|
Jules Ledesma, nagsampa
ng kaso laban sa manager ni Assunta
MATAPOS maging laman ng headlines ng mga diyaryo si Congressman
Jules Ledesma at ang fiancee (o asawa?) nitong si Assunta
de Rossi dahil sa pagka-kidnap ng dalawang anak nito ay eto
at laman na naman sila ng pahayagan dahil sa away at gulong
nangyayari sa pagitan ni Jules at Manny Valera na manager
ni Assunta.
Ayon sa pinaka-latest na balita na nakuha natin ay nagsampa
ng kasong exploitation si Jules laban Manny at P200 milyon
raw ang halaga ng asuntong ito. Ang punto ng kaso ay underage
daw si Assunta ng nag-bold ito sa pelikula sa ilalim ng pangangalaga
ni Manny. Si Assunta rin ay nag-file naman ng kasong annulment
of management contract laban kay Manny dahil gusto niyang
mapawalang-bisa ang kontratang pinirmahan niya at ng kanyang
ina na si Nenette Schiavone na hanggang 2007 ang effectivity.
Si Manny na unang nagsabi na sasampahan ng kasong Breach
of Contract si Assunta ay mag-fa-file na raw ng counter-charges
pero walang pang detalye tungkol dito as of presstime.
Nagsimula ang lahat ng kaguluhan nang magpahayag si Assunta
na gusto na raw nitong umalis sa poder ni Manny. Walang problema
ito kay Manny basta raw bayaran ni Assunta ang management
contract nila ng P10 milyon. Ang halagang ito ay base sa computation
ni Manny na kikita raw si Assunta ng P 31.8 milyon bawat taon.
Sa komisyon niyang 25%, dapat ay kikita rin daw siya ng P39
hanggang P40 milyon kaya ang P10 milyon na hinihingi niyang
kapalit ng management contract nila ay maliit na halaga pa.
Binigyan rin ni Manny si Assunta ng karagdagang option para
matapos raw ang gulo: huminto na lang daw ito sa pag-aartista
pag umalis ito sa kanyang poder o di kaya ay pangatawanan
na lamang nito ang pinirmahang kontrata. Sa halip na sundin
ang kagustuhan ni Manny ay isinampa ni Assunta ang nasabing
annulment of management contract.
Ayon kay Manny, sa kabila ng lahat ng nangyari ay kaya niyang
tanggapin uli si Assunta pag bumalik ito sa poder niya. Ang
di niya lang kaya ay ang pakikialam ni Jules sa career ni
Assunta.
Bahay ni Diether, pinagbabaril
 |
|
Diether Ocampo
|
Pinaulanan ng bala ang bahay ni Diether Ocampo ng mga di-kilalang
tao kamakailan. Natutulog ang aktor sa kwarto nito ng mangyari
ang insidente.
Ang suspetsa ng mga pulis ay may kinalaman ito sa sinasabing
relasyon ni Diether sa kay Andrea Revilla na kapatid ng Videogram
Regulatory Board Chairman na si Bong Revilla. Baka raw may
koneksiyon ang insidente sa kampanya ni Bong laban sa mga
illegal na manggagawa at dealer ng mga pirated discs. Ayon
sa mga imbestigador ay dalawa na sa mga bodyguards ni Bong
ang na-ambush kaya hindi nila pwedeng isantabi ang anggulong
ito.
Pinabulaan naman ito ni Diether na nanghingi pa ng paumanhin
sa pamilyang Revilla dahil nasangkot sila sa isyu (as of presstime
ay may balitang nag-break na pala ang dalawa noong nakaraang
buwan pa). Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang kaso pero alam
na raw ni Diether kung sino ang may kagagawan ng shooting.
Ang hiling na lang ng aktor sa mga taong sangkot dito ay huwag
na raw mandamay ng ibang tao kung siya raw talaga ang habol
ng mga ito.
Back to top
Page 1
2 3
|