Fil-Ams at dog eaters
FIL-AM - Mga kabataang Pinoy na ipinanganak at lumaki na
dito sa Amerika. Pa-ingles na at syempre, talagang Westernized
na ang dating at outlook sa buhay. Hinahangahan din ng malakolonyal
nating "entertainment o showbiz" industry sa Pilipinas
at ginagawang parang mga dyosa at adonis sa pinilakang tabing
ang mga fil-ams na ito. Kumbaga, kung maputi ka, "in"
ka sa masa. Kung balingkinitang kayumanggi naman ay pwede
ng advertisement para sa Csin Tsun Chu (tama ba ang spelling?).
May tatlong klase ng pagka-Pinoy o pagka Fil-am dito.
Unang klase -- Sa tagal ng pakikisalamuha ko dito ay may
mga nakapanayam akong mga iilang Fil-am na hindi conventional
o stereotypical na kano ang pag-iisip. I met some Fil-am youths
who share a great interest in the Philippine History, our
native lore and culture. Nag-aaral sila at nagpupumilit matuto
ng Tagalog at minsan ay talagang pumupunta sa Pilipinas through
Tagalog 101 classes. Meron ding mga nagpapa-tattoo ng mga
"alibata" sa katawan. Ang "alibata" ay
ancient o pre-Hispanic alphabet ng Pilipinas.
Lahat ng ito ay sa kagustuhang malaman ng kung ano ang kanilang
pinanggalingan. They are thirsty of what their roots are,
their heritage and in knowing who they really are. They were
born here, yes ... but they find it hard to mingle especially
in the white community.
Some Fil-ams especially in California copy "black attitudes"
and culture.
Ito yung mga hip-hop
(Flip hops sa slang, kasi nga "Flip" as a short
for Filipinos). Basically, Blacks and Hispanics are the next
visible race they can compare themselves with. Iyun ba'ng...
nag-iisip silang ipinanganak nga sila dito, subalit hindi
naman sila puti. Ano nga ba sila?
Lumabas na rin ang usapin sa Asian Pride. Habang dumadami
ang mga Asians ay lumalaki din ang paghanga sa Asian mainland.
But it does not stop there. Nag-didivide din ito sa pangkating
grupo ng mga Chinese-American youths, Vietnamese-American
youths, Fil-Am youths, Koreans, Cambodians, etc.
Sad to note especially sa California na umusbong a rin ang
Asian gangs. What is ridiculous is that the gangs fight other
gangs of Asian origin. Even Pinoy youths got their own cliques
- Satanas Gang, Pinoy Riyal, to name a few. Dito sa New York
ay Hong Kong at Chinese Gangs pa lang ang nalalaman kong established.
Mga migranteng Intsik na may mga koneksyon din sa sindikatong
intsik ng Hong Kong at Taiwan, tulad ng Hong Kong Triad.
Bumalik tayo sa mga Fil-Am youths. They blame their parents
for not teaching them the language. They blame their parents
for not telling them stories about the Philippines, and their
roots. Syempre, hindi rin natin masisisi ang mga magulang.
They are children of the 50's and 60's , so pagdating sa US
ay isinawalat na ang kaisipan sa pag-integrate sa bagong bansang
kinasadlakan. Malakas din ang kolonyal na pag-iisip kaya sabi
usually ng mga Fil-Ams na kakilala ko, English is the main
tongue at home. They are not encouraged to learn what is their
root. It's sort of a taboo. This is far different from the
Hispanics, South Americans, Chinese, mainland Indians, and
Korean immigrants, even Vietnamese and Cambodian immigrants
who taught their kids the mother tongue of the old country,
as soon as the child begin to learn to read and write. Pati
ang mga alpabetong Vietnamese at Indians (na parang alinsunod
sa Sanskrit, ay makikita mo sa mga Vietnamese, Indian, Bengali
at Chinese stores.
These Fil-Am youths do not consider their being Filipino
dahil kumakain sila ng kanin, marunong magluto ng pansit at
may toyo at patis sa kusina. Masyadong mababaw na dahilan
sa kanila ito. Though, ito na nga ang naging parang stereo-typing
sa mga Pinoy (at iba na ring Asyano). Some of them even learn
how to play Banduria (like that Fil-am youth in California
who is fronting an alternative band - Bobby Banduria), enroll
themselves in Arnis, Mano-mano, and Filipino stick-fighting
schools. Some join Pinoy folk dance companies, learn how to
play the kulintang, and haggle with the Philippine-born Pinoys
while listening to E-heads and River Maya.
