 |
Showbits
-
 |
|
Kris Aquino
|
- As of presstime, hindi kumpirmado ang balitang nagpalaki
ng boobs si Kris Aquino courtesy ni Dr. Vicky Belo. Matagal
ng sinasabi ni Kris na gusto niyang maging size 36.
-
Isasali sa Fukuoka International Film Festival ang pelikula
ni Robin Padilla at Jacky Woo na Alab ng Lahi.
Kasama naman sa Karlovy Vary International Film Festival
sa Czech Republic ang Magnifico.
-
Kasama sa mga international releases ng Warner Bros.
ang Mga Munting Tinig at ng Columbia Pictures
ang The Debut (ang unang Filipino-American
na pelikula. Starring dito ang mga magkakapatid na Basco
- sina Dante, Dion, Darion at Derek na pawang sumisikat
sa Hollywood at American TV).
-
Pupunta raw sa darating na Makati Cinemanila International
Film Festival sa Agosto ang mga artistang may dugong Pilipino
na sina Lou Diamond Phillips, Tia Carrere at Rob Schneider.
-
Sampung taon ang kontrata na binigay ng Viva sa grand
prize winner ng talent show nitong Star For a Night
na si Sarah Geronimo. Balak ng Viva na gawin siyang isang
multi-media artist tulad ni Sharon Cuneta at Regine Velasquez.
-
Bumangga sa isang poste si Sunshine Dizon habang minamaneho
niya ang kanyang BMW ng alas dos ng madaling araw ng kanyang
birthday. Nasa mabuting kalagayan na raw ito maliban sa
mga sugat na natamo sa ulo at leeg at bali sa ibat
ibang parti ng kanyang katawan. As of presstime ay hindi
pa alam kung ano ang dahilan ng aksidente.
-
Naging extra si Teresa Loyzaga sa The Matrix Reloaded
at sa ipapalabas pang The Matrix Revolutions.
Gumanap siya bilang isang security guard.
- Manang-mana raw si Oyo Boy sa ama nitong si Vic Sotto
pagdating sa babae. Kelan lang ay nagbakasyon ito sa Australia
kasama ang (ex?) gf na si Anne Curtis at ipinahayag pa nila
ang kanilang pagmamahalan kahit break na sila. Ngayon ay
si Alessandra de Rossi naman ang kasa-kasama ni Oyo Boy.
- Ang Italian bf ni Miriam Quiambao na si Klaudio ay best
friend pala ng bf ni Mai-Mai Cojuangco. Pag hindi raw ito
maka-alis sa trabaho sa Hongkong para dalawin si Miriam
sa Pilipinas ay pinapahatid-sundo ng kanyang private jet
ang gf para ito na lang ang bumisita sa kanya sa Hongkong.
-
Hiwalay na si Martin Nievera sa gf nito ng pitong taon
na si Katrina Ojeda. Sinasabing si Cutie del Mar, isang
DJ, ang dahilan. Hiwalay na rin si Mahal sa bf nitong
si Jimboy.
-
Kasalakuyang nasa New York ang dating dancer na naging
boldstar na si Samantha Lopez, na mas kilala bilang si
Gracia ng Eat Bulaga. Nagtratrabaho siya bilang isang
bartender sa isang club. Nasa LA naman daw si DJ Mo (Mo
Twister) at nagli-live in umano sila ni Jeanette McBride.
-
Nag-asawa na at kasalukuyang buntis si Dimples Romana,
18 taong gulang. Buntis din ang dating Ms. Universe na
si Dayanara Torres sa pangalawang anak nila ng singer
na si Marc Anthony. Pati na rin ang sexy comedienne na
si Giselle Sanchez sa asawa nitong non-showbiz.
-
Usap-usapan ang mga tumalbog na tsekeng ibinayad ni Alma
Moreno sa mga artistang nag-guest sa birthday concert
nito. Balitang baon si Alma sa utang dahil hindi na siya
sustentado ng dating asawa nitong si Mayor Joey Marquez.
Samantala ay may plano raw mag-aral sa Ateneo si Alma.
Balak nitong kumuha ng kursong Public Administration.
-
Ang bagong boldstar na si Juliana Palermo, 18 taong
gulang, ay ang pinakabatang adviser ng isang sex column
sa FHM, Philippine Edition. Ipapalabas pa lang ang unang
pelikula nitong www.xxx.com.
-
Na-annul na ang kasal ni Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Binigay sa custody ni Aiko ang anak nilang si Andre. Samantala
ay may gf na raw si Jomari na isang Canadian na estudyante.
-
Balak tumakbo ni Mat Ranillo III sa susunod na eleksiyon
bilang congressman ng 2nd district ng Dipolog City.
- Balik-showbiz si Lloyd Samartino na hiwalay sa asawang
si Jo Ramos. Kasama siya sa isang soap opera sa GMA. Gusto
namang bumalik sa pag-aartista ang dating bold star na si
Criselda Volks. Nahinto ang career nito ng mabuntis ni Cris
Villanueva. Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila.
Back to top
Camilla
Like mother, like daughter
Marahil ay hindi pa narinig ninuman ang pangalang Camilla,
isang mang-aawit na kadi-debut lang sa Korea kamakailan. Siya
ay ang pangalawang anak na babae ni Patti Kim, na katulad
ni Pilita Corrales ng Pilipinas at Francis Ipo ng Hongkong
ay nakilala bilang mang-aawit sa buong mundo, lalo na sa Japan,
America at Southeast Asia.
Si Patti Kim ay ilang beses ding nagtanghal
ng konserto sa Pilipinas kaya siya ay kilala ng mga taga-industriya
ng musika doon.
Si Camilla ay anak ni Patti sa pangalawang
asawa niyang Italiano na si Armando Guedini. Dahil nanirahan
si Camilla nang matagal mula kabataan sa ibayong dagat ay
mahusay siyang magsalita ng Igles at Italiano. May taglay
siyang magandang mukha na madalas inihahambing kay Brooke
Shields.
May masayahing disposition ng kanyang Italyanong
ama at mala-anghel na boses ng kanyang ina, sa katauhan ni
Camilla ay tinatayang isisilang ang isang superstar. Sa katunayan,
kasulukuyan siyang tampulan ng pansin ng mass media sa Korea.
Bagay na bagay sa isang sumisikat na katulad niyang maging
paksa ng usap-usapan sa tag-init nitong taon.
Ang kanyang debut album na pinamagatang Camilla:
Introspect (SRCD-3672) ay binubuo ng 16 ibat-ibang uri
ng kanta na karamihan ay mellow rock ballad. Ginagamit niya
ang wikang Ingles at Koreano. Naihahalintulad ang istilo niya
kay Utada Hikaru sa paggagamit ng wikang Ingles at Hapon at
sa tindi ng kanyang expressive power. Ganundin, ang ritmo
ng kanyang musika ay pinaghalong Italian pop at bossa nova.
Tunay ngang lumalabas sa katangi-tanging musika ni Camilla
ang dalawang dugo na nananalaytay sa kanya.
Si Hideo Kawakami ay isang sikat na
music critic sa Japan. Ang artikulong ito ay isinalin mula
sa wikang Hapon ni Benigno D. Tutor, Jr.
Back to top
Page 1
2 3
|