Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
OCTOBER ISSUE
15 Oct - 14 Nov 2002
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Inspirations 
Poetry 
Laff Page 
Community 
News 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Online polls 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

PT BOOKSTORE
cover A Guide to Remembering Japanese...
cover The Essential Wedding Workbook For The...
For more books, visit the PT bookstore!

Mga bagong bold stars!

Patuloy ang pagdami ng mga artista, baguhan man o hindi, na sumasabak sa bold films para sumikat ng husto. Kabilang dito sina Maui Taylor (na sumikat sa unang starring role nito sa pelikulang “Gamitan”), Maricar de Mesa at si Aubrey Miles (P 4.5 milyon daw ang kinita sa unang araw ng first movie nitong “Prosti” na prinodyus ng Regal).

Sa mga nabanggit ay tila si Aubrey ang pinakasikat sa ngayon dahil siya ang napiling kapalit ni Rica Peralejo bilang model ng sexy calendar ng Ginebra San Miguel. May balitang P2 milyon daw ang bayad kay Aubrey para dito. Kabilang sa mga proyekto ni Aubrey ay ang sexy calender para sa FHM Magazine at pangalawang movie nito na “Una at Huli” kung saan kasama nito si Richard Gomez. Pumirma na rin siya ng kontrata bilang pinakabagong endorser ng Bench.

Samantala ay mag-bo-bold na rin ang kapatid ni Donna Cruz na si Jose Marco Cruz. Dating miyembro ito ng isang banda bago nagdesisyon na pasukin na rin ang pelikula.

 

Illegal workers? Hmmm...

Naglunsad kamakailan ang Bureau of Immigration and Deportation (BID) ng malawakang kampanya laban sa mga illegal foreign workers para protektahan ang interest ng mga local artists. Kabilang sa mga nasangkot na mga artista ay sina Vanessa del Bianco, Nancy Castiglione, Troy Montero at KC Montero na minultahan ng tig-P100,000 matapos mapatunayang nagtrabaho sila sa bansa ng walang special work permit o working visa. Sina Vanessa at Nancy ay mga Canadian citizens samantalang sina Troy at KC naman ay Americans. Sa apat na artista , tanging si KC ang inatasang umalis ng bansa dahil “overstaying tourist” ito (21 araw ng paso ang kanyang tourist visa) samantalang ang natirang tatlo ay pinagbawalang magtrabaho habang wala pa ang kanilang mga special working permit.

As of presstime ay limang celebrities ang binigyan ng ultimatum na magpakita sa BID sa loob ng isang linggo dahil pumasok raw ito ng bansa bilang mga turista at hindi nag-apply ng working visa. Kung hindi raw magpapakita ang mga ito ay mapipilitan ang BID na arestuhin sila. Ito ay sina Rafael Rossel 1V (isang close-up model na naging ABS-CBN talent), Billy Joe Crawford (isang international singer na matagal ng naka-base sa US), Maureen Larrazabal (mainstay ng Bubble Gang ng GMA), Amanda Griffin (model at dating VJ ng Channel V) at Ladine Roxas (isang international na singer na naka-base sa UK). Bukod sa mga nabanggit ay may apatnapung mga banyagang artists at atleta ang pinapaimbestigahan pa ng BID.

 

MTRCB Chair Marilen Dinglasan, maraming kaso?

Naging kontrobersiyal ang kasalukyang MTRCB Chair na si Mari-len Dinglasan a.k.a. Maria Elena Dinglasan ng mabulgar na may kasong estafa pala ito noong 1986 pa. Marami pa raw itong ibang kaso ayon sa mga empleyadong ng MTRCB na nakatanggap ng tawag mula sa mga taong gustong magsalita tungkol dito. Kung si Dinglasan naman ang tatanungin ay sinisiraan lamang daw siya ng kanyang mga detractors na gusto siya patalsikin sa puwestong binigay sa kanya ng kanyang kaibigan na si Presidente Macapagal-Arroyo.

Isa sa mga may reklamo kay Dinglasan ay ang ina ni Rica Peralejo na si Mrs. Alice Peralejo. May P13 milyon daw na utang dito si Dinglasan dahil dati raw itong nag-o-order ng sugpo na ini-export nito noong 1980’s.

As of presstime ay hindi pa pinapalabas ang desisyon ng Malacañang tungkol sa appointment ni Dinglasan.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES
Jules Ledesma, nagsampa ng kaso laban sa manager ni Assunta

Bahay ni Diether, pinagbabaril

Mga bagong bold stars!

Illegal workers? Hmm....

MTRCB Chair Marilen Dinglasan, maraming kaso?

Showbits at blind items

A music for your little, painful life that is beautiful nonetheless











Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net