Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Cover Story 
Comment & Opinion 
Features 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Movies & Leisure 
Community
Affairs 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Ang Difference ng Mayaman at Mahirap sa ‘Pinas

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”, kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”.

Sa mahirap, “sira ang ulo”, sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress.”

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”, kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”.

Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita”, o “baluga”, pero ang senyorita mo kahit kasing kulay mo, ang tawag ay “morena” o “kayumangi.”

Kung nasa high society ka, you are approvingly called “slender” o “balingkinitan”, kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot” o “unano” o “jabbar.”

Kung mahirap ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sayo ay “nagwawala”, kung well-off kayo, ikaw ay “game.”

“Malandi” ka o “pok-pok” kung isa kang dukhang alem-bong; pero kung mayaman kayo, you are referred to as “liberated.”

Ang mahirap na tumatanda ay “gumugurang”; sa mayaman naman the discription is “she graduates gracefully into senior citizenhood.”

Ang anak ng mayaman ay “slow learner”; ang equivalent na anak ng mahirap ay “bobo”, “walang utak”, “utak lamok”, o “gunggong.”

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says “masarap kang kumain, and I like you, you do justice to my cooking”, kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to him-self na ikaw ay “patay-gutom” o “hampaslupa” o “masiba.”

Back to top

Piranha Pool

May isang mayaman na nag-organisa ng isang salo-salo sa kanyang mansyon para ipakita ang kakaiba nitong swimming pool na may lamang mga piranha.

Tinawag nito ang lahat para lumapit sa swimming pool.

“Kung sino ang taong tatalon at lalangoy patawid ng swimming pool na ito na puno ng piranha ay bibigyan ko ng isang milyon.”

Walang kumilos sa mga bisita. “Sige, isang milyon at bagong kotse para sa lalangoy patawid ng swimming pool!”

Wala pa ring gumalaw sa mga nanonood na bisita.

“Ok. bibigyan ko ng dalawang milyon, isang bagong kotse at papapiliin ko sya ng babaeng gusto nya at mapapasakanya ito!”

Biglang narinig ang malakas na pagaspas ng tubig. Isang lalaki ang dali-daling lumangoy patawid sa swimming pool. Tuwang-tuwa na sumalubong sa pag-ahon ng lalaki sa swimming pool ang mayamang may-ari ng mansyon.

“Iho! Magaling! Gusto mo na bang makuha ang dalawang milyon?”

“Hindi!” Palingalingang humihingal ang lalaki. “Yong bagong kotse ba gusto mo iho?”

“Hindi!” Palingalinga pa rin ito. “Ah, yung babae ang gusto mo. Hala, mamili ka at sya’y mapapasayo!”

“Hindi!” Galit na wika ng lalaki. “Eh, ano pala gusto mo iho?”

“Ah! Gusto kong malaman kung sino yung tumulak sa’kin kaya ako nalaglag sa swimming pool!”

Back to top

Spaceship ni Erap

Tumawag ng isang inter-nasyonal press con si Erap upang ipagmalaki sa mundo ang naimbento nilang space ship.

“Hah! We have invented a space ship that can go and land in the sun!” Punong-puno ng pride na pagmamalaki nito.

Isang dayuhang reporter ang tumayo para mag-komento. “Umm...but that is impossible, Mr. President! Your ship would surely melt long before you reach the sun. There is nothing mighty enough to withstand the sun’s intense heat!”

Napangiti ng buong pagmamalaki si Erap. “I know that! It’s been taken cared of!” “How, Mr. President!?”

“Hah! We will go by night!”

Back to top



Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Movies

Humor








Philippines Today
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net