Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Pampublikong tulong mediko para sa mga oberstey

Masao Ihashi
Solidarity with Foreign Migrant Workers
Ihashi44@ybb.ne.jp

SA KASALUKUYAN, isang napakabigat na suliranin para sa mga dayuhang oberstey ang gastos para sa pagpapagamot.

Kapag sila’y nagkasakit o nasugatan at nagpatingin sa duktor, sinisingil sila ng napakamahal. Dahil dito, tinitiis na lang nila ang kanilang karamdaman hanggang ito’y lumubha at kapag napilitan nang magpagamot ay pinapabayaan nila ang kanilang pananagutang pinansyal sa ospital.

Nakasalalay ang buhay ng tao sa serbisyo mediko. Naniniwala akong karapatang pantao ang tumanggap ng serbisyong mediko anuman ang kanyang nasyonalidad at estado ng visa. Subalit sa kasalukuyan, hindi pinahihintulutan ng pamahalaang Hapon ang pagsapi ng mga oberstey sa Pambansang Seguro para sa Kalusugan (Kokumin Kenko Hoken).

Ganunpaman, may ilang pampublikong tulong mediko na maaaring mapakinabangan ng mga oberstey. Hindi kailangang nakatala siya sa munipyo upang makinabang nito. Kahit makinabang siya sa sistemang ito, hindi siya isusumbong sa Tanggapan ng Imigrasyon. Kung mapatunayang walang kinikita, ang gastos ay sasagutin ng pamahalaan.

Ang pag-aaplay para sa mga serbisyong ito ay ginagawa sa Public Health Center (Hokensho) o sa Public Welfare Office (Shakai Fukushi Jimusho) ng munisipyo. Subalit marami sa mga tagapangasiwa rito ay hindi rin alam na may ganitong sistema sa ilalim ng batas, kaya mas mabuting magpasama sa mga miyembro ng non-governmental organization (NGO).

TULONG PARA SA INA’T ANAK

(1) Ang isang nagbubuntis ay maaaring tumanggap ng libreta para sa ina’t anak (Boshi Techo). Kapag mayroon nito, maaaring magpatingin sa duktor ng 2 beses habang nagbubuntis at 2 beses pagkatapos manganak nang libre.

(2) May mga nakatalagang ospital sa bawat prepektura para sa mga nanganganak na walang pera. Halimbawa, sa Ibaraki, ang nakatalagang ospital ay dalawa: National Mito Hospital (Kokuritsu Mito Byoin) sa Mito City at National Kasumigaura Hospital (Kokuritsu Kasumigaura Byoin) sa Tsuchiura City. Ang serbisyong ito ay tinatawag na delivery hospitalization (nyuin josan).

(3) Kapag ang bata ay ipinanganak na premature (o kulang ang timbang sa 2000 g) at kapag nangangailangan ng pagpapagamot ang batang hindi nagkakaedad ng isang taon. Ang serbisyong ito ay tinatawag na child-rearing medical care (yoiku iryo).

(4) Kapag may kapansanan sa katawan, internal organs, balat o nervous system ang isang batang hindi pa nagkakaedad ng 18 taon na nangangailangan ng operasyon. Ang tawag ng serbisyong ito ay child development medical care (ikusei iryo).

(5) Maaaring tumira nang pansamantala sa isang publikong shelter kapag nanganganib ang buhay dahil sa pananakit ng asawa at kapag may anak ngunit walang kabuhayan. Ganundin, maaaring iaplay sa shelter ang isang alila o batang iwanan ng mga magulang.

SA ORAS NG EMERGENCY

Kapag biglang nagkasakit o napinsala, tiyakin na tumawag sa 119 upang maihatid sa ospital sa pamamagitan ng ambulansya. Sa ganitong paraan, kapag walang pambayad ang maysakit, ang pagpapagamot ay sasagutin ng pamahalaan. Halimbawa, dito sa Ibaraki, sinasagot ng pamahalaan ang gastos hanggang \1 milyon hanggang sa pansampung araw ng pagpapaospital.

KAPAG NAPINSALA SA ORAS NG TRABAHO

Kapag napinsala habang nagtatrabaho, o habang papunta o pauwi galing trabaho, ang gastos ay sasagutin ng Seguro para sa Manggagawa (Rosai Hoken). Habang nagpapagaling, makakatanggap din ng 80% ng regular na sahod.

KAPAG NAGKASAKIT NG T.B.

Walang babayaran kapag naospital dahil sa T.B. (Ang dapat bayaran na 5% ay sinasagot na rin ng karamihan sa mga munisipyo.)

LIVING ALLOWANCE PARA SA MGA WALANG KABUHAYAN

Maaring tumanggap ng living allowance (seikatsu hogo) kapag walang trabaho ang isang dayuhan na may anak sa Hapon. Kasama rito ang araw-araw na pantustos at upa ng bahay, at matatanggap ito hanggang siya ay makahanap ng trabaho. Pati pagpapagamot ay sasagutin din ng pamahalaan.

Ang isang dayuhan na walang anak sa Hapon, walang hanapbuhay at walang matirahan ay maaaring mag-aplay ng tulong sa pamamagitan ng Batas para sa Nagkakakit na Manlalakbay (Korobyonin Ho). Kung may kaibigan kayong nagkasakit o namatay na walang pera, maaaring iaplay ng tulong sa ilalim ng batas na ito.

PAGBABAYAD NG HULUGAN AT TAWARAN

Kung alinman sa mga sistemang ito ay ipinalagay na hindi angkop sa kalagayan ng isang dayuhan, maaaring makipag-usap sa ospital upang ang pagbabayad ay gawin nang hulugan buwan-buwan.

Ang binabayaran ng isang kasapi sa Pambansang Seguro para sa Kalusugan ay \10 bawat 1 punto. Kapag mataas ang singil sa inyo ng pagamutan ay maaaring makipag-usap sa kanila na ipantay ang singil ayon sa ganitong kuwenta. (Isinalin mula sa wikang Hapon ni Benigno D. Tutor, Jr.)*

Back to top


We welcome our readers to contribute their articles to Philippines Today Online. If you would like to submit your article for posting at this section, please use our Submission Form.

 



Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

CONSUMER BEAT
Meteor Garden


FINESSE
Chupchuwariwap

HALF THE SKY
Of love and economics

POLICE BLOTTER
Masamang bisyo

SPECIAL FEATURES
Cyberpals: A scratch on the surface

Pampublikong tulong mediko para sa mga oberstey

Wow: Philippines

Making our migrant children love learning










Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net