|
Mga racket, hobbies,
atbp. ng mga artista
Blow ang pangalan ng rock band
na binuo ni Diether Ocampo kung saan siya ang lead vocalist.
Kalalabas lang nila ng kanilang first album na pinamagatang
Blow! Nice and Hard.
Meron nang 16 branches ng Ystilo Beauty Salon si Vina Morales
at magbubukas pa raw siya ng 15 pa. Maliban dito ay meron
din siyang poultry business at isang warehouse ng Coke sa
Cebu City.
May negosyong isang family salon ang mag-asawang Romnick
Sarmenta at Harlene Bautista na tinawag ilang Mom, Dad
and Me salon.
Ang dating childstar na si Jaypee de Guzman, 25, ay may
sarili nang kumpanya Dimensions Creative Works. Lima
silang magkakaibigan ang nagtayo nito at siya ang Production
and Marketing Director.
Si Tessie Tomas ay Public Relations Officer at Board of
Trustees ng Community and Family Services International (CFSI).
Ang layunin ng NGO na ito ay para suportahan ang mga pamilyang
lumikas o internally displaced persons (IDPs)
dahil sa giyera, katulad sa Central Mindanao.
Nanalo ng first place sa Fordlynx Car Racing Circuit sa
Batangas kamakailan si Dominic Ochoa.
Kasalan, hiwalayan at iba pang intriga
Balak na ni Hans Montenegro at Maritoni Fernandez na magpakasal
sa May 2004.
Tuloy na tuloy na ang kasal ni Lea Salonga at Robert Chien
sa January 2004 sa Los Angeles. Ang ABS-CBN ang may exclusive
coverage nito.
Naghiwalay na si Angelika dela Cruz at Victor Neri. Break
na rin daw si Borgy Manotoc at ang model-VJ gf nito na si
Sarah Meier. Nagkahiwalay si Mico Palanca at Joyce Jimenez
pero sinabing nagkabalikan na rin daw sila.
Malapit na raw maghiwalay ang mag-asawang Snooky Serna at
Ricardo Cepeda. Samantala ay hindi naganap ang kasal nina
Melissa Mendez at J.C. Castro at tuluyan na silang nagkahiwalay.
 |
|
Lea Salonga
|
Nagkahiwalay pero nagkabalikan na rin daw si Niño
Muhlack at ang asawa nitong Si Edith. Nag-alsa balutan daw
si Edith dahil may nabuntis si Niño. May intriga rin
na sinasaktan nito ang si Edith at meron daw itong masamang
bisyo.
Iniintriga naman ang pagsasama ni Ogie Alcasid at Michelle
Van Eimeren. May kumakalat na tsismis na naghiwalay na raw
sila dahil nabuntis ni Ogie si Regine Velasquez. Hindi raw
ito totoo ayon kay Ogie.
Kapansin-pansin na hindi na ganun katigas mag-deny si Ara
Mina pag tinatanong siya tungkol kay Jomari Yllana matapos
lumabas ang annulment nito kay Aiko Melendez. Samantala ay
baka mauwi sa labanang pulitika ang love triangle na ito dahil
may posibilidad na baka maglalaban bilang kongresista sa District
2 ng Quezon City si Aiko at ang ama ni Ara na si Congressman
Chuck Mathay. Binigyan si Aiko hanggang Oktubre ni Q.C. Mayor
Sonny Belmonte na mag-desisyon. May ginawa kasing survey sa
distrito nila at lumabas na maraming may gusto na maging kongresista
si Aiko.
Nagkaroon ng konting bleeding si Ruffa Gutierrez dahil sa
isang artikulo na lumabas sa YES! Magazine tungkol umano sa
isang Selen Gorguzel na nagsabing siya ang unang asawa ni
Yilmaz Bektas. Tinawagan raw ni Selen ang magazine para sabihin
na silang mag-asawa kasama ng kanilang anak ang nakatira sa
mansion na sinasabi ni Ruffa na pinatayo ni Yilmaz para sa
kanya.
Pagkatapos ng insidente ay pinabayaan na lang ni Ruffa ang
intriga dahil sinabihan daw siya ni Yilmaz na siya lang raw
ang nag-iisang asawa nito at mahal na mahal daw siya ni Yilmaz.
Back to top
Page 1
2 3
|