 |

Public schools sa US, etc.
AM WATCHING a Samuel L. Jackson movie right
now on cable. Its stealing my attention away from writing
this article. This I have to admit. Title? 187.
A 1997 movie about school system in southern California. Machismo.
Chicano. Gangs. In a way, this made me think of the way high
school students get their education here in the United States.
And am thinking of the public school system in the inner city
schools in urban cities like Los Angeles, San Francisco, and
yes
New York.
As an immigrant observing the way of life
here in my present surrounding, I am appalled at the way some
high school students just take their education for granted.
Especially sa bansang kayang ipamudmod ang educational materials
sa bawat estudyante. True na may maraming mga kakulangan,
tulad ng classrooms, subalit, yun bang ang pagpapahalaga ng
mga mag-aaral sa edukasyon, ay wala. Again, am writing about
public schools in inner cities and urban neighborhoods. Am
sure na ibang situation naman sa mga suburbs at ibang states.
Kakulangan sa guro. Ito ay isang malaking
problema ng educational system dito. Nag-recruit pa nga ng
mga guro mula Jamaica, France, Pilipinas at iba pang bansa.
Kakulangan sa dahil marami ang umaalis. Umaalis sa dahil hindi
masikmura ng mga guro ang abuso ng kanilang mga tinuturuan.
Theres a lot of violence going around against teachers,
and against other students. Nandiyan yung pagtawanan ang accent
ng teacher (dahil nga Pinoy accent ang dala), batuhin ng papel,
o chalk, at iba pa. Marami ring insidente ng sexual assault,
and gang-oriented violence laban sa ibang mga estudyante.
Almost bawat linggo ay binabandera ng mga newspapers at television
reports ang mga nakakagimbal na balitang ito.
Pinupuna rin ng mga kritiko ang failing grade
ng entire trend of education. Lalo na sa Math, Reading at
Sciences. Nakapanlulumo actually. Kaya lumalabas ang mga new
slangs at words tulad ng Rite (for Right), Nite
(for Night), at marami pang iba. Sabi nga ng isang kasamahan
ko sa trabaho
ginamit ng kanyang anak ang salitang
hateration at respeck sa game na scrabble,
at nakipag-argue pa ito na ang mga salitang ito ay nakuha
niya sa Hiphop songs ni Jayzee. Well, sabi naman ng nanay
niya ay hindi pa nauumpisahan ang hiphop scrabble
olympics.
Tutugtog dito sa New York sa ika-26 ng Oktubre,
ang Parokya ni Edgar. Manonood siguro ako. Makikinig
naman ng live na alternatibong bandang Pinoy. Ilang mga Pinoy
na banda na rin ang nag-tour dito sa New York. Eraserheads,
Wolfgang, The Dawn
pati na ang Freestyle, at Side A
band. Me mga bituin din (ahe!!), na nag-show, tulad ni Regine
Velasquez, Isabel Granada, Anthony Castello, Ara Mina, at
Ai-Ai de la Alas, pero di ko sila trip (hehehe
.).
Panlaban sa homesick ang pumunta sa Chinatown,
Filipino stores at turo-turo, at Asian Markets at mamili ng
mga sangkap sa pagluto, humiram ng VHS tapes, at makinig sa
ibat-ibang mga diyalektong Pinoy. Maraming mga Philippine
products ang naipasok na sa New York market. Pati na ang San
Miguel Beer (lager nga lang, pero solb na rin). Pati kangkong
(kahit mahal!!), at Omega Pain Killer (gamot sa sakit sa likod)
at Pito-Pito herbal drink (para kay inay). Subalit please
hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa talbos
ng kamote, sampalok, bayabas, santol, manggang hilaw, kalamansi
at sa aming mga Ilonggo
takway at bilong-bilong!!!
(itanong nyo na lang kung ano ang last two sa mga Ilonggong
kakilala ninyo).
Halloween dito sa October 31. Magti-treat
or trick na naman ang mga bata. Hehehe
paano naman
ako matatakot sa mga batang ang suot-suot na costume ay si
Tweety Bird, Power Ranger, at Star Trek? Kala ko panakot
haay naku
Na-alala ko tuloy ang Todos Los Santos sa
Pilipinas. Picnic sa sementeryo. Luto ng suman at biko. Dasal
para sa mga patay. Mahjong sa mga puntod. Sumalangit nawa
ang kanilang mga kaluluwa.
Itutuloy daw ni Presidente George W. Bush ang sinimulang digmaan
ng kanyang tatay against Iraq. Marami ang ayaw sa digmaang
papalapit. Maraming mga rally, pickets at demonstrations ang
isinasagawa sa Washington, DC, San Francisco, New York, at
other urban cities. Pati Pilipinas ay masasangkot sa napipintog
na gulo. I-oopen pa daw ni presidente Gloria Arroyo ang air
space ng Pilipinas para sa US fighter planes. Baa! Pag-isipan
nga natin kung ano ang kahihinatnan kung mangyari ito?
Patuloy tayo sa pagkabuhay!!!*
Back to top
<React
to this article>  <Read
other reactions>
A medical-surgical nurse in New York,
PT poet Rey Agudana has been writing poetry for almost
a decade now. He is also a strong believer in the liberation
of the arts and literature from the clutches of commerce.
He recently helped organize the Bacolod-based poetry-reading
group -- Rhymes of Resistance. You may email the author
at tubao@philippinestoday.net.
|