Hiwalayang Aiko at Jomari, palala nang palala
Ang dating tahimik na hiwalayang Aiko at Jomari ay pinagpiye-piyestahan
ngayon dahil palala ng palala ang kanilang alitan. Isang isyu
dito ay ang mga akusasyon ni Aiko sa annulment case nito laban
sa dating asawa. Kabilang dito ay ang pananakit raw ni Jomari,
ang masyadong pagkasumpungin ("moody") nito at ang
hindi pagbibigay ng suportang pinansiyal, atensiyon at pagmamahal
sa anak nilang si Andrei. Lahat ng mga ito ay pinabulaan ni
Jomari dahil hindi raw siya ang tipong nananakit ng babae.
Takot pa nga raw siya kay Aiko. Hindi niya rin daw pinabayaan
ang kanyang mag-anak sa aspetong pinansiyal.
Idinamay
rin ni Aiko si Ara Mina at ang isang Abby Hernandez na mga
nagingkarelasyon daw ni Jomari. Si Jomari naman ay nanghingi
ng dispensa sa mga nasangkot dahil wala namang kinalaman ang
mga ito sa problema nilang mag-asawa.
Samantala ay kumalat rin ang balitang meron din palang karelasyon
si Aiko sa isang Phillip Palma habang sila ay nagsasama pa
ni Jomari. Ilang beses na raw ito natutulog sa bahay ni Phillip
sa Valle Verde. Lumabas pa sa isang tabloid ang picture ng
dalawa na medyo "intimate" ang pose. Ang relasyong
ito ay kinompirma din ng dating bodyguard at driver ni Aiko
na sina Henry Taragua at Buboy Tamidles (si Henry Taragua
ngayon ay nagtratrabaho na kay Ara Mina. Inakusahan ni Aiko
na nagpagamit lang si Henry at may nag-utos rito para siraan
siya. Ito kaya ay dahil sa ikinalat na balita ni Aiko na natutulog
si Ara sa bahay ni Jomari?).
Sa ngayon ay pinag-aaralan ni Aiko at ng kanyang mga abogado
ang pagsampa ng kasong libel laban sa mga sumulat tungkol
sa relasyon daw nito kay Phillip. Abangan na lang natin ang
kahahantungan ng madramang bahagi na ito sa buhay nina Aiko
at Jomari.
Kris Aquino at Troy Montero, nagde-date
Halatang proud na proud si Kris Aquino na ipahayag sa buong
mundo na lumalabas sila ni Troy Montero. Inamin niya sa showbiz
talkshow niyang "The Buzz" na nag-da-date sila at
close daw sila ngayon. Enjoy daw siyang kasama si Troy dahil
"humorous" daw ito at "deep" na tao. Nasa
"getting-to-know" stage pa raw sila at masyado pa
raw maaga para sabihing magiging sila balang araw pero nagugustuhan
niya raw ang kanyang na-di-discover kay Troy.
Nang tanungin siya kung kumusta si Troy sa kanyang mga kaibigan
ay sinabi ni Kris na okay raw si Troy sa mga kaibigan niya,
pati rin daw sa ina nitong si Cory Aquino.
Idiniin ni Kris na hindi pa raw sila ni Troy ngayon pero
kung magiging sila, eto lang ang nasabi niya, "I would
be proud".
Pops at French BF, nag-break na!
Pagkatapos
ng pitong buwan ay nauwi sa hiwalayan ang relasyong Pops Fernandez
at Jacques Dupasquier, isang Filipino-French na businessman.
Lumabas lamang ang balita na ito ng makita si Jacques sa isang
social event na may ka-holding hands na ibang babae. Kinompirma
ni Pops ang balita pero ayaw niya sabihin ang dahilan ng kanilang
break-up. "Friendly" naman daw ang kanilang paghihiwalay
dahil "walang sumbatan, walang sigawan" na nangyari.
Back to top
Page 1
2 3
|