Philippines Today Online Edition
The longest-running, most widely read newspaper for Filipinos in Japan
NOVEMBER ISSUE
15 Nov- 14 Dec 2002
Home 
Interview 
Opinion 
Features/ 
Lifestyle 
Entertainment 
Sports/Fitness 
Inspirations 
Poetry 
Laff Page 
Community 
News 
OFW Corner 
Phil. Headlines 
Japan Headlines 
Press Releases 
SITE SEARCH
Advance Search
Liham sa editor 
Talakayan 
Balitaan 
Online polls 
Readers' 
comments 
Site search 
Subscribe to the PT mailing list to receive monthly updates
Enter Email Address

Search for Filipino Sites
browse by category

PT BOOKSTORE
cover A Guide to Remembering Japanese...
cover The Essential Wedding Workbook For The...
For more books, visit the PT bookstore!

Kalat na ang "Dukot Queen" - ang kontrobersiyal na VCD ni Sunshine Cruz

Sunshine Cruz

KALAT NA KALAT sa buong bansa ang kontrobersiyal na VCD na “Dukot Queen”. Ito raw sana ang launching movie ni Sunshine Cruz sa Viva Films na hindi niya tinapos. Dalawang araw lang nag-shoot si Sunshine kaya ang laman ng VCD ay 15 minuto na matinding love scene nila ni Jay Manalo.

Apektadong-apektado raw si Sunshine samantalang galit na galit naman si Cesar Montano. Kakausapin daw ni Cesar and kanilang abogado para malaman daw nila ang dapat nilang gawin. Kasalukuyang iniimbestigahan pa kung paano napunta sa black market ang nasabing video. May mga balitang lumabas na isang janitor at technician ng Road Runner ang nagpuslit ng negatives at ibinenta sa isang distributor (ang ipinagtaka raw ni Cesar ay kung hindi tapos ang nasabing pelikula, dapat raw nasa studio (Viva) ito at hindi sa isang dubbing studio katulad ng Road Runner). As of presstime ay tumulong na rin si VRB Chairman Bong Revilla para pigilan ang pagkalat ng naturang VCD sa pamamagitan ng patuloy na pag-raid sa mga pirated goods.


Assunta at Manny Valera, nagkaayos na

Assunta de Rossi

Ipinahayag ng talent manager na si Manny Valera na nagkaroon sila ng out-of-court settlement ng dating alaga niya na si Assunta de Rossi. Babayaran daw siya ng ilang milyon (hindi niya sinabi kung ilan pero may bulong-bulongan na 6 milyon daw ang halaga ng kontrata) para i-release si Assunta sa 5-year management contract nito. Kasama rin daw sa napagkasunduan nila na i-wi-withdraw ni Assunta ang kasong pagpapa-walangbisa ng management contract nito na isinampa laban sa manager.

Samantala ay kasal na siguro sa huwes si Assunta kay Congressman Jules Ledesma by the time malatha ang isyung ito. Sinasabi na sa Nobyemre 4 nakatakda ang kasal ng dalawa sa San Carlos, Negros Occidental. Napabilis daw ang kasal nila dahil kasalukuyan na silang nagsasama. Ayaw daw ni Jules ng ganung sitwasyon na nagsasama sila ng walang basbas ng simbahan samantalang si Assunta naman ay ayaw ng bumalik sa bahay nila. Eto marahil ay sa dahilang tutol pa rin sa relasyon nila ang kanyang inang si Mommy Nette at kapatid na si Alessandra. Samantala ay sa taong 2004 pa gaganapin ang kanilang church wedding. Ayon sa mga naglabasang reports ay pagbibigyan daw ni Jules ang gusto ni Assunta na mala-princess Diana siya sa kasal nila. Para sa kanilang honeymoon naman ay mag-cru-cruise sila ng mga isang buwan.

Back to top

Page 1 2 3


Click for the latest Yen-Peso Rate

OTHER STORIES

Kalat na ang "Dukot Queen" - ang kontrobersiyal na VCD ni Sunshine Cruz

Assunta at Manny Valera, nagkaayos na

Donita Rose, maligaya sa kanyang lovelife

"Munting Tinig" pang-international filmfest

Wendell Ramos, bagong "Papa ng Bayan"

Showbits at blind items

Ken Hirai's lullaby a big hit












Philippines Today
Copyright © 2001-2002. All Rights Reserved.
Email: webadmin@philippinestoday.net
URL: http://www.philippinestoday.net