They say that ones horizon broadens when one leaves
the kitchen and goes outside the palatial gates. Ang paggala
sa labas ng bansang kinagisnan, leaving the so-called homely
comforts. And us being a country of migrants, this is especially
true. Ang ating lahi ay kung saan-saan na napapadpad. With
different stories, experiences and strokes of life. Halong
galak, tuwa, dighay, lungkot at hinagpis. Not just a walk
in the park. Experiences may differ but we do share one commmon
migrants story. Na parang hinabing kumot kung ating
pagdugtung-dugtungin ang mga hibla ng ating mga kwento.
Humigit kumulang sampung porsyento (10%) na ng ating populasyon
ang nasa labas ng bansa. It is estimated that 3 to 4 million
Pinoys are here in the US (not counting the illegal aliens).
A good number can be found in the metropolitan cities like
San Francisco, Los Angeles, New York at Chicago.
According sa Census 2000 ng US, mataas na bilang ng mga
Pinoys ang naninirahan sa ngayon sa California, most noticeably
sa Southern California area (San Diego, National City, Daly
City), na malapit sa border ng Mexico. Maraming mga 3rd and
4th generation Pinoys cluster in these Filipino-infested geographical
areas of the west coast. Mga apo ng mga Manong.
Manong ang tawag sa migrant workers na Pinoy
na tumungo sa Amerika, mula Pilipinas during the decades of
20s and 30s. Naunang tumuntong sa isla ng Hawaii
at nagtrabaho sa malapad na pineapple and sugarcane plantations.
Pumunta ng mainland USA at nagtrabaho bilang mga tagatanim
at harvesters ng gulay at prutas (broccoli, apple, kamatis,
atbp.) sa California. Ang iba naman ay tumungo sa malamig
na estado ng Alaska at naging trabahador sa canning factories.
Malupit at mapait ang buhay na sinapit ng mga manongs.
Exploitation, racism at discrimination sa mga uring manggagawang
migrante. May mga riots at race-related hate crimes na kasama
sa mapait na dagok ng lungkot at luha at pagnanais na maiahon
ang buhay ng mga naiwan sa Pilipinas. May mga kainan na may
mga nakapaskel na Dogs and Filipinos NOT allowed.
Points of segregation and biases.
Marami na ang na-research tungkol sa mga manongs
during these lean years of travesty. I still have to read
the book America is in the Heart na sulat ni Carlos
Bulosan. Bulosan is a manong himself. Naging aktibo
din siya sa labor sector and union organizing ng mga panahong
iyon. I am just glad na I was able to watch one play that
was also written by Carlos BulosanThe Romance
of Magno Rubio. The play was staged here by one Filipino
Theater Group based in New York CityMA-YI. It must be
noted that MA-YI is the name Chinese traders called our archipelago
long before the colonizing Spaniards and Fray Botods came.
I recently heard that this play is being staged right now
in the Cultural Center of the Philippines, under the tutelage
of MA-YI.
Magpahanggang-ngayon, ang ating uri ay patuloy na nakikihamok
sa ibang bansa. Tinitiis ang gutom, hirap, at lungkot ng pagkawalay
sa pamilya. Kahit saan, naroroon ang Pinoy. Kahit sa Liberia,
may news na 2 Pinoy ang nakidnap at ipinapa-ransom (nakalaya
na kaya ang mga yun?). Pinay ang asawa ng isa sa mga
suspek sa Oklahoma bombing na si Nichols. Taksi driver ang
isang Pinoy sa malamig na lugar ng Barrow, Alaska (is it the
northernmost city of the US?). Mass eviction of illegal Pinoys
sa Malaysia. Naging guro ang aking ama sa Sokoto State, Nigeria
sa Kanlurang Aprika. Maids in London. Caregivers in Canada.
Pinay ang private duty nurse ni Christopher Reeve (si Superman).
Mga DH sa Hong Kong. Rock and Roll bands in Vietnam. Pinatay
na mail-order bride mula Cebu, sa State ng New Jersey early
this year. Mga nasunog at namatay na marinong Pinoy sa cruise
ship na nakadaong sa Miami two months ago. Kayo diyan sa Japan.
We keep the Philippine economy afloat as we continue to
send remittances. And the Philippine government continues
to PIMP us abroad, as theres no spot for our labor in
our own native land. Dekada at daang taon na sa pagka-alipin
sa ekonomiyang dolyar.
Kumakalam din ang konsyensya kung minsan. Lalo na at sa ngayon
ay so called booming ulit ang NURSES sa ibang
bansa lalo na dito sa US. Kung kaya parang nagmistulang malaking
diploma mill na naman ang mga paaralan at kolehiyo
sa Pilipinas sa pagpapatapos ng mga bagong nurses.
Maliban sa Pilipinas, maraming mga nurses ang
mga nanggagaling sa India. Samantala ay bumubulusok naman
ang IT (information technology) industry. Subalit sa tingin
ko ay mas lamang ang mga Pinoy at Pinay dahil sa ating so-called
command of the English language.
Kumakalam ang konsyensya sa dahilang kung tutuusin ay mas
kailangan ang mga manggagawang pangkalusugan sa ating bansa,
sa ngayon. Subalit yung nga kalam ng sikmura o ng budhi?
Marami sa atin sa palagay ko ay nagnanais pa ring umuwi
sa ating lupang kinagisnan. Magkita-kita na lang tayo doon.
Sumasalubong sa isang bagong umaga.
We
welcome our readers to contribute their articles to Philippines
Today Online. If you would like to submit your article
for posting at this section, please use our Submission
Form.