 |

Ang Endless Stars ng Korea [Part I]
Alamin ang actress at actors ng Korean
drama na sikat sa buong Southeast Asia
Mga dayuhang artista ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga Pilipino.
Nagsimula sa F-4 na isang grupo galing sa Taiwan, mga Koreano
naman ngayon ang mga kinahuhumalingan ng mga manonood ng serye
sa TV na pinamamagatang Endless Love. Tapos na ang unang serye
ng Endless Love na sa orihinal ay pinamagatang Autumn Story.
Tampok dito sina Song Seunghun (Johnny, sa local version),
Song Hye-gyo (Jenny) at Won Bin (Andrew). Ang Autumn Story
ay patok hindi lang sa South Korea kundi maging sa Taiwan,
Hongkong, Malaysia, Thailand at iba pang bansa sa Asya dahil
sa kakaibang kuwento nito tungkol sa isang dalisay na love
triangle. Kilalanin natin ang tatlong artista na tampok sa
soap opera na ito.
Song Seung-hun
 |
Song Seung-hun (Johnny) |
Ipinanganak siya noong Octubre 5, 1976, at unang nakilala
bilang isang fashion model. Nagsimula siya sa pag-arte sa
isang sitcom na pinamagatang Three Men, Three Women noong
1996. Ito ang naglunsad ng kanyang matagumpay na TV career.
Ngunit nakilala lang siya nang lubusan noong 2000 sa TV series
na Autumn Story, na tinangkilik ng mga fans hindi lamang sa
South Korea kundi sa maraming bansa sa Asya. Noong 2002, gumawa
siya ng pelikulang pang-internasyonal na pinamagatang So Close,
isang joint project ng film outfit sa Hongkong.
Song Hye-Gyo
 |
Song Hye-Gyo (Jenny) |
Siya ang common love interest ng dalawang lalaki sa pelikulang
ito. Ipinanganak siya noong Pebrero 26, 1982 at nag-debut
sa showbiz sa pamamagitan ng TV series na Sunpung Obstetrician.
Tulad din ng dalawa niyang kasamahan, pumailanlang ang pangalan
niya sa kasikatan sa pamamagitan ng Autumn Story noong 2000.
Nahirang bilang Miss Photogenic and Miss New Talent ng KBS
nang taong din iyon, patuloy ang pag-angat niya sa kanyang
showbiz career sa pamamagitan ng seryeng Guardian Angel noong
2001 at All In noong 2003.
Won Bin
 |
Wong Bin (Andrew) |
Bagama’t ang ginampanan niyang papel sa Autumn Story
ay ang unwanted suitor sa love triangle, si Won Bin (na sa
totoong buhay ay si Kim Do-jin) ang sumikat nang lubusan hindi
lang sa South Korea kundi sa buong Asya. Palagi siyang nangunguna
sa mga ranking ng Asian actors at napiling Most Beautiful
Man sa buong mundo noong April 2002. Ipinanganak noong September
29, 1977, nagtapos ng Media & Drama si Won Bin sa isang
pamantasan sa Seoul. Isang sports buff na mahilig sa taekwondo,
car racing, skiing at basketball, si Won Bin ay sinusubaybayan
din ng maraming Haponesa pagkatapos niyang makipagtambalan
kay Kyoko Fukada sa isang TV series na pinalabas sa Japan
at Korea na pinamagatang Friends. (Subaybayan sa susunod na
isyu ang mga artistang tampok sa Endless Love II o Winter
Sonata.)
Back to top
|