Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Japanese at Taiwanese connections

F4

Isang buwan pa lang pinapalabas ang Meteor Garden sa Pilipinas pero sikat na sikat na ang “chinovela” at ang Taiwanese boyband na F4 o Flower 4 na tampok dito. Mabiling-mabili ang posters ng grupo sa mga bangketa at ginagaya na rin ang mga hairstyles nila.

Kasama si Alice Dixson sa isang pelikulang pang-international release na prinodyus ng Leona Company ng Japan. Katambal niya rito si Yasuo Daiichi at ang direktor nila ay si Hideo Nambu. Ang pelikula ay tungkol sa isang Pilipinong nangibang bansa para hanapin ang kanyang kapalaran.

Samantala ay kasosyo ni Robin Padilla sa prinodyus niyang pelikula na “Alab ng Lahi” ang Japanese actor na si Jacky Woo. May halagang P30M ang period movie kung saan gumanap siya bilang Huk at Japanese officer naman si Jacky. Highly recommended ng Department of Education ang nasabing pelikula na sinulat ni Robin. Pagkabalik daw ni Rustom galing US ay sisimulan na nilang magkakapatid ang paggawa ng pelikula. Nag-aaral dun ngayon ng film-making si Rustom at balak naman ni Rommel na kumuha ng kursong Cinematography.

 

Nida Blanca murder case update

Kasalukuyang nakakulong si Rod Strunk sa isang California jail habang hinihintay ng US Federal Court ang ebidensiya at pormal na request mula sa Department of Justice (DOJ) para sa extradition ni Strunk. Inaasahan na pagkatapos ng extradition proceedings sa July 28 ay makakabalik na sa Pilipinas si Strunk para harapin ang kasong homicide na isinampa ng DOJ hinggil sa pagpatay umano nito sa asawang si Nida Blanca noong Nobyember 7, 2001.

 

Business ng mga artista

Isang spa at water refilling station ang bagong negosyo ni Diether Ocampo. Si Marvin Agustin ay may rice topping delivery business at franchisee din siya ng Mr. Donut. Ice cream stalls naman ang kay Dominic Ochoa samantalang foot spa ang kay Carlos Agassi at Kris Aquino.

Si Donita Rose at ang magiging asawa nitong si Eric Villarama ay balak maglabas ng isang garment line. Si Jomari Yllana naman ay may itatayong business sa Clark Air Base sa Pampanga na may kinalaman sa hobby nitong car racing.

 

Mga bagong showbiz mommies

Nanganak kamakailan sina Jessa Zaragoza (panganay nila ni Dingdong Avanzado), Melanie Marquez (pangalawa nila ng asawang Amerikano na si Adam Lawyer pero pang-anim na anak na niya sa kabuuan), Isabel Granada (unang baby nila ni Geryk Genasky) at Cristina Gonzales (pangalawang anak nila ni Alfred Romualdez).

Samantala ay may balitang na-miscarriage kamakailan si Ina Raymundo. Ito sana ang magiging second baby nila ng asawang si Bryan Poturnak.

Ang mga kasalukuyang buntis ngayon sa showbiz ay sina Ruffa Gutierrez, Candy Pangilinan at Jessica Rodriguez.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Mga pinag-uusapang love pairs

Summer Hot Special with the HUNKS

Japanese at Taiwanese connections

Nida Blanca murder case update

Business ng mga artista

Mga bagong showbiz mommies

Showbits

Conception: Parangal ng mga mang-aawit na Hapon para kay Stevie Wonder









Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net