Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Richard vs. Jinggoy, Eula vs. ex-live-in partner

Richard Gomez

As of presstime, hindi pa rin nagka-ayos sina Richard Gomez at Jinggoy Estrada pagkatapos magsampa ng kaso si Richard laban kay Jinggoy dahil sa pagbatok nito sa kanya pagkatapos niyang ma-headbutt si Caloy Salvador, ka-teammate ni Jinggoy sa kanilang basketball team. Wala raw halong pulitika ang pagsampa ni Richard ng kaso. Meron lang daw siyang reputasyon na dapat protektahan bilang isang aktor at international na sportsman.

May ibang kampo na nagsabi na pikon lang daw talaga si Richard dahil nakabanggaan na nito sa dating Star Olympics sina Bong Revilla, Philip Salvador at Robin Padilla. Pero ayon naman kay Richard, marami na raw siyang sinalihan ng international competitions pero hindi naman daw siya naging pikon. Normal lang daw ang mga ganung balyahan sa basketball kaya sana raw ay “foul” count na lang ang nangyari, hind batukan.

Kahit nagbigay na si Jinggoy ng public apology ay hindi pa rin ito matanggap ni Richard. Madali lang daw ang magbigay ng apology sa TV pero mahirap daw ang personal na paghingi ng paumanhin. Samantala ay hindi pala ito ang naging unang engkwentro ng dalawa. Mga ilang taong nakaraan ay muntik na raw magsuntukan ang mga ito ng minsang magkita sa Bistro Lorenzo. Hindi lang natuloy ang away ng dalawa dahil napigilan sila ng kanilang mga kaibigan.

 

Eula Valdez

Samantala ay balak ni Eula Valdez na magsampa ng kaso laban sa dating ka-live-in na si Ronnie Quizon dahil sa pambugbog nito sa siyam na taon nilang pagsasama. Nagsalita na si Eula matapos magpa-interview ni Ronnie sa TV kung saan sinabi nito na kaya sila naghiwalay ay dahil may karelasyon na ito habang sila ay nagsasama pa. Ang lalaking tinutukoy ay si Richard Litonjua, isang engineer sa Australia na pinsan ni Sharmaine Suarez at bf na ngayon ni Eula. Eto pa ang ibang akusasyon ni Ronnie: lesbian daw si Eula, sinasaktan nito ang sarili at pinapalabas na si Ronnie ang may kagagawan nito, baka raw hindi siya ang ama ng anak nilang si Miguel, lumaki na raw ang ulo nito dahil sa kasikatang tinatamo nito sa teleserye at “may toyo” raw ito. Lahat ng ito ay pinabulaan ni Eula pero ayaw niya ng magsalita hangga’t hindi pa siya pormal na nagsampa ng kaso. Sinabi ni Eula na magkikita na lang sila sa korte ni Ronnie at doon na lang niya ilalabas ang baho nito. *

 

Mga suspendidong television hosts

Isang linggo ang suspension na pinataw ng ABS-CBN kina Willie Revillame at John Estrada sa programa nilang Magandang Tanghali Bayan (MTB). Ito ay dahil sa mga reklamong natanggap ng network tungkol sa pagbanggit ng dalawa ng salitang BJ (o blowjob) at Jack Call (o “jakol” na ibig sabihin ay “masturbation”). Kasama na rin dito ang pagpansin ni Willie na may “cleavage” na raw si Mahal. Pagkatapos ng suspension ay nagsabi si Willie at John na simula raw ngayon ay “good, clean fun” na raw ang ihahatid nila sa manonood.

Naging strikto na rin ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Pina-reformat nila ang live comedy show ng GMA na “Nuts Entertainment” dahil sa paggamit ng mga birong nakakainsulto at may dalawang kahulugan. Ito rin ang dahilang kung bakit nagbigay sila ng order sa Eat Bulaga na magpadala ng taped episodes ng isang buwan dahil sa mga reklamong natanggap.

Samantala ay isang taong suspension ang binigay ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) kay Rossana Roces at sa GMA dahil sa panayam nito kay Paolo Fabregas noong 1999. Bulgar daw ang interview dahil sa mga tanong ni Rosanna na “highly suggestive” at sa naging aksiyon nitong malaswa ng dinikit nito ang mukha ni Paolo sa kanyang dibdib.

Si Alma Moreno ang pangsamantalang pumalit kay Rosanna sa showbiz talk show nito. *

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Richard vs. Jinggoy, Eula vs. ex-live-in partner

Mga suspendidong television hosts

Ciara Sotto at Jessica Rodriguez, muntik na

Chinovelas, in na in

Showbits

Camilla
Like mother, like daughter








Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net