14
ways to tell “I Love You”, without saying it
Sabi ni Mister, Sabi ni Misis
by Benny & Lynne
Tutal Valentine din lang, let’s be corny.
Isa raw ito sa mga sikreto upang mapanatili ang alab ng samahan
ng mag-asawa kahit matagal na sila. “14” is our
magic number this month, obviously dahil 14 ang Valentine’s
Day at sa susunod na taon, magiging 14 years na kami. The
game is: Tell me you love me without saying these words. Paano
mo ipaparamdam sa akin ang pagmamahal mo kahit hindi mo ito
sabihin sa akin? Hamon ito lalo na sa mga less-than-lovable
moments ng mag-asawa, dala ng pagkabagot, pangmamanhid sa
damdamin ng isa’t isa, o di kaya pagsunod sa karaniwang
daloy ng isang ordinaryong buhay-mag-asawa. Pito (7) ang ibibigay
ng bawat isa sa amin. Tingnan n’yo kung tutugma rin
ito sa inyong ugnayang mag-asawa.
Benny
(1) Yayain mo akong umuwi nang maaga at busugin
ng paborito kong pagkain.
(2) Masahihin mo ako kapag ako’y matamlay
at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Huwag mo na akong piliting
makipag-usap o alamin ang iniisip ko. Don’t take offense
at my silence. May moments talagang gusto ko lang ng sariling
mental, at minsan physical, space.
(3) “You can do it!” Magic words
ito sa tenga kapag nagbabahagi ako ng isang project o balak
na talagang pinag-aralan at plinano kong mabuti. Kapag critical
agad ang tugon mo, para mo na rin akong binuhusan ng malamig
na tubig. Huwag turo nang turo, tip nang tip, warning nang
warning sa lahat ng bagay, maliban na lang kung hinihiling
ko ito.
(4) “Babawi rin tayo sa susunod.”
“There’s another chance.” Kapag pumalpak
ako, huwag mo na akong idiin, plis! Huwag mo nang isa-isahin
ang pagkakamali ko! Nag-iisip din naman ako. May panahon para
pakinggan ko ‘yan.
(5) “Tatanungin ko muna ang asawa ko.”
“Ano sa palagay mo…” Kapag may humihingi
ng desisyon mo, maliban na lang kung tungkol sa beauty kit,
kumunsulta ka muna sa akin.
(6) Acknowledge my strengths. Kahit ilang
beses na akong nasabihan na masarap ang aking adobo, o maganda
ang pag-deliver ko ng speech, iba ang dating kapag ito’y
nanggaling sa ‘yo.
(7) “I trust you.”
Lynne
(8) Give me flowers on an ordinary day.
(9) “Kuwentuhan tayo.” I mean,
ilabas mo ako at usap-usap tayo on small matters. Tulad ba
noong boyfriend kita. Huwag tungkol sa mga bata, bills, business
o anupaman. Dahil minsan-minsan lang naman, huwag ka naman
palaging nakatingin sa relo. I want to be the center of your
attention once in a while.
(10) Appreciate the way I look. Kahit nagpabago
na ako ng hairstyle o nagpa-derma, bihira mo pa rin akong
napapansin. Tingnan mo naman ako paminsan-minsan at sabihin
mo, “OK ‘yan sa ‘yo.” (Kung talagang
OK ha!)
(11) Notice my achievements as well as my
small good deeds. Maganda rin ang pakiramdam ko kapag sinasabi
mong I have a part in your achievements. Nakakataba ng puso
kapag alam kong proud ka sa akin. Pag-aayos lang ng loob ng
bahay, mahirap din ‘yun. Pansinin mo naman.
(12) Hayaan mo akong mag-explore ng aking
sariling career potentials. Gusto ko ring magamit ang aking
abilities para makatulong sa ating pinansiyal na pangangailangan.
Don’t resent the time I spend away from you, as long
as priority ko pa rin ikaw at ang ating pamilya.
(13) Give me emotional support at all times.
Kapag nag-iinit ako sa pananalita, huwag mo akong sabayan,
huwag kang makipag-argue, huwag makipag-rason. Siguro malapit
na ang monthly period ko, may hormonal changes sa katawan
ko. Nararanasan lang ito ng babae. Hayaan mo na lang akong
ilabas ang aking feelings, umiyak, magsalita. Kailangan ko
lang ng assurance na ako’y iyong naiitindihan at mahal
mo pa rin ako kahit sa ganitong mood ko.
(14) Hold my hand and let’s pray together.
Nothing gives me more assurance than a husband who is God-fearing.
Back to top
|