|

Rico Yan, 27
NAGIMBAL
ang lahat ng sumabog ang balitang namatay si Rico Yan (Ricardo
Carlos Castro Yan sa totoong buhay) noong Marso 29, Good Friday.
Buhay na buhay pa ito sa alaala ng mga tagahanga dahil kakapalabas
lang ng TV show nito na "Whattamen" noong Miyerkules
sa ABS-CBN at ang pelikulang "Got To Believe" kasama
ang dating girlfriend nitong si Claudine Barretto.
Kompirmadong "acute hemorrhagic pancreatitis" o
bangungot ang ikinamatay ng aktor. Ayon sa mga awtoridad,
malamang na bumigay ang pancreas ni Rico matapos ito mag-scuba
diving at kumain ng marami bago natulog.
Nangyari ang lahat sa Dos Palmas Resort sa Palawan kung saan
nagbakasyon ang aktor kasama ang best friend nitong si Dominic
Ochoa at girlfriend nitong si Janna Victoria at iba pa nilang
mga kaibigan. Dumating sila doon ng Holy Tuesday. Noong Hwebes
Santo ay nakipag-jamming pa si Rico kasama ang GMA newscaster
na si Arnold Clavio. Natapos raw sila ng mga alas kwatro ng
umaga. Bandang alas nuwebe ng Biyernes ay pumunta si Dominic
sa cottage ni Rico para gisingin ito dahil pupunta pa sila
ng Snake Island. Doon nadiskubre ni Dominic ang malamig ng
bangkay ni Rico. Tinakbo nila ito sa Adventist Hospital sa
Puerto Princesa pero nadeklarang "dead on arrival"
na talaga ito. Noong hapon ay sinundo na ang labi nito ng
amang si Roberto at kapatid nitong si Bobby sakay sa isang
pribadong eroplano na pinadala ni ABS-CBN Chair Eugenio "Gabby"
Lopez.
Dahil sa angking karisma ni Rico ay puro papuri ang narinig
sa kanyang mga kasamahan sa mga kinatampukang shows nito sa
ABS-CBN, maging sa mga nakasama nito sa pelikula. Isang linggong
pasasalamat ang alay sa alaala ni Rico ng kapamilya nito sa
variety show na "Magandang Tanghali Bayan".
Si Rico ay pangatlo sa apat na anak nina Roberto Yan at Teresita
Castro. Ang mga kapatid niya ay sina Geraldine, Bobby at Tina.
Apo siya ng dating Ambassador sa Court of St. James na si
Manuel Yan. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Xavier School,
high school sa La Salle-Zobel sa Alabang at Business Management
sa De La Salle University. Bukod sa pagiging artista ay entrepeneur
din na maituturing si Rico dahil sa negosyo nitong Orbitz
Pearl Shakes at Tequila Joe (bar/restaurant).
Piolo Pascual, may anak na!
Inamin ni Piolo Pascual sa isang showbiz talkshow
na meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Ynigo.
Naging girlfriend niya ang ina nito nung 21 years old pa lamang
siya at bago pa lang sa showbiz. Alam niya raw na nabuntis
ang dating girlfriend pero eto ay noong pabalik na siya sa
Amerika dahil walang nangyayari sa showbiz career niya dati.
Ngayong Enero lang sila nagpa-DNA test at ng lumabas na 99.96
percent nga ang resulta ay doon lang na-realize ni Piolo na
siya nga ang ama ni Ynigo. Ngayon ay palagi niya ng kasa-kasama
ang anak sa kanyang tapings. Hindi raw talaga maipagkaila
ni Piolo na siya ang ama ni Ynigo dahil magkamukha sila ng
anak.
Back to top
Page 1
2 3
|