|
Ciara Sotto at Jessica
Rodriguez, muntik na
 |
|
Ciara Sotto
|
Sinugod kamakailan sa ospital si Ciara Sotto
dahil na-overdose ito ng sleeping pills. Hindi na ito makatulog
dahil sa sunod-sunod na trabaho kaya uminom ito ng pampatulog.
Hindi umepekto ang isang tableta kaya dinamihan niya.
Dahil dito ay naglabasan ang intrigang nagtangka raw itong
mag-suicide dahil sa matinding selos sa bf nitong si John
Lloyd Cruz at sa ka-love team na si Bea Alonzo. Hindi rin
daw makayanan nito ang pagtanggi ng mga magulang sa bf dahil
hindi ito galing sa isang de buena na pamilya.
Lahat ng mga ito ay pinabulaan ng isang official statement
na galing sa ABS-CBN Talent Center. Sa nakaraang birthday
ni Ciara ay pinakita din ng dalawa kung gaano katatag ang
kanilang relasyon.
Samantala ay muntik ng matuluyan ang talent manager na si
Jessica Rodriquez habang ipinanganak nito sa pamamagitan ng
caesarean section ang baby nilang si Breanna Sophia ng asawang
si David Buenvacz. Nawalan ito ng maraming dugo habang inooperahan
kaya ginawan ito ng blood transfusion at tinanggal ang kanyang
uterus. Naging maselan ang pagbuntis ni Jessica dahil tatlong
buwan din siyang naratay sa hospital bago isinilang ang pangatlong
anak (nakadalawa siya sa dating ka-relasyon na si Benedict
Aquino).
Chinovelas, in na in
Dahil sa labis na popularidad ng Meteor Garden
sa ABS-CBN, di nagpahuli ang GMA at nagpalabas ng tatlong
chinovela. Ito ay ang MVP Valentine, Lavender
at The Poor Prince. Tampok sa MVP Valentine
ang tinaguriang NSYNC of Asia, ang grupong 5566.
Samantala, sinakyan ng talent manager na si Douglas Quijano
ang kasikatan ng F4 at nagbuo siya ng sariling boygroup na
tinawag niyang G-4 or Guapo Forever. Inaasahan ni Douglas
na maging kasing-sikat ni Richard Gomez at ang mga bench models
niyang alaga na si Jomari Yllana at Wendell Ramos ang G-4.
Back to top
Page 1
2 3
|