|
Tiyakin
na ang inyong perang pinaghirapan ay makarating sa pinaglalaanan
nito
Mga paalala sa pagpapadala ng pera
Si
Mang Tomas ay madalas naglalakip ng pera sa EMS parcel o sa
ordinaryong sulat na pinapadala sa pamilya sa Pilipinas. Upang
hindi halata ay iniipit niya ito sa mga makakapal na patalastas
na nakukuha sa counter ng mga ATM dito sa Japan. “Safe
naman ang postal system ng Japan,” dahilan niya.
Dahil limang buwan niya na itong ginawa na
walang kasabit-sabit, nagulat siya nang dalawang linggo na
ang dumaan at hindi pa rin daw natatanggap ang kanyang padala.
Sa huli, dumating din ang sulat pero walang laman na pera.
Nagreklamo siya sa post office kung saan inihulog
niya ito. Subalit napagalitan pa siya ng kawani dahil bawal
maglakip ng pera sa EMS at kinakailangang isaad nang tama
sa declaration ang nilalaman.
May tatlong Pilipina naman na nakiusap sa
lider ng kanilang iglesia na pauwi sa Pilipinas upang dalhin
ang kani-kanilang sobre na may lamang pera. Salubungin daw
siya ng mga tao kung kanino naka-adres ang mga sobreng ito
sa airport. Ang problema’y hindi raw sila nagkita-kita
dahil hatinggabi na nang nakalabas siya sa paliparan. At sa
daan, naholdap daw siya. Hindi raw niya pananagutan ang mga
perang nawala dahil hindi naman niya alam ang totoong laman
nito at hindi rin niya kasalanan ang pangyayari.
May isa namang manggagawang masipag at matipid
na nakaipon ng malaki-laking pera at isinabay ito sa padalang
door-to-door cargo. Hindi niya ito maideposito sa bangko ng
Hapon dahil hinihingan siya ng alien card at pasaporte upang
makapagbukas ng bagong account. Marahil gusto rin niyang makatipid
sa pag-aakalang malaki ang aabutin ng remittance fee kapag
malaki ang halaga ng perang padala. Nagkataon namang nakasama
ang bagahe niya sa isang container na may hold order sa Customs
dahil naisumbong itong may kasamang bawal na epektos. Nagkataong
sa paghahanap ng epektos, nahalungkat ang pera niya. Mailalarawan
n’yo na sa isip ang nangyari. Subalit hindi niya rin
ito mairereklamo dahil wala naman ito sa deklarasyon.
Ang pagpapadala naman sa pamamagitan ng door-to-door
ay mahigpit na pinagbabawal, lalo na sa kasalukuyan na ipinatutupad
ang batas laban sa money-laundering sa buong mundo. Marami
na rin ang nahuling nagpapatakbo ng underground bank o yami
no gink na dati nang ipinagbabawal dahil sila’y
lumalabag sa Foreign Exchange Law ng bansang Hapon.
Hindi sana nangyari ang mga ito kung sistemang
tiyak, mura at mabilis ang ginamit nila sa pamamagitan ng
PNB-Tokyo. Kahit magkano ang ipapadala, ang remittance fee
ay dalawang libong yen (Yen 2,000) lamang. At dahil ito’y
bangko, garantisado ang perang padala n’yo.
Nalalayuan kayo sa opisina ng PNB sa Tokyo?
Maaaring pumunta kahit saang bangko sa Japan at humingi ng
tulong sa teller o sa kahit sinong tauhan nito. Sabihin n’yo
lamang na nais n’yong magpadala sa pamamagitan ng ATM
sa account ng PNB-Tokyo Branch sa Mizuho Bank, Kamiya-cho
Branch, Ordinary Account, Account No. 2624677. Maaaring magremit
sa counter subalit ang babayaran ay mas mahal kaysa sa ATM.
Kung regular kayong nagpapadala buwan-buwan ay mas mabuting
magpatulong kayong gumawa ng remittance card na automatic
n’yong nagagamit sa susunod na pagkakataon. Ang halaga
lamang ng inyong ipapadala ang papalitan. Upang mas madali
n’yo itong magawa ay gupitin lamang ang nakasulat sa
wikang Hapon at ipakita ito sa tauhan ng bangko.
Pagkatapos n’yong maihulog ang pera,
tumawag kaagad sa PNB 0120-86-6382 (toll free) o di kaya’y
sa 03-5401-3300 upang ibigay ang detalye kung sino ang nagpadala,
sino ang padadalhan, saan ito ipapadala (bank-to-bank ba o
door-to-door) at magkano. Maaari ring I-fax ang mga detalyeng
ito sa 03-5401-3634.
Kung may tanong kayo tungkol sa pagpapadala,
pagbubukas ng bagong account o paghuhulog ng pera sa Japanese
bank, maaari kayong sumangguni sa tanggapan ng PNB sa 03-5401-3300.*
<React
to this article> <Read
other reactions>
Back to top
|