Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Cover Story 
Comment & Opinion 
Features 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Humor Page 
Community
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Buhay Impiyerno

Namatay ang isang engineer at nagkamaling naipadala siya sa impiyerno. Ngayon, ang impiyerno ay napakainit kaya ang ginawa ng engineer ay nag-install siya ng centralized air-conditioning system, showers, at water coolers sa bawat lugar.

Isang araw tumawag si God sa telepono upang kumustahin ang lagay sa impiyerno.

Ano pa’t masayang sumagot si Satanas. “Ayos na kami dito,” aniya. “Lahat ng kaginhawahan ng modernong pamumuhay at nasa amin na. Salamat na lamang at sa wakas nagkaroon din kami ng engineer.”

Dito’y muntik ng mahulog si God sa kaniyang kinauupuan. “Ano ang ginagawa ng isang engineer sa impiyerno?” ang wika niya. “Ipadala mo kaagad yan sa langit, kung hindi magdedemanda ako.”

“A, ganon,” sagot ni Satanas. “At saan ka naman kaya makakakita ng abogado, aber?”

Back to top

Ang Duling na Driver

Isang lalaki ang minsa’y nawalan ng sapat na pamasahe sa jeep. Sa pera niya sa bulsa dalawang piso lang ang natira, kaya malaking problema ang pag-uwi ng bahay. Naisip niya na sumakay sa isang jeep na duling ang driver. Sa loob-loob niya, ipapakita niya ang dalawang piso, at sapagkat duling nga ang driver magiging doble ang tingin niya at aakalain nito na apat na piso ang pera.

Hindi nagtagal ay nakakita nga siya ng duling na driver. Pagkatapos niyang maupo, at sa unahan pa mandin, ay lumakad na ang jeep. Nang makarating siya sa kanyang paroroonan, dinukot niya sa bulsa ang dalawang piso.

“Ipara mo sa tabi,” ang sabi niya. At ipinakita niya ang dalawang piso sa kaniyang palad. Dahil baka masalat ito ng driver, hindi niya iniabot ang pera. Sa halip siya na ang naglagay sa kahon na nasa tabi ng manibela. Subalit pagbaba niya, tinawag siya ng duling na driver. “Oy, mama, kulang ho ang pamasahe niyo,” ang sabi niya.

“Apat na piso ang ibinigay ko, ah!” ang sagot. “Hindi ba apat na piso ang pamasahe?”

“Oo nga, ho,” sabi ng driver. “E, dalawa naman kayo.”

Ngek!

Back to top

Ang Magician at Loro

Kompleto ang pang-aliw sa mga pasahero sa isang luxury liner na yumao’t parito sa international waters: sinehan, karaoke, dancing hall, at bar. At merong magic show gabi-gabi para sa wholesome entertainment.

Subalit sa lahat ng bagay sa mundo may isang kontrabida. Sa pagkakataong ito ang kontrabida ay isang napakadaldal na loro. Parati na lamang niyang binibisto ang magician sa mga nanonood. Halimbawa, tuwing mawawala ang isang baraha o coin sa kamay ng magician, ang sigaw ng loro ay ito: “Itinago ng magician sa likod ng kamay niya” o kaya “Nasa loob ng manggas ng damit niya.”

Ano pa’t lagi na lang napapahiya ang magician sa mga nanonood, at dahil duon balak na niyang bumaba sa susunod na daungan.

Isang araw dumating ang napakalakas na bagyo at nagkaroon ng malalaking alon. Hindi naglaon ay lumubog ang barko. Nagkanya-kanya ang mga pasahero sa pagsuot ng life vests upang iligtas ang kanilang sarili. Ang magician at ang loro na naubusan ng salbabida ay nagkataong nagkasama sa isang troso na lumulutang-lutang sa dagat. Nakakapit ang una habang ang huli ay nakadapo.

Siyempre hindi sila naguusap. Buwisit ang magician sa loro. At ang loro naman ay talagang walang bilib sa magician. Pagkaraan ng ilang araw talagang gutom at uhaw na ang loro. At napakainit dahil hindi siya puwedeng magtampisaw at lalong hindi siya pwedeng uminom sa tubig-dagat.

Sa puntong ito hindi na nakatiis ang loro. “O, sirit na,” sabi niya. “Pero, saan mo ba talaga itinago ang barko?”

 

GMA at Erap

Nasa isang steak house sina GMA at Erap. Waiter: Ano po ang gusto ninyong orderin, Ma’am?

GMA: Swiss steak and French fries.

Waiter: Kayo po, Sir?

Erap: Ganun na rin, Sweepstakes tsaka First prize! Bwa ha ha ha ha!

Back to top



Click for the latest Yen-Peso Rate








Philippines Today
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net