 |
Wanted: Desperate Artist
ni Nikki Abaya
KAYA
MO PA BANG IPAALALA SA sarili mo kung kelan ka huling tumanggi
sa pera? Kung kelan hindi mo inintindi ang halaga nito para
lang gawin ang gusto mo. Ke graduate ng UP, Ateneo o La Salle,
mayaman man o hindi, naipagpalit mo na ba ang puso mo para
lang masabing kumikita ka? Nagpapagamit ka rin ba sa sistema
tulad ko, o tulad ng marami na kung tutuusin ay makakatakas
sa pang-aaliping ginagawa ng tinatawag nilang pangangailangan.
Tanong: Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo?
Ipinako ko ang sarili ko sa isang trabaho na taga-edit ng
mga litrato dito sa isang photo studio sa may Espania. Undergraduate
ako ng UP Diliman sa ilalim ng kursong Fine Arts. May alam
ako sa mga litrato, sa pagkuha nito at pagpapakita ng tinatawag
nilang art gamit ang camera. Alam ko ang konsepto ng ilaw,
sanib ng kulay at mga teorya ng debeloping, -sayang
sayang dahil ngayon, hindi ko magamit ang itinuro sa akin
ng Unibersidad na pinanggalingan ko. Seven thousand five hundred
kada buwan, walang kontrata at SSS, P125/hour para sa over
time tapos ang usapan
Creative ka man o hindi, bastat
Adobe literate ka, pwede na. Dalawang lingo sa training, tuturuan
ka ng lahat ng dapat mong malaman tungkol sa pagreretoke ng
mukha. Pagtanggal ng tigyawat ng taong kinuhaan ng litrato,
blemishes at katakut-takot na blockheads. P180 ang allowance
mo per day kung trainee ka pa lang sa maliit na negosyong
ito. Pwede na rin kung katulad mo kong may utang na dapat
bayaran. O kung katulad ka ng kaibigan kong kailangan nang
magbayad para sa sariling bills ng kuryente, internet service,
telepono at tubig
ang pera ay pera. Pagod equals sweldo.
Wala ka nang angal
Unang lingo ko sa trabaho, namiss ko ang routine ko nung
professional bum pako. Gising alas nuwebe, kain, nuod HBO,
basa ng libro, text, kinig ng N.U, yosi, socialize with Ateneo
friends at aspiring rock stars ng Pinas, Starbucks kung matripan,
gawa ng painting, socialize ulit kung pwede pa, at muli pa,
tapos to all I care- ang magsulat
sarap!- actually
Pero in between those moments, madalas kong isipin kung ano
ang silbi ko sa mundo. Madalas kong tanungin ang sarili ko
kung ganito na lang ba ko habang buhay
sabi ng utak ko,
hindi daw. So finally, I confronted myself to find a job.
Kahit ano.
Mula alas nuwebe ng umaga hanggang ala sais ng gabi, pinaka-aantay
ko ang mga text ng mga nangangamustang kaibigan. Hindi na
raw kasi ako ganun ka accessible simula nung nagtrabaho ako.
Hanggang ngayon habang nakaharap ako sa kompyuter at nag-eedit,
namimis ko sila; ang Katipunan Ave., ang UP, ang FA, ang sarili
ko. Pakiramdam ko, itinapon ako sa isang panibagong mundo.
Sa totoong mundo na hindi ko nakilala kahit nanggaling ako
ng UP. Eto na yung sinasabi nila na totoong eskwelahan.-ang
lipunan.- Habang ang guro mo mismo ay ang sarili mong pakikipagsapalaran.
Tipong bibitawan mo na lahat ng textbooks mong luma at ngayon
ay hands-on na. Sukatan na kung sinong makaka survive sa gutom
o pag-iinarte ng prinsipyo. Aamin ako, tumigas ang ulo ko.
Nafrustrate ako sa sarili ko. Naisip ko, ang dami kong sinakripisyo
para sa pera. At ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa pagmamadaling
hanapin ang papel ko sa mundo. Hindi ito ang gusto kong hanapin
nung una. Hindi pera. Hindi sweldo kundi fulfillment na tinatawag.
Walang creativity na required sa trabaho ko ngayon. Wala din
ang freedom of expression. Bawal maging unorthodox, at kailangang
maging conformist. Bawal kalabanin ang boss kahit alam mong
tama ka. Papasok ka sa oras kahit insomniac ka. Hindi ka mag-aabsent
dahil ayaw mo lang pumasok o dahil wala ka sa mood. At walang
kahit na sino sa loob ng opisinang yon ang responsible sa
mga tantrums ko bilang artist. Matanda na ko, at nagtatrabaho
na. Kailangan nang maging mature at professional
Masakit na sa mga pagkakataong ito hindi ko magamit ang emosyon
ko bilang inspirasyon sa trabaho. Hindi gaya nung nasa college
pa ko, na pwede kong gawing outlet ang canvass ko. Pag ginawa
ko yun ngayon, magagalit ang boss ko. Masisira ang mga litratong
hawak ko, at mawawalan kami ng costumer. Hassle
Nakulong ang pagiging istudyante ko ng UP College of Fine
Arts. Walang makitang sigla sa mga trabahong natatapos ko
sa isang araw. Hindi rin ako makapirma sa mga litratong naeedit
ko. Lumabas mang maganda ang mukha ng costumer ay dahil sa
good quality ng digital technology na sinasamba ngayon ng
employer ko; pero hindi dahil sa may skill ako bilang artist-o
kahit bilang tao na lang
nakakulong din ang art ko. Ang
sining na dapat sana eh siyang bumubuhay sa kin. Nakatiwangwang
sa kwarto ko ang blankong canvass, nanunuyong mga pintura
at tumitigas na mga brush. Tuwing dumarating ako sa kwarto
ko kaharap ang mga lumang gamit ko, pakiramdam ko namatay
ang dating ako -- tuluyan nang nalibing sa kaparehong alikabok
na bumabalot sa pagkakimi sa mga bagay na mahal ko.
Pinipilit kong hanapan ng oras ang pagsusulat. Kahit na madalas
akong umuwing pagod, sumusulat parin ako ng mga tula. Tanging
sa pagsusulat ko naibubuhos lahat ng sama ng loob ko. Madalas
kong sabihin ngayon ang mga salitang SANA at SAYANG
hindi
pa rin ako nagreresign hindi dahil sa naka-adjust na ko sa
posisyong manual laborer. Kundi dahil gusto kong mag-ipon
ng pera para makapag-exhibit o makapagpa-publish ng libro.
Ayokong matali sa trabaho ko ngayon dahil nawawalan ako ng
bilib sa sarili ko. Naeexploit ang mga artist dito sa trabahong
to. Hanggat maaari sana ayokong pagamit sa kanila o
sa pera. Babalikan ko ang pagiging malaya ng sining ko. Hindi
pala totoong professional bum LANG ako nung wala pa kong tabaho,
mas alam ko lang pala noon ang gusto ko
*
Back to top
Eds note Si Nikki ay 20
anyos, estudyante, empleyado, pintor at manunulat. Nag-resign
na siya mula sa trabahong ito.
We
welcome our readers to contribute their articles to Philippines
Today Online. If you would like to submit your article
for posting at this section, please use our Submission
Form.
|