|

Mga isyung Pinoy
NAKAKANOOD ba kayo ng mga news program mula
sa atin dito sa Japan? Paano? Kung may internet connection
kayo, i-type in ang inq7.net at mapapanood mo si Mel Tiangco
at Saksi ng GMA-7, halos araw-araw.
May napansin lang kami sa mga news natin.
Halos 80% or more ay puro negative ang dating. Kidnappings,
patayan, nakawan, rape at marami pang kaparehong madidilim
na balita ang mapapanood at maririnig ninyo. Wala ngang investors
o tourists ang maaakit magpunta sa Pilipinas kung puro negative
news ang lumalabas tungkol sa atin. Kahit ang ating mga kababayang
migrante ay magdadalawang-isip umuwi dahil sa mga nakakatakot
na balitang nagmumula sa atin. Pati tuloy ang karamihan sa
ating mga kababayan na nasa Pilipinas ay gusto na ring umalis
at mag-migrate sa ibang bansa.
Oo ngat hindi ang Philippine media ang
dahilan ng bad image ng ating bansa. Ibinabalita lamang nila
ang mga totoong nangyayari. Pero, kasama rin ng katotohanan
ang mga iilan, bagamat mas kaunti lamang, na magagandang
balita.
We are sure that amidst the negative events
taking place in our country, there are still a handful of
very positive news, especially the inspiring acts of love,
courage and determination of many good-hearted Filipinos.
Of course, media has the responsibility to
present the truth so we are not suggesting that they do away
with the real negative events. We are just asking that they
balance the news, to show the good, no matter how few and
in between, together with the bad.
Hopefully, the positive news, although limited at the moment,
may expand and inspire more of our people to be more honest,
to be more diligent, to be more nationalistic, to be more
sharing.
We focus too much on the dishonest, the selfish,
the bad and the ugly. What about the honest, the selfless,
the good and the beautiful among our people, in our country?
*****
Batid ng lahat na parami nang parami ang mga Filipino dito
sa Japan. Mga entertainers, mga asawat anak ng Japanese,
mga trainees, care-providers, Nikeijin, professionals at students,
may kumpletong travel at work documents man o wala, maaring
higit na sa 200,000 ang bilang ng mga Filipinos dito.
Karamihan din sa ating mga kababayan dito
ay may mga problema.
In the past, there were more job-related problems
katulad ng walang kontrata, walang bayad para sa trabaho,
di makatarungang haba na oras ng pagtratrabaho, dohan, confiscation
of passport and alien certificate of registration (acr) by
brokers, at iba pa.
While these problems continue until now, family-related problems
are also on the increase. Pagbubugbog na asawa, child abuse,
separation, divorce at marami pang pampamilyang problema ay
ini-re-report sa Philippine Embassy, sa mga simbahan, at NGOs
ng ating mga kababayan dito.
Marami sa inaabuso ng kanilang mga asawat
kasama sa bahay ay tumatahimik lamang. Tinitiis nila ang mga
physical at verbal na pag-aabuso dahil sa takot na kadalasay
nagmumula sa maling akala na baka hindi na sila maaring tumirat
manatili sa Japan kung hihiwalayan sila ng kanilang mga kasama
o asawang Hapon.
Isa pang problemang pampamilya ay ang tungkol
sa pag-aaral ng mga anak ng Filipino dito sa Japan. Hindi
masyadong apektado ang mga anak ng Filipino na kasal sa Japanese,
ang mga tinatawag na Japinos. Dahil sa gimu kyoiku ( compulsory
education) dito sa bansang ito, madaling makapasok ang mga
bata sa paaralan maski saan man dito sa Japan.
Kaya dapat, kahit ang mga batang tinaguriang Pipino, anak
ng kapwa Filipino, ay maaring makapag-aral dahil sa gimu kyoiku.
Walang school dito sa Japan ang makakatanggi sa kanilang pagpapasok
kung mag-a-apply sila. Bilog man o hindi ang kanilang mga
magulang, pwede silang pumasok sa school na pinakamalapit
sa kanilang tirahan.
Dahil takot ang mga magulang nila na baka ma-I-report ng
school sa immigration ang tungkol sa kakulangan ng kanilang
mga dokumento ( na sila ay undocumented o OS overstayers),
marami sa mga anak ng mga Filipino dito ay lumalaki ng walang
formal na edukasyon. Kawawa naman ang mga bata. Masakit din
para sa mga magulang na makita ang kanilang mga anak na lumalaking
kulang sa pormal na karunungan.
Kung kayo ay Pinoy at may mga ganitong problema at iba pa
dito sa Japan, ano ang maari ninyong gawin?
May suggestion na lumabas sa meeting ng mga NGOs, taga-simbahan,
at ng Philippine Embassy na isagawa ang outreach program kung
saan ang mga opisyales at staff ng Embassy ay papasyal at
bibisita sa mga ibat ibang lugar dito sa Japan.
Sa kanilang pagbibisita, magkakaroon ng consultation at mas
mahalaga, magdudulot ng consular services ang Embassy team
katulad ng passport renewal, registration of birth and marriages
at iba pang serbisyo at assistance na kailangan ng ating mga
kababayan.
Makakatulong ito lalo na para sa mga may katanungan at problemang
nais nilang ipaabot at mabigyan lunas pero hindi nakakapunta
sa Embassy sa Tokyo.
Kung matutuloy, may planong gawin ang Embassy Outreach na
ito sa October 27, Linggo, sa Tsukuba Catholic Church. Kung
tatanggapin ni Ambassador Domingo Siazon ang paanyayang simulan
itong outreach program na ito, maglalabas kami ng formal na
paanyaya at information sa lahat ng mga Filipinos sa Ibaraki
Prefecture na dumalo sa napaka-importanteng okasyon na ito
sa October 27, mula 12 hanggang alas-5 ng hapon.
If you have problems, comments or suggestions, please contact
us at telefax 0298-55-6154 or email us at cballescas@yahoo.com.
Hanggang sa muli, ingat kayong lahat at God bless!*
Back to top
We
welcome our readers to contribute their articles to Philippines
Today Online. If you would like to submit your article
for posting at this site, please use our Submission
Form.
|