Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

Kontrobersiya sa FAMAS

Aleck Bovick

Marami ang hindi makapaniwala ng manalo ang boldstar na si Aleck Bovick, 18, bilang best actress para sa pelikula nitong “Tampisaw” sa nakaraang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (Famas) awards ceremony. Natalo ni Aleck sina Sharon Cuneta (“Magkapatid”), Alessandra de Rossi (“Mga Munting Tinig”), Ara Mina (“Mano Po”) at Claudine Baretto (“Kailangan Kita”).

Sinasabing may “bayaran” umano na nangyari dahil napansin daw ng iba na parang hindi man lang nagulat si Aleck sa pagkapanalo niya. Mayroon na raw nakahandang banner ang kanyang mga fans na iwinagayway nila ng itawag ang kanyang pangalan kaya parang sinasabi ng iba na alam niya na mananalo siya. As of presstime ay nasa kalagitnaan ng kontrobersiya si Aleck at hindi malaman kung may pormal na imbestigasyon ang gagawin para malinawaan ang pagkapanalo niya.

 

Mga artistang tatakbo sa eleksiyon

Senator Richard Gomez?

Heto ang mga artistang balak tumakbo sa susunod na eleksiyon:

Gary Estrada – bilang mayor ng San Antonio, Quezon

Alma Moreno – bilang mayor ng Parañaque

Richard Gomez – bilang Senador

Samantala ay nagpahayag naman si Kris Aquino na balak niyang tumakbo bilang Mayor ng Quezon City sa darating na 2007. Ito ay kung hindi na naman magbabago ang takbo ng utak niya. Sinabi kasi dati ni Kris na gusto niyang tumakbo bilang Senador.


 

 

Showbiz briefs

Troy Montero

• Si Rustom Padilla ay kasalukuyang nasa Los Angeles at nagtratrabaho bilang isang bartender. Plano raw nitong kumuha ng kursong film-directing.

• Si Joyce Jimenez ang pinakabagong “modelo” sa isang videoke collection. Ito ay ang “Private Joyce: The Videoke Collection”, isang four-volume videoke album na naglalaman ng pop, standard, OPM at all-time favoritye songs.

• Hiwalay na si Troy Montero at Cher Calvin. Nakipag-break si Cher kay Troy dahil gusto raw nitong mag-concentrate sa kanyang trabaho bilang anchor ng Fox News sa Las Vegas.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

May ikakasal, kinasal at matagal nang kasal

Mga bagong mukha at boses

Kontrobersiya sa FAMAS

Mga artistang tatakbo sa eleksiyon

Showbiz briefs

Showbits

An invitation to the green meadows and still waters











Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net