Take Home
May dalawang magkumpare ang naghuhuntahan.
Man 1: Pare asar ako sa misis ko.
Man 2: Bakit naman?
Man 1: Pano ayaw niya na dinadala ko ang trabaho ko
sa bahay para doon ko tapusin.
Man 2: Tapos
Man 1: Syempre mas mabuti na sa bahay na lang ako nag-o-overtime
kaysa nasa labas ako. Baka mag-good time pa ako nyan.
Man 2: Ano bang trabaho mo?
Man 1: Imbalsamador.
Tatlong Matatanda
May tatlong matatandang nagkuwekuwentuhan kung sino sa kanila
ang may pinaka-malaking problema sa health.
Sabi nung 70 anos, Ako tuwing 7:30 ng umaga, kailangan
kong bumangon para umihi pero isang oras ako sa banyo dahil
patak-patak lang ang lumalabas sa ihi ko.
Walang sinabi yan, sabi nung 80 anos, Tuwing
8:30 ng umaga, kailangan kong magbawas ba, pero
mahigit isang oras ako sa banyo, dahil lagi akong tinitibe
(constipation), napakasama talaga.
Sabi naman nung 90 anos, Kayong mga kabataan, akala
ninyo may problema kayo, tuwing 7:30 ng umaga, umiihi ako
na parang kabayo at pag 8:30 naman, nagbabawas ako na parang
baboy, eh ang problema ko, 9:30 ako nagigising!
Back to top
Buwaya
May mag-inang Buwaya na nasa ilalim ng tulay. Gutom na gutom
na ang anak na buwaya kayat nag sabi ito sa inang buwaya.
Baby Buwaya: Inay, gutom na gutom na ako. Kakainin ko na
ang unang tao na mag dadaan sa tulay na ito.
Nanay Buwaya: Sige, anak.
Baby Buwaya: (Nang makita ang isa pari na tatawid sa tulay)
Inay! Inay, kakainin ko na ang isang ito.
Nanay Buwaya: Huwag anak. Mabait iyan. Pari iyan. Nagtuturo
iyan tungkol sa mga pangaral ng Diyos. Tiisin mo na muna ang
gutom mo. Hintayin mo na laang ang susunod na magdadaan sa
tulay.
Baby Buwaya: (Nakita ang isang teacher na patawid sa tulay).
Inay!! Inay, gutom na ako talaga. Kakainin ko na ang isang
ito.
Nanay Buwaya: Huwag anak. Mabait iyan. Nagtuturo ng mga bata
iyan para maging matalino. Intayin mo na laang ulit ang susunod.
Baby Buwaya: (matapos makita ang isa Pulis na patawid ng
tulay). Inay!!! Inay, gutom na gutom na ako talaga. Hindi
ko na palalagpasin ang isang ito. Talagang talagang kakainin
ko na ito.
Nanay Buwaya: Anak, Ulol ka ba!!! MAS BUWAYA PA SA ATIN IYANG
HAYOP NA IYAN EH, kakainin mo!!!
Back to top
Ibig sabihin ng INRI
Matapos mamatay si Pres. Ferdinand Marcos ay nagkita sila
ni Ninoy sa langit. At sa langit, nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ninoy: O, Macoy! Nauna ako sa iyo dito, kaya't dito ay ako
ang masusunod.
Macoy: Hup! Easy ka lang Ninoy. Nakikita mo ba ang nakalagay
sa ibabaw ng Cross na iyan? INRI. Alam mo ba ang ibig sabihin
niyan?
Ninoy: Hindi, bakit ano ba ang ibig sabihin niyan?
Macoy: (I) Ilocos (N) Norte (R) Region (I) One. Ibig sabihin
teretorio ko ito. Sino ngayon ang masusunod? Ikaw o ako?
Back to top
Pedro, Juan and Erap Luncheon
Pedro, Juan and Erap eat lunch together everyday. For a
year everyday they have the same kind of lunch; Pedro has
adobo, Juan has pinakbet and Erap, tuna sandwich.
Today, Juan says pagod na akong puro pinakbet na lang
araw-araw ang lunch ko, tomorrow pag panakbet pa rin tatalon
na lang ako sa Pasig.
Ako rin, says Pedro, pag adobo parin ang
ulam ko bukas, mabuting pang tumalon na lang ako sa Pasig.
Not to be outdone Erap says Me too, Im tired
of tuna sandwich everyday. If I have this again tomorrow tatalon
din ako.
The next day, Pedro opens his lunch box and finds dinuguan
and puto. He is so happy of the change. Next, Juan opens his
and finds bistik. Ay, salamat po, says Juan. Erap
opens his and sees that he has tuna sandwich.
Looking dejected biglang tayo siya at tumalon sa ilog Pasig.
Pedro looks at Juan at medyo umiling and says, Hindi
ko naman maintindihan si pareng Erap, eh, siya ang gumagawa
ng lunch niya.
Back to top
Erap and Jingoy
JINGGOY: Dad, ano nga palang tawag sa damit pangbuntis?
Fraternity dress?
ERAP: Tanga, panlalake yon. Sorority Dress dapat.
ERAP: Soli ko tong nabili kong VHS tape.
CLERK: Anong problema?
ERAP: Walang picture saka sound. Sayang, suspense thriller
pa yata.
CLERK: Anong title?
ERAP: Head Cleaner.
JINGGOY: Pa, nood tayo ng Apollo 13.
ERAP: Ikaw na lang, hindi ko pa napanood ang 1-12. Hindi ko
lang yan maiintindihan.
Back to top
Man to the Sun
CHINA: In year 2000, we send our man to space ...
RUSSIA: In year to 2000, we send our man to the moon...
