Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

May ikakasal, kinasal at matagal nang kasal

Donita Rose

Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ni Donita Rose sa boyfriend nitong si Eric Villarama sa isang resort sa Santa Barbara, California sa darating na Hunyo. Sina Christine Bersola at Julius Babao naman ay sa Disyembre 9 ikakasal sa Antipolo, Rizal.

Samantala ay tahimik na ikinasal kamakailan si Jay Manalo sa girlfriend nitong si Anna Raissa Austria, 22 taong gulang na kolehiyala. Ayaw ni Jay pag-usapan ang kasal niya dahil personal na buhay niya na raw iyon. Sinasabing dalawang taon na silang nagsasama ni Raiza at meron na silang anak na si Riona. Si Tina Paner naman ay kasal na rin sa isang Spaniard at meron na silang 2-month old na baby boy. Kasalukuyan silang naninirahan sa Spain.

Sa kabilang dako naman ay inamin na rin sa wakas ni April Boy Regino na siya ay sampung taon nang kasal at may dalawang anak. Inilantad niya ang katotohanan dahil naging sikat ang kanta niyang “Madelyn, Nag-iisang Ginto” sa kanyang bagong album na “Philippine Idol” at marami ang nagtatanong kung sino si Madelyn sa buhay niya. Dito niya na-isip na ito ang tamang panahon para ilantad ang asawa na siyang tumatayo rin bilang manager niya. Pagkatapos ng rebelasyon niya ay para raw siyang nabunutan ng tinik.

 

Mga bagong mukha at boses

Hindi naman talaga siyang maituturing bagong mukha sa showbiz pero marami ang nagulat sa paglabas ni Congresswoman Imee Marcos sa isang teleserye sa GMA. Hindi niya lang raw matanggihan ang inalok sa kanyang role sa TV at inamin din niya na matagal niya ng gustong umarte.

Si Jon Hall, isang half-Filipino, half-British commercial model na sumikat ng maging isang underwear model ng Bench ang pinakabagong pinagkakaguluhang “hunk” ngayon sa showbiz. Ipinapakilala siya sa pelikulang “Xerex” kung saan katambal niya si Aubrey Miles. Lumaki si Jon sa Cebu pero pumunta siya sa US ng maging 12 years old siya kaya mas American daw siya kaysa Filipino. Sinubukan niya lang raw ang pag-aartista pero kung magiging maganda ang resulta sa takilya ng pelikula niya ay handa raw siyang ituloy-tuloy na ito. Pero ang pinaka-ambisyon niya talaga ay mapasok sa Philippine Basketball League or Association.

Artista na rin si Efren “Bata” Reyes at makakasama niya sa unang pelikula niya ay walang iba kundi si FPJ. “Pakners” ang titulo ng kanilang pelikula na tungkol siyempre sa billiards.

Paolo Montalban

Nakilala siya bilang isang Filipino na napasama sa listahan ng People Magazine bilang isa sa mga “50 most beautiful people in the world” noong 1998. Siya ay si Paolo Montalban na gumanap bilang isang prinsipe sa television musical na Cinderella (ang singer na si Brandy ang gumanap ng title role) na prinodyus ni Whitney Houston. Lumabas din siya sa pelikulang “Mortal Kombat” at “American Adobo”. Kasama rin siya sa “The Great Raid” kung saan kasali rin si Cesar Montano at ang mga aktor na sina Benjamin Bratt (“Miss Congeniality”) at Joseph Fiennes (“Shakespeare In Love”). Ngayon ay isa na siyang singer na may self-titled album sa ilalim ng Vicor Records. Balak siyang i-build-up at gawing “the next Martin Nievera”.

Si Larry Marshall, isang American singer na kilala sa Filipino communities sa US dahil sa husay nito sa pagkanta ng mga Tagalog songs ay nandito na sa Pilipinas para ilunsad ang kanyang career bilang isang balladeer. Viva Records ang nag-prodyus ng kanyang all-Filipino album na “Ikaw ang Dahilan”. Pangalawang Filipino album na ito ni Larry dahil ang una niyang album ay inilabas sa US noong 2002 sa ilalim ng KKPP Productions (ito rin ang kanyang slogan – KKPP – “Katawang Kano, Pusong Pinoy”). Natutong mag-Tagalog si Larry dahil na-station siya noon sa Okinawa Japan malapit sa isang Pinoy community noong nasa US Marines pa siya. Nang magtrabaho naman siya sa Los Angeless karaoke company ay doon naman siya naging interesado sa Filipino music dahil sa mga naging kasamahan niyang Pinoy. Dahil marami sa kanila ay Bisaya, sinasabing may puntong Bisaya rin kung magsalita si Larry. Inaasahan ng Viva Records na sisikat si Larry dahil marami ang matutuwa sa angkin nitong galing sa pagkanta ng Tagalog.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

May ikakasal, kinasal at matagal nang kasal

Mga bagong mukha at boses

Kontrobersiya sa FAMAS

Mga artistang tatakbo sa eleksiyon

Showbiz briefs

Showbits

An invitation to the green meadows and still waters











Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net