Dingdong
nalungkot ba sa pag-alis ni Antonette?
 |
Dingdong Dantes |
Nalungkot nga ba si Dingdong Dantes sa pag-alis
muli ng girlfriend niyang si Antonette Taus patungong America?
“Oo naman,” sabi nya. “Mga
apat hanggang limang taon siyang mawawala. Pero at least nakapag-celebrate
kami ng Christmas at New Year together. At nakapanood pa kami
magkasama ng Malikmata, isang pelikula sa Metro Filmfest.
Pinigilan mo ba siya? “Hindi,”
sabi ni Dingdong, “dahil ayokong maging sagabal sa mga
mithiin at pangarap ni Antonette. Hindi ko alam kung anong
mangyayari sa relasyon namin. Pero sabi ko sa kanya, she will
always remain special to me.”
Binibiro si Dingdong ng ilang fans na maaari
na niyang ligawan si Tanya Garcia, ang partner niya sa soap
program sa Channel 7 na may pamagat na Twin Hearts. Sabi ni
Dingdong, “Hindi pwede dahil may non-showbiz boyfriend
naman si Tanya.”
Martin, ayaw mag-comment
tungkol
kila Bert at Carol Nievera
Ayaw ni Martin Nievera na magbigay ng komento
tungkol sa napabalitang pagtakas ng tatay niyang si Bert at
asawa nitong si Carol Nievera, dala ang mga investments ng
mga taong namuhunan sa Country Waffles chain of restaurants.
Martin, who is in the US trying to instill
a little pride in the Filipino as he makes waves singing at
the Golden Nugget Hotel in Las Vegas, says: “Ako ang
victim in all these. I am shocked, and that’s why I
perform every night with a heavy heart. I am the one who lost
the most. And I’m talking not of just the money.”
May mga balitang may alok kay Martin na mag-host
ng isang daily morning TV show, Las Vegas Live, kasama si
Sheena Easton.
Back to top
|