|

Nora Aunor nagpapabata?
 |
Nora Aunor |
Well,
ang superstar na siyang pinakasikat noong mga 1970s, ay 50
years old na. Mayroon na siyang mga fine lines sa paligid
ng kanyang mga mata, laugh lines sa paligid ng kanyang bibig,
mga dark spots sa balat niya gawa ng allergy sa mga cosmetic
na ginagamit niya. Kailangan na niyang paputiin ang mga dark
lines sa leeg at kilikili niya.
Dahil dito nagpupunta siya for treatment
kay Ellen Lising, may-ari ng Ellen’s Aesthetic Center
sa Timog Ave., Quezon City. Si Lising, isang aesthetician,
ay mayroon nang 20 years experience sa pagpapaganda ng mga
kabababihan.
Sinabi niya kay Nora na magmumukha siyang
15 years younger kung susundin niya ang mga treatment na rekomendado
para sa kanya. Isasailalim siya sa facials, laser treatment
at micropeel treatment upang alisin and dead skin cells sa
buo niyang katawan.
Ayon kay Lising naging mahirap ang pagsunod
ni Nora sa mga treatment niya dahil malimit lumiban ang aktres
sa kanyang mga schedule. “Kaya kalimitan ulit kami ng
ulit sa mga ginagawa para sa kanya. We have to start from
scratch again pag dumarating siya,” sabi ni Lising.
“Kung gusto niya ng results, dapat maki-co-operate siya.”
Lising cannot make miracles. “I can
only en-hance a woman’s beauty, make her look younger
than her age, through facials and laser treatment. Pero walang
perfect solution. Hindi ko maaalis ang mga linya sa mukha,
but only to minimize them. Still and all I can bring back
the bloom in a middle aged women.” Ang mga artistang
naging customers na ni Lising ay tulad ng mga middle-age but
beautiful Melanie Marquez, Alma Concepcion, Elizabeth Oropesa.
Melanie nagwala, Mark
at Kris damay
Nagwawala si Melanie Marquez, former international
beauty queen and local cinema actress. Galit sa mag-amang
Senator Lito Lapid at Pampanga Governor Mark Lapid, at kay
Kris Aquino.
Nag-ugat ang kontrobersya nang mag-appear
si Melanie sa The Buzz, isang programa ng ABS-CBN, at nanawagan
sa dati niyang kinakasama, na si Lito, na tumulong sa pagsuporta
sa kanilang love child na si Manuelito, 22, na ngayon ay nasa
US at gustong kumuha ng kursong medisina.
According to Melanie, she alone supports
their son in his studies. Kung magbigay si Lito,ayon sa kaniya,
ay paminsan-minsan lang at kung kailan niya gusto. At isina-publiko
niya ang panawagan sapagkat ayaw daw sumagot ng senador sa
mga tawag niya.
Dito nakialam si Mark, anak ni Lito. At kung
anu-ano na nga ang sinabi niya. Gustong tumulong ni Lito,
ayon sa kaniya, kaso hindi naman nito mahagilap kung saan
si Manuelito, dahil ayaw namang ipakausap ni Melanie.
Sa isang interview sa Philippine Daily Inquirer,
heto ang buwelta ni Melanie sa half-brother ng kanyang anak:
“I’m not afraid of you. I only speak the truth.
You must not forget that my husband is also a lawyer.”
It turns out that Melanie is now married to
an American corporate lawyer, who handles lawsuits and advises
clients in Utah and Hawaii.
“Stop provoking me,” Melanie also
told Mark. “You’re only your father’s son.
Don’t meddle with our affairs. What you should do is
take care of your people in Pampanga.”
Ito namang si Kris, pakialamera kasi. Sa kaniyang
programa, sinabi niya na hindi naman irresponsible si Lito.
Malamang nakisawsaw ito sa isyu dahil si Mark ang kanyang
current boy friend, after Philip Salvador, with whom she has
a child, and former Mayor Joey Marquez.
At dahil dito, inupakan ni Melanie si Kris,
saying she should not meddle in things that do not concern
her and that she should keep her opinions to herself. At talagang
hindi niya tinantanan ang sikat na television host hangga’t
hindi ito humingi ng dispensa.
That probably scared her off. On the same
program, The Buzz, Kris asked Melanie’s forgiveness,
saying she would from now on speak only for Mark and not his
father. She added her mother, former President Corazon Aquino,
advised her to do so. “I’m shutting up,”
Kris assured Melanie.
Back to top
|