City Executive
Isang Successful Male Executive sa Makati ang stress na
stress sa pamumuhay sa lunsod dahil sa trapiko at sa trabaho
kaya nagpasya siya na tumira sa malayo sa kabihasnan total
mayroon naman siyang konting naitatabi at nag-iisa lang naman
siya.
Nakabili siya ng sakahan sa paanan ng Sierra Madre Mountains
at doon nagsaka siya at namuhay na mag-isa na malayo sa kabihasnan.
Makaraan ang anim na buwan na walang TV, telepono, internet,
sine, disco at beer gardens napag-isip-isip niya na ang buhay
sa lunsod ay hindi naman pala gaanong stressful. Nagdadalawang-iisip
siyang bumalik sa lunsod ng may kumatok sa pinto.
Nang buksan niya ang pinto ay bumulaga sa kanya ang isang
lalaking malaki at matipuno ang pangangatawan.
“Magandang araw po, ako po ang kapitbahay ninyo na
nakatira sa paanan ng ikat’long bundok mula rito, kaya
po ako nasadya ay gusto ko kayong kumbidahin sa ‘Party’
sa bahay sa Sabado ng gabi.”
“Aba, magandang idea iyan, anim na buwan na nga akong
hindi nakakapunta sa Party. Asahan mo ang pagdalo ko.”
Paalis na ang lalaki nang: “Nais ko pong malaman ninyo
na mayroon pong inuman.” “Okey lang, anim na buwan
na
nga akong hindi nakakainom eh, asahan mong dadalo ako.”
Paalis na muli ang lalaki nang: “Nais ko rin pong
malaman ninyo na maaari rin pong magkaroon ng awayan na nauuwi
sa pag-bubunuan.”
“Okey rin, normal lang sa Party ang medyo magulo at
anim na buwan na rin akong hindi napapaaway, sanay akong makipagbuno,
huwag mo iyong alalahanin at siguradong dadalo ako sa Party.”
Bago tuluyang umalis: “Nais ko rin pong malaman ninyo
na mayroon pong ‘wild sex’ sa Party.” “Lalong
okey na okey, anim na buwan na akong walang sex. Ano nga pala
ang dapat kong isuot, formal? casual?, rugged? . . .”
“Kahit na ano po puwede, total tayong dalawa lang
naman ang nasa party.”
Back to top
Masakit
Isang magandang dalaga ang nagpunta sa doctor upang magpagamot.
“Doc, masyado pong masakit ang boong katawan ko.”
“Hmmm, boong katawan? Be more specific.”
Bahagyang diniinan ng dalaga ng kanyang hintuturo ang kanyang
tuhod, at siya ay namilipit sa sakit, halos di pa nakakanti
ng kanyang hintuturo ang kanyang siko ng ituro niya ito sa
Doctor at siya ay mapapaiyak sa matinding sakit. Ganoon din
ang resulta ng ituro niya kanyang ulo, kamay, mukha, paa at
iba pang bahagi ng kanyang katawan.
“Doc, baka po kaya mayroon na akong AIDS, o kaya nakulam
ako?”
“Kung hindi ka ba naman sira. Eh, bali ang hintuturo
mo.”
KKB
Pagkatapos nang date nila, inihatid ni Tony si Tess anticipating
a goodnight kiss.
Tony: Salamat sa date, ha? Sana maulit.
Tess: Okey lang, pero since Dutch treat tayo buong gabi,
you kiss yourself and I’ll kiss myself goodnight.
Back to top
Binatukan
Isang umaga, imiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo si
Mister nang binatukan siya ni Misis.
Misis: Sino itong “Desiree 03154056” na nakasulat
sa papel sa loob ng bulsa mo?
Mister: Anak nang tinapa naman, oo! Yan yung tinayaan kong
kabayo sa karera!
Kinabukasan, binatukan ulit ni Misis si Mister.
Mister: O, ano na naman?
Misis: Tumawag ang kabayo mo kanina.
Pahabaan ng Buhay
Boy 1: Lahi namin ang mahabang buhay. Yung lolo ko namatay
88 years old na.
Boy 2: E, ako Lolo ko namatay 98 years old.
Boy 3: Ala yan! Yung lolo ko sobrang tanda pinatay na lang
namin.
Back to top
|