Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Mga pinag-uusapang love pairs

Ruffa Mae Quinto

Maingay ang balita tungkol sa May-December affairs nina Vic Sotto at Pops Fernandez. Ang girlfriend ni Vic na si Pia Cabreira ay 23 years old lamang at matanda lang ng konti sa anak nitong si Danica. May balitang isinama raw ni Vic si Pia sa isang shopping spree sa abroad at ito daw ang kasama niya sa kanyang birthday. Samantala ay sumama si Pops sa boyfriend niyang Australian-Chinese-Scottish model na si Brad Turvey sa Australia. Ipinakilala na raw ito ni Brad sa kanyang pamilya. Matanda si Pops ng labindalawang taon kay Brad.

Totohanan pala ang loveteam nina John Pratts at Heart Evangelista. Ganito rin noon sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa pero nag-break na ang dalawa. Ang girlfriend ngayon ni Jericho ay si Cindy Kurleto na isang Filipino-Austrian model at TV host. Bago si Kristine ay si Kaye Abad naman ang niligawan ni Jericho. Si Marvin Agustin naman ang boyfriend ni Kristine bago kay Jericho. Apat lang na buwan ang tinagal ng kanilang relasyon. Sa ngayon ay break na rin si Marvin sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Inamin na rin daw ni Dingdong Dantes at Antoinette Taus na matagal na silang mag-bf. Mga apat na taon din nilang itinago ang kanilang relasyon. Inamin rin ni Miko Palanca na si Joyce Jimenez ang kasama niya nung Holy Week. Kahit sinasabi ni Miko na friends lang daw sila ni Joyce ay hindi matigil ang balitang may relasyon sila dahil palagi silang nakikitang magkasama.

Boyfriend daw ni Jolina Magdangal si Bebong Muñoz na presidente ng Councilors League of the Philippines at kasalukuyang kumukuha ng masters degree sa Columbia University sa US. Girlfriend naman ngayon ni Vandolph si Jenny Salimao, isa sa mga G-Girls na dancers ng MTB. Isang non-showbiz guy ang boyfriend ni Eula Valdez na hiwalay sa asawang si Ronnie Quizon.

Kristine Hermosa

Tungkol naman sa mga kasalan, tahimik na idinaos ang kasal nina Jason Webb at Claudine Trillo (isang model at TV host na dating girlfriend ni Zoren Legaspi). Ikinasal na rin si Rita Avila sa TV director na si Erick Reyes. Si Bojo Molina naman ay umamin na kasal na ito ng anim na buwan sa dating girlfriend na si Jen Kwe. Sa Guam sila naka-base kung saan nagtatrabaho si Jen bilang isang teacher at si Bojo naman bilang isang Administrative Aide ng Guam government.

May balak daw magpakasal sa 2004 si Rufa Mae Quinto at ang basketbolistang boyfriend nitong si Rudy Hatfield. Ganun din sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Bago matapos ang 2005 ay gusto ni Raymart Santiago na makasal na sila ni Claudine Barretto na anim na buwan niya ng gf. Balak niyang sa July 20 idaos ang kasal dahil birthday nilang dalawa iyun. Samantala ay nag-propose naman daw ang boyfriend ni Miriam Quiambao na si Klaudio, isang mayamang Italian businessman.

Na-annul na ang kasal ni Sherilyn Reyes sa asawa nitong si Junjun Santiago na kapatid nina Rowell, Randy at Raymart. Pero bago pa lumabas ang annulment ay may walong buwang anak na si Sherilyn sa basketbolistang si Chris Tan na hiwalay rin sa asawa nito. Si Sherilyn at Junjun ay may apat na taong gulang na anak.

 

Summer Hot Special with the HUNKS

Carlo

Bernard

Diether

The Hunks (Piolo, Jericho, Diether, Carlos, and Bernard)—with special guest performers—will have a “Summer Hot Special” show on June 28, 2003 at Velfarre in Roppongi, Tokyo. Tickets start at ¥6,000. For details please contact Viva Production at 03-5819-0123 or 03-5819-4884.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Mga pinag-uusapang love pairs

Summer Hot Special with the HUNKS

Japanese at Taiwanese connections

Nida Blanca murder case update

Business ng mga artista

Mga bagong showbiz mommies

Showbits

Conception: Parangal ng mga mang-aawit na Hapon para kay Stevie Wonder









Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net