Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

 

Diether Ocampo, dalawa pa, kinasuhan ng estafa

 

Diether Ocampo

Kinasuhan si Diether Ocampo, ang talent manager na si Deo Adrinal at ang business partner nila sa dating restaurant na Cilantro, ng kasong estafa at paglabag sa Bouncing Check Law. Ang nag-file ng kaso ay ang supplier nila ng French fries na nagsabing di nila binayaran ang utang nilang P10,000.

Nagsampa ng kaso si Kearney Almarillo, dating vocalist ng Mulatto band, laban sa dating kasamahan na si Kenneth dahil ni-rape daw siya nito at ang bunga ay ang kanyang bunsong anak. Si Kenneth ay bf ngayon ni Jacklyn Jose.

Sinampahan ng kasong kriminal si Pia Pilapil ni Jose Jo Sullano, kaibigan ng asawa ni Pia na si Gerry Gonzalo, matapos nito tinangkang sagasaan ang asawa at ang dalawa nitong kaibigan (si Jose at asawa nitong si Rowena). Nagsimula ang lahat ng sunduin ng mag-asawang Jose at Rowena si Gerry para magpunta ng gym. Pinigilan ni Pia ang asawa pero tumuloy pa rin ito. Nang sumakay na si Gerry sa Ford Escape ng mag-asawa ay hinabol sila ni Pia na dala ang sariling kotse.

Habang hinahabol nito sina Gerry ay binangga nito ang likod ng Ford Escape. Nang makarating sila sa bahay ng mga Sullano at habang sinasara ni Jose ang gate ay pilit na pumasok si Pia. Nasira niya ang gate at tumamo ng mga sugat si Jose. Muntik na rin nitong masagasaan ang asawang bulag pero buti na lang at nahila nila si Gerry at naligtas sa kapahamakan. Tumigil lang si Pia ng bumangga ito sa isang puno. Inaresto siya ng mga pulis pero pinakawalan din dahil i-imbestigahan pa raw ang kasong sinampa laban dito.

Nagpahayag ang GMA na hindi pala suspendido si Rosanna Roces dahil sa isyu ng interview nito kay Paulo Fabregas. Siya ay binigyan lamang ng “reprimand”. Meron din palang isa pang kaso si Rosanna sa KBP at ito ay ang pagpakita ng isang parte ng kanyang concert sa showbiz talkshow nito. Dahil may pagka-malaswa ang dating ay namultahan siya ng P10,000.

Na-dismiss ng Regional State Prosecutor’s Office dahil sa mga teknikalidad ang kasong sinampa ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin laban kay Crisanto Rances na inakusahan niya ng pambabastos.

 

Liposuction at iba pang showbiz beauty secrets

Kris Aquino nagpalaki ng boobs?

Inamin ni Kris Aquino na nagpa-lipo siya pero hind niya sinabi kung saang parte ng kanyang katawan. Hindi rin kumpirmado kung nagpalaki siya ng boobs pero base sa nakikita sa TV at sa kanyang mga seksing pananamit ngayon ay mukhang nagpadagdag siya. Bulong-bulungan rin ang biglang pagkaroon ng cleavage ni Vina Morales na napapansin sa mga sexing damit nito sa teleserye niyang “Darating ang Umaga”. Ang isa pang sinasabing nagpalaki ng boobs ay si Nancy Castiglione.

Kapansin-pansin rin sa mga bagong posters ni Pops Fernandez para sa kanyang Pipay fashion line ang biglang pag-flat ng tiyan nito. Sinasabing nagpa-lipo ito sa isang clinic sa abroad kung saan ito nagpa-breast augmentation ilang taon na ang nakaraan.

Hindi kumpirmado kung nagpa-hydrogel butt (pagdagdag ng puwet) din si Kris Aquino kay Dr. Vicky Belo pero ito rin ang balak ni Katya Santos na gawin matapos ang kanyang pagpa-lipo. Balak din ni Katya na pagpadagdag ng balakang para daw maging proportion ito sa boobs niyang 36 inches.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Mga racket, hobbies, atbp. ng mga artista

Kasalan, hiwalayan at iba pang intriga

Diether Ocampo, dalawa pa, kinasuhan ng estafa

Liposuction at iba pang showbiz beauty secrets

Showbits

Bossa Nova para sa tag-init








Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net