Some become community activists and join progressive organizations
like League of Filipino Students (LFS), that now have groups
in Los Angeles (California), Seattle (Washington), and Chicago
(Illinois). Here in New York, there's the Philippine Forum,
MAKABAYAN, FORWARD, ARKIPELAGO, GABRIELA-Network, and FACES
(that is campaigning for the cleaning up of the US of its
toxic waste responsibility in the old Subic and Clark bases
). Sa California ay may PESANTE, at BAYAN-USA.
Ikalawa - Syempre, meron din namang mga Fil-ams na think
and act like Americans. Syempre, hindi naman natin sila masisi.
Dito na sila nagising, namulat, nag-aral, nagtatrabaho. Nakapanlulumo
at dahil wala silang gaanong interes mag-aral ng pinanggalingan.
It is their parent's fault, kung titingnan talaga natin.
Ikatlo - at syempre naman, meron ding mga Pinoy na ipinanganak
at lumaki sa Pilipinas, may kanluranin na pag-iisip at parang
hinipan na parang lobo pagdating sa Estados Unidos. I met
a lot of them. Ingles ng ingles kahit halata naman ang accent
at baluktot ang grammar. Laging "you know" ng "you
know". Hekhekhek ... dinadaan na lamang sa tawa. Hindi
lamang iisang insidente na maririnig mong nilalait nila ang
Pilipinas: ang mga problema nito, ang init, ang trapik, ang
kakupagan. Wala ng sinabing mabuti sa pinanggalingang lungga.
DOGEATERS - "Don't add dog in the noodle you will cook
us...", pabirong sabi ng aking kasamahan sa trabaho.
Napangiti lamang ako at sabay sabing ... "Nope... I will
add cat this time ..." Stereotyping ang mga salitang
ito sa Southeast Asians, especially sa Pinoy. It is a racist
epithet actually, subalit nagiging biro na. Culinary peculiarity.
Lalo na when these light skinned co-workers see me eat "balut"
(ang laki pa naman ng sisiw, damn!). Stereotyping na haplos
naman ang lahat ng lahi. Like, sagana sa marijuana at damo
ang Jamaicans. O di kaya'y hindi naliligo ang mga Arabo. O
amoy ecurry' ang mga mainland Indians. Putol ang isang
daliri ng mga Hapon. Haitians will inflict voodoo on you.
Or snobs ang mga Prances.
Nagiging malala ito pagdating na sa racial profiling. Halimbawa,
sa New Jersey ay laging pinupuna ang mga State Troopers at
Pulis dahil lagi nilang hinuhuli ang mga traffic violations
ng mga African-Americans or blacks at hispanics, at iba pang
minorities as compared to whites or caucasians. Kaya nga aside
from DWI na kaso (Driving While Intoxicated) ay meron na raw
DWB (or Driving While Black , hehehe....). Sa atin namang
mga Pinoy - DWB din - Driving While Brown... hakhak!!!
Meron akong babasahing libro ni Jessica Hagedorn - isang
Fil-am writer. Acclaimed ito ng mga critics. Ang pamagat -
DOGEATERS. Walang binatbat ang mga aso nila dito sa US kumparar
sa mga ASKALS (asong kalye) natin sa Pilipinas. Lalapain sina
Blackie at Whitey nina Pulgas at Tagpi (hehehe...).
Na-alala ko tuloy ang favorite comic strip ko sa Philippine
Daily Inquirer na PUGAD BABOY. Nanduon kasi si Pulgas, kasama
sina Dagul, Bab, Tiny, Mao, Barbie, Honeycured, Ka Noli at
Sarhento Sabay Bunot. Nakailang comic book na ba ang Pugad
Baboy? Hhhhhmmmm.....
Pa-habol na balita. Nabasa ko sa California-based 'Filipinas'
magazine (March 2002 issue) na meron palang entry ang Pilipinas
sa 2002 Winter Olympic Games. Jondre Mina represented the
Philippines sa snowboarding event. Totoo kaya ito? *
<React
to this article>  <Read
other reactions>
A medical-surgical nurse in New York, PT poet Rey Agudana
has been writing poetry for almost a decade now. He is
also a strong believer in the liberation of the arts and
literature from the clutches of commerce. He recently
helped organize the Bacolod-based poetry-reading group
-- Rhymes of Resistance. You may email the author at tubao@philippinestoday.net.
|