Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Showbits

  • Binigyan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng Natatanging Gawad for Lifetime Achievement ang scriptwriter na si Ricky Lee. Nakilala siya sa kanyang mga sinulat na “Himala”, “Moral”, “Sibak, Midnight Dancers” at “The Flor Contemplacion Story”.

  • Grand slam winner sa kategoryang best supporting actor si Piolo Pascual (“Dekada ‘70”). Kahanay niya na ngayon sina Vilma Santos (“Relasyon” ) at Sharon Cuneta (“Madrasta”).

  • Ipapalabas sa Asian American International Film Festival ang “Dekada ‘70” at ang “Magnifico” sa Montreal World Film Festival. Nakasama naman sa Far East Film Festival ang “Prosti”.

  • Isang certified box-office hit ang unang pelikula ni Ai-Ai delas Alas na “Ang Tanging Ina”.

  • May Viva Records album na ang Filipino broadway star na si Jose Llana, ang kapareha ni Lea Salonga sa musical na “The Flower Drum Song”.

  • Sumisikat ngayon ang April Boys na sina Vingo at Jimmy na mga kapatid ni April Boy Regino. Sila ang tinaguriang “Air Supply of the Philippines”.

  • Balik showbiz si Tetchie Agbayani. May asawa na ito at isang anak at kasalukuyang kumukuha ng masters degree sa Psychology. Balak daw niyang mag-doctorate pa. Balik-music industry naman si Pat Castillo.

  • Joanne Quintas-Primero

  • Si Joanne Quintas-Primero ang representative ng Pilipinas para sa 2003 Mrs. World Contest. May isa na silang anak ng asawang si Domini Primero na isang dating model.

  • Masugid na manliligaw ni Aiko Melendez ngayon si Herbert Bautista.

  • Ang dating commercial model-beauty queen-actress na si Dindy Gallardo ay isa nang spa consultant sa Amerika. Siya raw ang gumagawa ng formulas ng mga handmade na sabon, body at facial scrubs na ginagamit sa mga holistic spas.

  • Ipinakilala sa press ni Mark Anthony Fernandez ang girlfriend niyang si Melissa Garcia at ang anak nilang si Cameron, 1 ½ years old. Meron pang isang anak na babae si Mark pero hindi niya raw ito nakikita dahil hindi maganda ang paghihiwalay niya sa dating ka-relasyon.

  • Inamin ng award-winning actor na si Yul Servo na isa siyang binatang ama. Mayroon na siyang dalawang anak na lalaki.

  • Malapit na raw maghiwalay ang mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

  • Magiging freelance MTV VJ na lang si Donita Rose. Pagkatapos ng kasal niya ay babalik silang mag-asawa sa Singapore para doon manirahan dahil doon din nagtratrabaho si Eric.

  • Balak ni Lara Fabregas na pasukin ang Hollywood. Isa’t kalahating taon na siyang hiwalay sa asawang si Raymond Bagatsing.

  • Mga tatakbo raw sa susunod na eleksion: Elizabeth Oropesa (mayor ng Guinobatan, Albay), Mikey Arroyo (congressman ng ikalawang distrito ng Pampanga), Gov. Lito Lapid (mayor ng Angeles, Pampanga), Mark Lapid (gubernador ng Pampanga) at Ronnie Ricketts. Si Kris Aquino ay balak tumakbo bilang Senador sa 2010.

  • Fan ng Filipino singer sa US na si Josephine “Banig” Roberto ang tatay ni Michael Jackson. Pinapanood daw nito ang lahat ng concerts ni Banig. Ayon kay Banig ay magkaibigan daw sila.

Back to top

Conception: Parangal ng mga mang-aawit na Hapon para kay Stevie Wonder

Noong Marso 12, inilabas sa Japan market ng Motown Records, isang sikat na recording company sa Amerika, ang bagong album na Conception~Stevie Wonder (Universal International/\2,548 kasama na ang tax).

Nitong nakaraang 50 taon, walang ibang musikero maliban kay Stevie Wonder ang nagkaroon ng nakapalakas na impluwensiya sa loob ng mahabang panahon sa ibang mga mang-aawit, composer, arranger at producer sa buong mundo. Ang nilalaman ng album na ito ay interpretasyon ng 15 na bokalistang Hapon ng mga cover songs ni Stevie Wonder. Ito’y tunay na makakapagbigay tuwa sa mga mahihilig sa musika.

Iniluklok sa Rock Hall of Fame noong Enero 1989, si Stevie Wonder ay kinikilala bilang Prinsipe ng Pop Music dahil na rin sa kanyang karisma. Ang kanyang talambuhay ay mala-seryeng drama. Ipinanganak siya noong Mayo 13, 1950 sa Michigan, USA. Nag-debut siya sa mundo ng musika noong 1961, pagkatapos marinig siyang kumanta at tumugtog ng presidente ng Motown na si Cody na agad namangha sa angkin niyang talino. Makaraan ang dalawang taon, ang kanyang debut album na Fingertips ay pumailalanlang sa music chart ng buong America, at doon nagsimula ang kanyang alamat. Pagkatapos ay sunud-sunod ang kanyang hit album na Uptight, My Cherry Amor, atpb.

Iginawad ang kanyang pinakaunang Grammy Awards noong Marso 1974 sa limang kategorya, kasama na ang Album of the Year. Tuluy-tuloy na ang kanyang maningning na career sa loob ng 30 taon.

Subalit ang nais kong bigyang-pansin bilang manunulat ay si Stevie Wonder bilang isang tao na patuloy na nakikibaka laban sa racial discrimination, terorismo at iba pang suliraning panlipunan sa gitna ng mundong tumitindi ang komplikasyon ng ugnayang pantao. Maaalala natin ang pakikipagtulungan niya sa proyektong USA for Africa na nagbunga ng album na We Are the World. Noong taon din na iyon, nanguna niya sa kilos-protesta laban sa apartheid sa harap ng pasuguan ng South Africa kung saan siya ay inaresto. Hindi rin makakalimutan ng kanyang mga tagasubaybay ang pagsali niya sa charity event na America, A Tribute to Heroes kung saan pinarangalan niya sa pamamagitan ng pag-awit ng A Legend of Love ang mga magigiting na taong nabiktima ng sabay-sabay na pag-atake ng mga terorista sa America.

Nabulag dahil sa kakulangan ng oxygen sa loob ng incubator matapos siyang isilang, isang mahiwagang alamat ang buhay ni Stevie Wonder na sinasamba ng kanyang mga fans na parang diyos. Masugid ang pagbigay-suporta ni Ken Hirai sa pagprodyus ng Japanese album na ito. Masasabi kong ang album na ito ay hindi lamang para sa mga fans ni Stevie kundi para sa lahat ng pop music fans.


Si Hideo Kawakami ay isang sikat na music critic sa Japan. Ang artikulong ito ay isinalin mula sa wikang Hapon ni Benigno D. Tutor, Jr.

Back to top

 

 

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Mga pinag-uusapang love pairs

Summer Hot Special with the HUNKS

Japanese at Taiwanese connections

Nida Blanca murder case update

Business ng mga artista

Mga bagong showbiz mommies

Showbits

Conception: Parangal ng mga mang-aawit na Hapon para kay Stevie Wonder









Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net