 |
Showbits
-
 |
|
KC Concepcion
|
- Pinapalabas daw sa Kenya, Africa ang isa sa mga telenovela
natin na nagtatampok kay Kristine Hermosa.
- Dahil sa kasikatan ng Meteor Garden, balitang P1M bawat
araw ang kinikita ng ABS-CBN dahil sa mga commercials.
- Binigyan ng award si Bong Revilla ng Motion Pictures Association
of America dahil sa masugid na kampanya nito laban sa piracy.
- Bago umalis si KC Concepcion para mag-aral sa isang American
University sa Paris ay nag-shoot ito ng dalawang commercials
(pH Care at Palmolive Naturals Shampoo) at naging guest
VJ ng MTV. Magiging weekly columnist din siya ng Inquirer.
- Binili na ni Tonyboy Cojuangco, live-in partner ni Gretchen
Baretto, ang ABC Channel 5 sa halagang P5B.
- Ka-M.U. (mutual understanding) ni Kaye Abad ang lead vocalist
ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
- Dalawang taon na palang mag-bf si Ryan Eigenmann (panganay
ni Michael de Mesa at Gina Alajar) at ang newscaster na
si Reema Chanco.
- May asawa na pala ang dating ABS-CBN star na si Tracy
Vergel, anak ni Beverly Vergel. Nagtapos ito sa US at doon
na nag-asawa.
- Totoo kayang mag-on na sina Anne Curtis at Richard Gutierrez?
- Buntis si Pia Pilapil at hindi alam kung sino ang ama
kina Wendell Ramos o Gerry Gonzalo na asawa nito.
- Pagkatapos ma-operahan ng hysterectomy noong 1997 dahil
sa sakit na cervical cancer ay na-diagnose naman ng colon
cancer si Joey Albert. Si Nestor de Villa naman ay may cancer
of the stomach.
- Mga yumaong artista: Vic Vargas, 64; Cesar Ramirez (asawa
ni Alicia Vergel at ama nina Ace at Beverly), 78 at Oscar
Moreno (ama ni Boots Anson Roa), 82.
- Sa 2004, balak ni Sharon Cuneta na magpahinga ng isang
taon para mabuntis siya uli.
- Inamin ng sexy aktor na si Carlo Maceda na isang pari
ang ama nito. Nahihirapan daw siyang tanggapin ang katotohanang
ito hanggang ngayon.
Back to top
Bossa Nova para sa tag-init
Sa tag-init ng taong 2003, nais
kong ipakilala sa inyo ang isang bossa nova album na nagtataglay
ng katangiang nakakaantig ng puso, malamig, at bahagyang malungkot
subalit punung-puno ng buhay.
Pinamagatang Bossa Nova (Sony Records), ang album na ito
ay inilabas noong Marso ni Yoshiro Nakamura. Siya ang tanging
musikero na patuloy na tumutugtog ng uri ng musikang ito sa
kasalukuyan, maging sa bansang Brasilia na pinanggalingan
ng bossa nova kung saan itoy unti-unti na ring nawawala.
Pinupuri ng mga kritiko, si Nakamura ay tinaguring tanging
maestro ng bossa nova na isinilang sa bansang Hapon. Noong
taong 1977, si Nakamura ay tumulak ng Brasilia at sa loob
ng 3 taon ay nagliwaliw at nag-aral doon at sa ibang bansa
ng Timog Amerika. Natuto siya ng gitarang bossa nova sa mga
naging kaibigan niyang tagaroon.
Noong panahong iyon, sumulat din siya ng orihinal na komposisyon
sa wikang Portuges. Nang umuwi na siya sa sariling bansa,
bumuo siya ng sariling grupo, lumahok sa maraming pang-musikang
pagdiriwang na siyang naging simula ng kanyang masiglang buhay-musika
sa kasalukuyan.
Noong dekada 90, siyay nakapaglabas na rin ng dalawang
album sa Brasilia. Marami siyang tagasubaybay hindi lamang
sa bansang ito kundi maging sa ibang bansa dahil sa kanyang
velvet voice na mapino ang pagkakontrol at sa
kanyang gitarang natutunan sa lugar-kapanganakan ng musikang
ito.
Naging kaibigan niya ang mga sikat ng pop singers sa Europa,
kasama na ang Pranses na si Pierre Baleau. Nagkaroon din siya
ng collaboration sa mga artistang ito sa pagprodyus ng album.
Si Hideo Kawakami ay isang sikat na
music critic sa Japan. Ang artikulong ito ay isinalin mula
sa wikang Hapon ni Benigno D. Tutor, Jr.
Back to top
Page 1
2 3
|