USA: In year 2000, we send our man to Mars...
ERAP: In year 2000, we send our man to the Sun...
OTHERS: Thats impossible!
ERAP: Stupid! We will land at night!
Back to top
Araw o Mundo
Isang gabing kabilugan ng buwan meron dalawang lasing na
nag uusap
LASING 1: Pare, ang laki ng ARAW noh
LASING 2: Pare, hindi araw yan
MUNDO yan..
LASING 1: Pare, ARAW sabi yan, eh.
LASING 2: Sabi nang mundo yan eh..
(Sakto naman may papadaan ng isang lalaki)
LASING: 1 Sige, pare, para walang away itanong natin sa
nagdadaan, okey?
LASING 2: Sige, pare.
LASING 1: Ahh.. Manong pwede po bang magtanong?
Ano po ba yan (sabay turo sa
taas) ARAW O MUNDO?
MANONG: Naku, pasensha na kayo mga amang at hindi ako taga
rito. Dayo lang ako
Back to top
Probinsyano sa Taxi
Si Pedro ay inutusang lumuwas ng Maynila ng kanyang ina
upang sunduin ang isang kamag-anak.
Ina: Pedro ikaw ay wag tatanga-tanga sa Maynila. Maraming
manloloko doon.
Pedro: Inay naman, alam nyo namang wais (wise) itong anak
nyo. Di nila ako basta basta maloloko doon.
At lumuwas nga ng Maynila si Pedro. Pagbaba niya ng bus sa
terminal, pumara siya ng taxi.
Pedro: Taxiiiiiiii....(tumigil ang taxi). Ahhh mama, sa Caloocan
ho tayo...
Driver: Okey boss.
Pag-upo ni Pedro sa taxi napansin niya na ang unang patak
ng metro ay 20 pesos kaagad.(Taka) Napaangat sa pagkakaupo
si Pedro. Napatingin siya sa metro ng taxi.
Driver: Ehhh, boss, upo kayo baka mangalay kayo diyan.
Pedro: Okey lang (ayaw magpahalatang promdi).
Habang nakaangat sa pagkakaupo si Pedro napansin niya na
piso lang ang patak ng metro. So hanggang makarating sa pupuntahan
ganon ang puwesto niya. Tumigil ang taxi.
Driver: Ehh boss, 40 pesos lahat.
Nagbayad si Pedro.
Pedro: Uhhhhh. Buti na lang di ako naloko ng driver. Kung
umupo ako ng ayos, malamang ay malaki ang bayaran ko. Naisahan
ko siya dun ah...
Back to top
Isang Tanong Isang Sagot
Q: Anong tawag mo sa sex organ ng matandang
babaing multo?
A: Spooky!
Q: Bakit hindi makapaglaro ng basketball ang mga elepante?
A: Kasi, walang bilog na Nike!
Q: Anong bagong tawag kay Batman at Robin matapos silang
masagasaan ng pison?
A: Flatman at Ribbon
Q: Paano namatay si Cinderella?
A: Pagkagat ng midnight, yung kaniyang tampon, naging pumpkin.
Q: What alcoholic drink in the USA was popularized by an
Ilocano?
A: Harvey Wallbanger
Q: Kung ang maliit na palanggana ay palangganita, ano ang
maliit na batya?
A: Tansan!
Q: Bakit tinanggal ni Pres. Ramos yung mga sundalong nagbabantay
kay Rizal sa Luneta?
A: Eh hindi naman daw tumatakas si Rizal.
Back to top
Ano ang Tawag!
Sa school canteen, nagpupustahan ang magkaibigan habang
nagmemeryenda.
KOKOY: Ano ang tawag sa tinuhog na baboy
MGA KAIBIGAN: Barbecue!
KOKOY: Ano naman ang tawag sa tinuhog na kamote...sa mga saging?
MGA KAIBIGAN: Kamotecue
Bananacue!
KOKOY: Ang gagaling pala ninyo. Ngayon ito ang tanong ko ay
hindi na ninyo masasagot. Ano naman ang tawag sa tinuhog na
tubig?
MGA KAIBIGAN: Mayroon ba non?
KOKOY: Mayroon siyempre
MGA KAIBIGAN: E, di tubig cue or watercue
KOKOY: Mali pa rin
MGA KAIBIGAN: E, ano?
KOKOT: E, di ice drop!
Ang Tanong
Q: Bakit hindi maka pag college ang elepante?
A: Kasi hindi pa sya nag e-elementary at high school.
Q: Ano ang susunod sa 2,4,7 and 9?
A: 13
Channel 2, Channel 4, Channel 7, Channel 9, Channel
13.
Q: What do you call a female shrimp?
A: Shepon
Q: Bakit walang emergency 9-11 sa Pilipinas?
A: Kasi hindi nila mahanap ang number 11 sa telepono.
Q: Anong gas ang masakit sa katawan?
A: Gastos.
Q: Eh anong art naman ang masakit sa katawan?
A: Eh di, arthritis.
Q: Ano ang tangang bakla?
A: Yung me gusto sa babae.
Q: Ano ang pinakamagulong araw sa Olongapo?
A: Fathers Day
Q: Nung nagka-anak si Superman at Superwoman, ano ang pangalan
ng anak nila?
A: Eh, di Superkid.
Q: Eh, nung nagka-anak naman si Batman at Batwoman, anong
naging pangalan nung anak nila? Ano?
A: Antonia!
Q: Bakit?
A: Eh yun ang gusto nila, magagawa mo...
Q: Ano ang kaibahan ng conclusion sa opinion?
A: Conclusion ay kung sarado yon, eh kung bukas yon, eh de
opinion.
Back to top
|