ng Panginoong Jesus ang dapat nating pamarisan. (Mateo 28:19-20).

Ang pangalawang puntos na dapat makita ay ang lubusang pagtatalaga sa sarili at sa pagsunod sa kalooban ng Dios at sa paggawa natin sa Kanyang gawain na inihalimbawa nina Pedro at Pablo: "at nagsalita si Pedro, tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa Inyo." Mga salitang nagbigay luwalhati sa Panginoon lalo pa nga ito'y nagmumula kay Simion na ang ibig sabihin ng pangalan na ito ay moody, changing, shifting na binasagan naman ni Jesus na Petros (Pedro=rock).

Sinabi ni Jesus bilang Dios ay natatalos Niya ang katotohanan sa sinabi ni Pedro, iniwan namin ang lahat at sumunod sa Iyo.

Ang pangatlong puntos na ibig kong ating makita ay ang mga espirituwal na implikasyon sa pagtatalagang ito na sinabi ng Panginoon sa Mateo 16:24, "kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."

Pagkakilala sa kanya na pinagkatiwalaan natin ng buhay- 2 Timoteo 1:12 -- kagaya nina Pedro at mga kasama nito at si Pablo at lahat ng naging martir sa Panginoong Jesus, hinarap nila at nagtiis sa mga kahirapan at pagdurusa maging ang kahihiyan at kamatayan sapagkat alam nila na kailanma'y hindi sila tatalikuran ng Panginoon (Mateo 28:20).

Kung minsan ibig ng Dios na bitiwan natin ang ating mga tinatangkilik para sa mas lalong mahalagang bagay at dito ay kailangan ang pagtanggi sa sarili na maituturing natin isang krus na dapat pasanin at sa ating pakipagtiis sa Panginoon dito natin malalaman na wala pala Siyang kasingdakila.

Ang pagiging makaturwiran (reasonableness) sa pagtalaga natin sa kanya ng ating buhay.
Ang Dios ay walang kasing dunong (all wise) at higit na alam Niya ang mabuti para sa atin.

Makapangyarihan sa lahat at magagawa Niya ang pinakamabuti para sa atin.

Mas mahal tayo ng Dios higit kaysa kanino pa man.


Si Pastor Neme Barro ay maririnig bawat Linggo, mula 10:30 ng umaga, sa Ibaraki Christian Center, Tel. no. 0298-56 8119.

Home


OTHER STORIES

MONEY MATTERS
Where to put your money (Part 2)

FINESSE
Sitting pretty

SUNNY SIDE-UP
The supreme shopping secret

LIGHT AND SHADOW
Point or I'll shoot

DADDY BILL'S RECIPES
Barbecue butterflies

POLICE BLOTTER
Dreams come true

LIWANAG SA DILIM
Dakilang pagtatalaga (Part 1) (Great Commitment)

TINIG NG MGA PERFORMING ARTISTS
Karahasan

 





ADVERTISE WITH US

AVAIL OF OUR VERY SPECIAL PROMO FOR ONLINE ADVERTISEMENTS

THIS SPACE CAN BE YOURS!

For more details, CLICK HERE.

back to top
Philippines Today
© Copyright 2001, All Rights Reserved