|

Gretchen
pinalayas ang bayaw at kapatid?
 |
Gretchen Barretto |
Nagsigawan
si Gretchen Barretto at Dennis Padilla, asawa ng nakababatang
niyang kapatid na si Marjorie, sa telepono. At ito’y
dahil lamang kay Willie Revillame.
Kinuha ni Gretchen kasi si Willie bilang
talent ng ABC 5, at ito’y ikinagalit ni Dennis. Sinabi
niya kay Gretchen, “Bakit mo naman kinuha si Willie?
Hindi mo ba alam na kaya kami nawalan ng trabaho ay dahil
sa kanya? Iyong pinapakain ko sa mga pamangkin mo ang nawala
rito!”
Maanghang na pananalita, di ba? At dahil dito,
Nababalitang pinalayas niya raw ang mag-asawang Dennis at
Marjorie sa kanilang tinitirhang bahay.
Ang bahay palang tinitirhan ni Dennis at Marjorie
at ng kanilang mga anak ay pag-aari ni Gretchen. At malapalasyo,
nagkakahalaga ng P18 to P20 million. At bakit nga ba hindi,
ito ay nasa Loyola Grand Villas in Loyola Heights, Quezon
City.
Sa mga magkakapatid, si Gretchen ang pinakamayaman.
Asawa kasi ni Tony “Boy” Cojuangco, dating CEO
at president of PLDT at ngayo’y may-ari ng Channel 5.Walang
posisyon si Gretchen sa Channel 5, at ang sabi pa nga ng mga
executive doon sila lamang ang may poder na mag-hire na sino
mang gusto nila, at hindi si Gretchen. Siguro nga, pero hindi
maikakailang asawa siya ng may-ari, at sa pakikipag usap niya
sa media, hindi naman niya sinabing wala siyang pakialam sa
operasyon.
Kung nagbabayad ang mag-asawa ng renta o kung
nagbabayad man nang halagang bayad-kapatid ay hindi nilinaw.
Si Willie at Dennis ay co-hosts sa Magandang Tanghali Bayan
ng ABS-CBN. Malaganap sana ang programa, subalit mahilig itong
si Willie sa dirty jokes, na madalas ikagalit ng Movie and
Television Review and Classification Board. Nang lumaon, sa
halip na masara ang programa, minabuti ng estasyon na palitan
ang format at pangalan nito. Tinawag na MTB: Ang Saya Saya!,
at sinipa ang dalawa.
At nawalan nga ng trabaho si Dennis. Samantala,
nakakita agad ng malilipatan si Willie, sa Channel 5 nga,
bilang host ng programang “Puso o Pera?” Ito ang
ikinagalit ng mama sa kaniyang hipag.
Inamin ni Gretchen na nagkasagutan sila ni
Dennis, subalit pinabulaanan niya na pinapalayas niya ang
mag-asawa.
Osang iniwan ang showbiz
Nilayasan na ni Rosanna Roces ang Startalk
ng GMA 7, kung saan siya ang major host, at ang mundo ng showbiz.
Sa isang handwritten resignation letter in
Filipino kailan lamang, Osang said the controversy that dragged
not only her but also her daughter forced her to leave showbiz.
She said her family is more important to her than her career.
 |
Rosanna Roces |
Ikinagalit ng actress ang napabalitang buntis
ang kanyang anak na si Grace. At dahil naniniwala siya na
ang pinagmulan ng balita ay si Lolit Solis, ang kaniyang co-host
sa Startalk at former talent manager, hindi siya nag-appear
sa programa nuong May 29 at sa mga sumusunod pang episodes.
Sapagkat si Lolit ay nasa Amerika, naiwan tuloy mag-isa sa
programa si Butch Francisco, entertainment columnist at pangatlong
host ng show.
Dahilan sa tsismis, ayon sa actress, huminto
tuloy sa pag-aaral si Grace at ang isa pa niyang anak na si
Onyok.
Sinabi niya na naghubad siya at hindi inalintana
ang panlalait ang pagaalipusta na hindi dinanas ng pangkaraniwang
babae, subalit ito na siguro ang pinakamasamang nangyari sa
buhay niya.
Na-discover si Osang ng Seiko Films taong
1994. Nuo’y nagtatrabaho siya sa Pegasus Night Club
sa Quezon City bilang guest relations officer. Kumita lamang
siya ng P40,000 bilang bold star sa unang dalawang pelikula.
Subsequently, she made nine other movies under
the film company and was paid only P100,000, including the
last that grossed between P10 million and P20 million on opening
day.
Mula 1996, kinilala na siya bilang isang major
actress. And for her role in La Vida Rosa in 2000, for which
she won the prestigious Urian Award, she received a whooping
P5 million fee.
Ito ang huling film na ginawa niya, pero tuloy
ang kasikatan niya dahil nga sa linggohang Startalk. For almost
eight years, the show, which paid her P100,000 per episode,
was her major source of income.
Talagang balak niyang iwanan ang show business,
dangan nga lang at dumarating ang mga papel na di niya matanggihan,
katulad na nga ng role niya sa La Vida Rosa bilang gangster.
Ngayon, handa na siyang mamaalam sa trabahong
nagbigay sa kanya ng karangalan at siyempre ng magandang kabuhayan.
Kailangan pa rin niyang kumita, bakit nga ba hindi? Pero may
sapat naman siyang ipon, at hindi naman siya nasanay at ang
kaniyang mga anak sa marangyang buhay.
For this reason she and the whole family
can live on the interest of the trust fund she has invested
in, precisely for this eventuality. And she has a farm in
Antipolo, which will help. And she is far from destitute.
Next month she is sending Grace and Onyok to the US to study.
Back to top
|