Donita Rose, buntis
din
 |
Donita Rose |
Buntis na daw si Donita Rose na ikinasal noong
isang taon kay Eric Villanueva, isang Fil-American na lumaki
sa Los Angeles, California.
“Nais sana naming iplano ang pagkakaroon
ng anak pagkatapos pa ng dalawang taon. Pero nauna na. I was
on denial for 30 minutes,” sabi ni Donita. Pero sa magkasunod
na pregnancy test na ginawa niya sa bahay nila, pareho itong
nag-register na positive.
Natuwa naman ang asawa niyang si Eric. Ngayon,
buong katuwaan nilang hinihintay ang pagdating ng kanilang
anak.
Ano pa ang mahihiling
ni Ogie?
 |
Ogie Alcasid |
Ngayon ay si Ogie Alcasid na ang biggest multimedia
star ng Viva. And taong 2003 was his banner year, when he
celebrated his 15th year sa showbiz.
The guy had sold-out concerts, top-rated
shows, platinum albums, and hit songs. He won numberous awards,
at ang pelikula niyang Captain Barbell ay pinagkaguluhan sa
Metro Manila Filmfest noong nakaraang Disyembre.
Itatampok siya kasama si Regine Velazquez
sa isang concert sa Araneta Coliseum ngayong Pebrero 14.
Jolina makes waves in
Japan
Pinili ng Japan Foundation si Jolina Magdangal
to represent the Philippines sa katatapos lamang na Japan-Asean
Pop Music Festival sa Yokohama.
 |
Jolina Magdangal |
Ang festival ay ginanap sa prestigious Pacifico
Yokohama National Convention Center. Umawit ng solo si Jolina
na pinalakpakan ng audience, which was predominantly Japanese.
Umawit din siya kasama ang mga music superstars ng Malaysia,
Thailand, Singapore, Japan, Laos, Vietnam, Myanmar, Cambodia
at Brunei.
Ang programa ay kinunan ng NHK, ang pinakamalaking
broadcasting network sa Japan, at ito ay ipapalabas sa cable
TV stations sa buong mundo.
Naghahanda na ang magandang mang-aawit para
sa kanyang bagong album na Jolina Forever, with the song Bahala
Na, which is sure to become a hit.
Back to top
|