Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
NOVEMBER ISSUE
15 Nov- 14 Dec 2002
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Inspirations 
Poetry 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Online polls 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

PT BOOKSTORE
cover A Guide to Remembering Japanese...
cover The Essential Wedding Workbook For The...
For more books, visit the PT bookstore!

Donita Rose, maligaya sa kanyang lovelife

Donita Rose

Aminado si Donita Rose na inspirado siya ngayon dahil natagpuan na niya marahil ang lalaking pakakasalan niya. Ang swerteng lalaki ay si Eric Villarama na best friend ng nakababatang kapatid niya na si Paul. Kasalukuyang nagtratrabaho ito bilang isang art director sa isang web-based company sa US. Balak raw nitong lumipat sa Singapore para mapalapit sa kasintahan at para rin ma-develop ang kanilang relasyon.

Inamin ni Donita na hindi niya raw ito gusto noong una dahil ayaw niya ng mas bata sa kanya (isang taon ang tanda niya kay Eric). Nakababatang kapatid lang ang turing niya dito dahil maliit pa lang sila ay kilala niya na ito. Meron daw silang komunikasyon noon pero hindi niya alam na in-love na pala si Eric sa kanya. Nalaman niya lang ang lahat ng binigyan siya ni Eric ng isang movie trailer para sa birthday niya at doon ipinahayag ng binata ang kanyang damdamin. Nagustuhan niya si Eric dahil na-diskubre niya na marami daw silang things in common, kasama na rito ang lubos na pagmamahal sa Diyos. Para kay Donita ay ito ang pinaka-importante sa lahat. Wala pa raw silang planong magpakasal pero gusto ni Donita na makasal sa taong 2004 dahil 27 na raw siya ngayon at gusto rin niyang magkaanak habang bata pa.

 

"Munting Tinig" pang-international filmfest

Matapos tanghalin ng mga kritiko sa Toronto International Film Festival ay napili ang “Munting Tinig” ng American Film Institute bilang isa sa mga sampung Asian classic films na ipapalabas sa Los Angeles Film Festival. Ang nasabing pelikula na gawa ni Gil Portes ay tungkol sa karanasan ng isang batang guro (na ginampanan ni Alessandra de Rossi) ng ma-assign ito sa isang liblib na barrio.

Maraming pumuri sa akting ni Alessandra at may kritiko pa na sumulat na may potensiyal siya na maging isang Penelope Cruz (isang Spanish actress na kilala na sa buong mundo dahil sa mga nagawa nitong Hollywood movies at hindi lang bilang girlfriend ni Tom Cruise). Kung natatandaan niyo pa ay napuna rin ang akting ni Alessandra sa unang pelikula nito na “Azucena” na naging laman din ng mga international film fests katulad ng Toronto International Film Festival, Valladolid International Film Festival at San Diego’s Asian Film Festival. Nanalo din siya bilang Best Supporting Actress sa pelikulang “Hubog” noong nakaraang Metro Manila Film Festival.

Sasamahan ni Alessandra si Gil sa screening sa LA Film Festival at habang andun ay baka raw mag-audition ito sa “Fertig”, isang Hollywood na pelikula tungkol sa World War II sa Pilipinas na magtatampok kay Brad Pitt sa starring role.

Sinasabing ang “Munting Tinig” ay kasalukuyang kino-consider bilang entry sa Foreign Languge film category ng Golden Globe awards. Isa rin daw ito sa mga pelikula na ilalaban bilang entry ng Pilipinas sa Best Foreign picture category ng Oscar awards.

 

Wendell Ramos, bagong "Papa ng Bayan"

Iyan ngayon ang bagong titulo ni Wendel dahil sa patuloy na pagsikat nito sa larangan ng bold films. Sinasabing siya ang susunod sa mga yapak ni Jomari Yllana bilang isa sa mga in-demand na sexy actors.

Nagsimula ang lahat ng mapansin siya sa “Hubog” kasama si Assunta de Rossi. Sumunod ay naging leading man rin siya ng baguhang bold star na si Maui Taylor sa “Gamitan”, ni Maricar de Mesa sa “Bedtime Stories” at ngayon ay kapareha siya ni Ara Mina sa pelikulang “Two Timer”. Nakatulong rin sa pagsikat niya ng pagsuot niya ng T-back sa nakaraang fashion show ng Bench underwear kung saan isa siya sa mga pinagkaguluhan ng karamihan. Ngayon ay kaliwa’t-kanan ang mga intriga sa kanya tungkol sa annulment niya at ang relasyon niya raw kay Pia Pilapil at kay Ara Mina. Ayon sa kanya ay walang katotohanan raw ang mga intrigang ipinupukol sa kanya. Ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay ang kanyang trabaho.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES
Kalat na ang "Dukot Queen" - ang kontrobersiyal na VCD ni Sunshine Cruz

Assunta at Manny Valera, nagkaayos na

Donita Rose, maligaya sa kanyang lovelife

"Munting Tinig" pang-international filmfest

Wendell Ramos, bagong "Papa ng Bayan"

Showbits at blind items

Ken Hirai's lullaby a big hit











Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net